Strip 19

764 13 5
                                    

Chapter 19

Kendra’s POV

“What did I tell you? Ha? Don’t stress her too much. Nakinig ka ba? Hindi. Now look what happened! Argh!” Kilala ko ang boses na’yon. Si Ate Elise. Kailan pa siya bumalik? “I won’t force you to let me stay here, but I’ll be paying a visit every now and then to check on her.” Sino na naman kaya ang kaaway niya? Sana kagaya niya ako. Isang matapang at babaeng puno ng kumpiyansa sa sarili. Sabagay, kung isa ka ba namang Collins, malamang sa malamang, taas noo kang titingin sa mga tao.

Imumulat ko na sana ang mga mata ko ng magsalita ang kausap nito.

“I didn’t do anything.” Parang hinaplos ang puso ko sa paraan ng pagkakasabi nito. Ramdam na ramdam ko ang takot at pangamba sa mga iyon. Kahit papaano, may pakeelam pa rin siya sa akin. D@rn. I didn’t know why she passed out. I just hope nothing bad happened to the child. I guess not. It’s just this bleep inside my womb that he cares about. Labas nga pala ako sa usapan.

“K-Kendra!”

“Ayos ka lang ba? I can call our family doctor to check on you.” Wika ni Ate Elise.

“Do you want anything?”

I flinched when he was about to help me sit on the bed. “Nahimatay lang ako. Hindi ako baldado.” Hindi ko malaman kung gaano kami katagal nagtagisan ng tingin. Malinaw na malinaw na sakin ang lahat, ang batang ito lang importante sa kanya. In the first place, wala naman kami dapat sa sitwasyon na ‘to, kung hindi lang dahil sa kalokohang ginawa ko.

“Pagod. Napagod lang ako masyado.” Wala pa ring nagbabawi ng tingin sa amin. Mukha namang nakaramdam si Ate Elise kaya nagprisintang aalis ulit para maggrocery kahit na kakagaling lamang nito doon kanina.

“Bakit na naman ba?” Pagalit na sabi nito.

“Na naman? Anong ginawa ko?”

“That. You, acting so—so cold—so distant. Hindi ka naman dating ganyan diba?”

Napangisi ako sa mga sinabi niya na siyang ikinakunot naman ng noo nito. “Yun na nga eh. Hindi ako dapat naging ganun sa’yo. I’m just your hired pretend girlfriend. And now, your pretend-pregnant-gilfriend.Those last words hit my gut to the core. Wala ng urungan ‘to. Matagal ko na rin ‘tong dapat na ginawa. Ako ang nagsimula, ako rin ang dapat na tumapos. “Cold. Distant. Iyan ang normal na ‘ako’ kapag wala tayo sa harap ni LJ. Masyado akong naging kampante that I let my guard down and brought us this.” Pertaining to that thing.

“Hindi pa rin ba tayo tapos sa usapan na ‘to, Kendra?” Kitang-kita ko ang frustration sa mukha niya. But I can’t back down now. Not that I’ve gathered the courage to finish the race. “Hihintayin nating lumabas ang bata. And until then, you’ll stay here, with ‘ME’, and--”

 

“At pano si LJ?” Doon na siya natigilan. “Abot-kamay mo na siya ngayon, Ethan. Hindi mo naman siguro gugustuhing masayang ang lahat ng pera at oras na ginugol mo para lang mapabalik siya, hindi ba?”

If Only I Hadn't *ON GOING* (formerly I'm in love with a stripper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon