Strip 33

116 5 0
                                    


Chapter 33

"What do you want?" I can't, and wont hide the irritation in my voice.

"Kendra, I just need to know the truth. Kailangan kong marinig mula sa'yo ang totoo."

"Na ano? Na inakit ko ang Tatay mo? Na gumawa lang ako ng kwento? Para ano? Ha?" I lashed out on him. Iyon naman ang tingin ng lahat sa akin, e. Kahit na anong pagdepensa ang gawin ko sa sarili ko, hindi pa rin noon mababago ang nasa isip ng mga tao.

"Kumalma ka muna, please." Tatayo na sana ako, nang hilahin niya ako paupo ulit sa upuan ko. "Please, I need to hear everything from you."

Nakipagtagisan ako ng tingin sa kaniya. "Bakit pa Rain? Ganiyan ka ba kamanhid? Hindi mo alam kung gaano kasakit sa aking balikan ang lahat. Wala ka sa panahong dinaranas ko ang bangungot na 'yon. Hindi ikaw ang nagmukhang masama. Hindi ikaw ang nayurakan ang pagkatao." Nanatili lang siyang tahimik habang patuloy lang ako sa pag-iyak. Ramdam ko pa rin ang takot sa tuwing babalikan ko ang gabing iyon. Huling beses ko ng pagbabalikan ang mapait na nakaraan kong iyon ngayon. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Kita kong nasasaktan rin siya. Ama niya ang pinag-uusapan dito. At bilang anak, alam kong hindi madali para sa kaniya ang paniwalaan ang mga maririnig niya.

"Hindi ko ipipilit sa'yong paniwalaan ang mga maririnig mo sa akin ngayon, pero dahil hiniling mo, sasabihin ko." Marahas kong pinahid ang mga luha sa pisngi ko. "He almost raped me!" I said in a hushed tone. "I tried to stop him. Sinubukan k o, Rain. Pero anong laban ko sa kaniya?"

"I-Im sorry, Kendra."

"Nung dumating ang mga tao, akala ko, ligtas na ako, pero nagkamali ako. Mas lalo lang nila akong idiniin sa bangungot na 'yon. Alam mo ba ang pakiramdam na palibutan ka ng mga taong magpapatapon sa iyo sa kung saan na parang may nakakahawa kang sakit, sa halip na pumrotekta sa musmo na batang 'yon? 'Yung mga taong akala ko ay maglalayo sa akin sa demonyo mong ama, ang siyang nagdiin sa akin. Hindi nila ako pinaniwalaan. Maging ang Nanay mo. Sino nga ba naman ako, 'di ba?"

"Kendra--"

"Sawa na akong depensahan ang sarili ko. Tapos na rin naman. Pero hinding-hindi na n'on mababago ang nakaraan. Mananatili ng bangungot sa batang iyon ang lahat ng nangyari n'ong gabing 'yon."

"Iyon ba ang dahilan kung bakit ka nasa sitwasyong 'to ngayon?" Gusto kong matawa sa tanong niya.

"Sitwasyon? Alin Rain? Ang magpagamit sa kung kani-kanino?"

"H-Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Kendra."

"Mahal ko si Ethan. Oo, hindi maganda ang simula namin, pero hindi ako kagaya ng iniisip niyong lahat. Lahat ng klase ng trabaho, ginawa ko. Kahit mahirap, kahit marumi, kinaya ko. Pero hindi ang kumapit sa patalim. Pero ito," sabay himas ko sa maliit kong tiyan, "hindi ko plinano ang lahat ng 'to. Pero hindi ko pinagsisisihan."

"Sigurado ka bang hindi mo niloloko si Ethan at ang sarili mo?" Napamaang ako sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Buntis ka nga bang talaga, Kendra?"

"A-Ano?" Nangunot ang noo ko sa tanong niya.

"Kung mahal mo talaga si Ethan, sasabihin mo sa kaniya ang totoo, Kendra. Huwag kang magpakain sa galit mo sa mundo. Kung may kasalanan ang Tatay ko sa'yo, hayaan mong batas ang siyang humusga sa kaniya. Kahit hindi ka buntis, kung mahal ka talaga ni Ethan, ilalayo at poprotektahan ka niya sa kung ano o sino mang gustong manakit sa'yo."

If Only I Hadn't *ON GOING* (formerly I'm in love with a stripper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon