Strip 32

174 8 1
                                    

a/n: Finally. Finally! I'm back. I just want to thanks those patient readers who messages of how excited they are to read the next chapter. Please understand, hindi na ako kagaya noon, na bahay trabaho lang ang buhay. I have school, work, and other important things to fix. So, please bear with me kung hindi ko ma-update ang tatlong ongoing stories ko. But I am trying. Thanks. Enjoy. Vote and comment.


PS. Salamat ulit sa mga bumoto sa Married to my Enemy sa The Fiction Awards 2016. You guy, are awesome. Aja!

By the way, sino ang may piercings dito? Just asking.  


Chapter 32

"Kendra!!" Wala akong makita. Kung dahil ba sa ilaw ng sasakyan o dahil sa pagkabigla, ay hindi ko alam.

"Miss, kung magpapakamatay ka, huwag ka ng mandamay pa ng iba. Leche." Mabilis na nagpatakbo ang driver ng sasakyan.

"Ano bang nasa isip mo, ha?"

"R-Rain? Anong ginagawa mo rito?"

"Balak mo ba talagang magpakamatay, ha? Bakit?" Mahigpit ang pagkakahawak niya sa magkabilang braso ko. Siya ba ang nagligtas sa akin? Pero, bakit? "Dahil lang kay Ethan? E ano ngayon? May bata pang umaasa sa'yo diyan sa sinapupunan mo, Kendra."

"H-Hindi naman iyon ang-"

"Kung hindi ka pananagutan ni Ethan, then let him be."

"Rain--"pero mukhang wala talaga siyang balak na patapusin ako dahil ngayon, hila-hila na niya ako papunta sa itim na kotse.

"Ako na ang maghahatid sa'yo. Sabihin mo kung anong address."

"Magtataxi na lang ako. Hindi mo kailangan gawin 'to."

"No! Sa tingin mo, may tiwala ako sa'yong nasa katinuan ka na para makauwing mag-isa?" Galit na galit ang boses niya, na mas lalong ikinanginig ng katawan ko. Pakiramdam ko, sa ama niya ako nakikipagusap. Nagbabadya na namang bumalik ang mga alala ko. "Sumakay ka na."

"At saan mo naman siya dadalin?" Sabay kaming napatingin ni Rain sa pinanggalingan ng boses na 'yon. "Ang swerte mo talagang babae, Lopez, puro may sinabing mga lalake ang siyang nakapaligid sa'yo." Narinig ko pa siyang sumipol. Nang hindi sumagot si Rain, ay siya na mismo ang nagpakilala sa sarili. "Joacquin, pre." Napahiyang ibinalik niya ang kamay sa bulsa nang tingnan lang siya ni Rain.

"Sakay na Kendra."

"Woah, saglit lang pre. Hindi ka man lang ba magpapakilala."

"Sino ka ba?"

"Kaibigan yata ako ni Kendra." Parang walang pinipili ang pagkapilyo ni Joacquin. Pero wala ako sa mood na makipagsabayan sa kaniya.

"Kaibigan lang pala. Sakay na." Pero maagap akong nahila ni Joacquin. "Let the girl decide, dude." Ramdam ko ang tensiyon sa titigan nila bago sabay na bumaling sa akin.

"Kendra?" Mahigpit kong hinawakan ang braso ni Joacquin at walang sabing naglakad patungo sa kotse niya. Hindi ko na narinig kung ano pa ang sinabi ni Rain bago kami makasakay pero alam kong hindi maganda iyon. "Sino na naman 'yun."

"You don't deserve to know."

"Hindi ka pa nga nagpapasalamat, sinusungitan mo na ako agad."

"Are you stalking me, Joacquin?" Walang ganang tanong ko. Palagi na lang kaming nagkikita sa mga ganitong sitwasyon. Nakakapagtaka lang na lagi na lang siyang sakto kung kelan ko kailangan.

If Only I Hadn't *ON GOING* (formerly I'm in love with a stripper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon