Strip 38

148 6 4
                                    


A/N: HI GUYS!!!! Pinilit kong makapagupdate kahit super busy. This was not proofread so dont be surprised if you happen to see any mistake. okay? I hope to meet some of you pag-uwi ko ng Pinas. :)

Chapter 38

"Kendra, bumili ako ng hapunan niyo at ng mga bata." Lahat kami napatingin kay Roland. "May bisita pala kayo." Inilapag niya ang dalang pagkain sa maliit na lamesa sa pinakadulong bahagi ng kwarto. Hindi maitatago ang kuryosidad ni Roland sa bagong mukhang nasa kwarto pero wala akong balak magpaliwang ng kahit ano sa kung sino man sa kanilang dalawa.

"Hindi pa po ako gutom, Teacher." Sasawayin ko na sana si Rapha pero biglang sumingit si Ethan.

"Nagpadeliver na ako. Padating na rin 'yun ngayon." Saka humalukipkip. "So, teacher ka pala ng mga anak ko?"

"E-Ethan!" Mabilis akong humingin ng paumanhin kay Roland. Kilala ko ang ugaling pinapakita ni Ethan ngayon. At hindi ako makakapayag na paganahin niya ang pagiging territorial niya sa panahong ito. Higit kaninuman, mas importante ang mga anak ko.

"Roland Tomas. Teacher ako ng kambal." Naglahad ito ng kamay, pero tiningnan lang iyon ng isa. Ramdam na ramdam ko ang tensiyon sa loob kaya mabilis akong pumagitna sa kanila.

"Roland, lalabas lang ako saglit. Ayos lang ba kung ikaw muna ang maiwan sa mga bata?"

"Walang problema. Tapusin mo na ano man ang kailangan mong tapusin." Kita ko ang pag-angat ng gilid ng labi ni Ethan.

"Payton, si Kuya muna at si Teacher Roland ang sasama sa'yo, ha. Pero babalik agad si Mommy."

"Aalis na ba ulit si Daddy?" Dali-dali niyang sinilip ang lalaki sa likod ko. Ang senaryong iyon ang siyang nagpakirot ng puso ko. Limang taon ko silang pinilit na ilayo sa mundong maaring magdala sa kanilang ama. Pero ngayon ko lang napagtantong, napakamakasarili ko pala bilang Ina nila. Sa sobrang pagtatago ko sa mga anak ko, nakalimutan kong bata lang rin silang nangungulila sa isang ama.

"Hindi aalis si Daddy, baby girl."

"Pinky promise?"

Nagpipigil ng luha ko lang silang pinanuod. Imbes na abutin ni Ethan ang hinliliit ng anak, lumapit ito upang halikan ang tuktok ng ulo nito. "From now on, Daddy won't be going anywhere. I promise."

"Tss." Si Rapha. "Mommy, ako na po ang bahala kay Payton." Lumapit ako rito at saka ko siya ginawaran ng halik sa pisngi.

"Whatever it is, make it fast. Hindi ko gustong iwan ang kambal." Nakatingin lang ako sa kawalan. Hindi ko alam kung paanong kabisado niya ang pasikot-sikot sa loob ng ospital, basta sumunod lang ako sa kaniya, hanggang sa makarating kami sa rooftop.

"Kamusta ka na?" Napatanga ako sa kaswal na tanong niya sa akin. Gusto kong matawa pero alam kong hindi ito makakabuti. "Kendra--"

"Ethan, cut the chase. Gusto mong kunin ang mga bata sa akin? Pwes hindi ako makakapayag. Kahit na magkano pa ang ibayad mo, hinding-hindi ko ibibigay sa'yo ang mga anak ko. Napalaki ko sila ng ako lang. Mabuti at magalang silang mga bata. Hindi ako nagkulang sa pagpuno ng pagmamahal ng Ina't ama sa kanila."

"You did great, Kendra. You did an amazing job of raising our kids."

Doon lang ako tumitig sa kulay abo niyang mga mata. Hindi ko alam kung nililinlang lang ako ng aking paningin, pero kitang-kita ko ang pangungulila at sinseridad roon.

If Only I Hadn't *ON GOING* (formerly I'm in love with a stripper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon