Strip 14

841 14 0
                                    

Chapter 14



Kendra's POV

Kahit na masakit ang ulo ko at kulang sa tulog, or should I say, walang tulog, pinilit ko pa ring pumasok. May mga papeles daw kasi akong dapat na ayusin sabi ni Boss. Sino ba naman ako para tumanggi. Trabaho ko 'yun at kikita ako. Nakakamagkano na nga ba ako? Parang sapat na para sa isang buong taon ang nakukuha ko. Pero yung ipambabaon ko at iba pang gastusin ang kailangan kong pag-ipunan. Paano na lang kung magkabalikan sila Louise at Ethan ng mas maaga sa inaasahan? Paano kung wala na kong trabaho? Hindi pwedeng umasa na lang ako palagi sa perang ibinibigay niya sa akin. Kaya kanina, bago pa man ako pumasok, napagdesisyunan kong babalik na ako sa Chemistry.

"Kendra, kailangan daw ito ni Sir Ethan before 3pm." Sinimulan kong rebisahin ang mga papeles sa table ko. Mukhang ito yung mga naiwan naming trabaho nung nagpunta kami sa Zambales. Dapat pala inenjoy ko na yung bakasyon na 'yun dahil mukhang hindi na iyon mauulit pa.

"Ms. Lopez," hindi ko matandaan kung anong pangalan nito, pero alam ko, mula s'ya sa Marketing Department. Nakakatawa, legal management ang course na kinukuha ko, pero heto ako at nagtatrabaho bilang secretary ng isang hot boss. "Here."

"Ano 'to?" He handed me a cup. I smelled the aroma of what I think, is black coffee. "Uhm--." I really can't remember his name.

"Paul."

"Ah, okay, Paul. Uhm hindi kasi ako mahilig sa kape." Nahihiyang ibinalik ko sa kanya 'yung cup.

"You want me to buy you a hot choco instead? I'll just--".

"Hindi na Paul. Marami rin kasi akong gagawin e." Nilingon ko ang pile of folders sa kanang bahagi ng table. Mukha namang na-gets niya agad. Napakamot s'ya sa ulo at nakangiting tumingin sa akin.

"Napansin ko kasing kanina mo pa hinihilot 'yang sintido mo. Masakit ba ang ulo mo?"

"H-Hindi. Puyat lang ako." Isang matipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya. Kanina ko pa kasi iniinda ang sakit ng ulo ko. Siguro magkakaron na 'ko kaya ako nakakaramdam ng ganito. Kaso mas masakit kasi s'ya kaysa sa nakasanayan ko.

"Gusto mo samahan kita sa clinic? Baka mamaya kung ano--", hindi na n'ya natapos ang sasabihin ng putulin siya ng isang tinig.

"I've only been away for a couple of months, and this is what I see on my return?"

Nakatayo lang ang lalakeng nakasuot ng amerikana sa pintuan habang matiyagang nagmamasid sa amin. Parang pamilyar sa akin ang mukha n'ya pero hindi ko maalala kung saan o kelan ko iyon nakita.

"S-Sir--"

"Don't you have any work to do? Nah, don't answer. I already know." Mautal-utal si Paul sa pagsagot sa lalakeng kaharap namin. Hindi ko magawang sumingit sa kanila dahil sumasakit pa rin ang ulo ko.

San ko ba kasi s'ya nakita?

Napapikit ako ng madiin nang maramdaman ko ulit ang pagkirot ng sintido ko. Kailangan ko ng matapos ang report na 'to para makaidlip kahit papano.

"And what's your name young lady?"

"P-Po?"

"Do I have to repeat myself?" Supladong tanong nito. Nakatingala ako sa lalakeng kaharap ko. Bukod sa matangkad at maputi, nakakatakot din ang datingan n'ya. Yung parang hindi mo pwedeng lokohin o biruin. He has that aura of a man full of authority.

"Ah, Kendra. Kendra Lopez Sir."

"Miss Lopez, weren't you oriented the first day that you stepped in this office that flirting or any sexual act is prohibited inside the company's vicinity?"

Parang nabingi yata ako sa mga sinabi n'ya? Is it sexual act that I just heard?

"If not, well I'm telling you now."

"But Sir, it's not what you--"

"Where's your Boss?" Parang kahit na anong sabihin ko, hindi n'ya rin tatanggapin. Ganito ba talaga pag mayayaman? Puputulin at pagsasalitain ang isang taong mas mababa sa kanila kung kelan nila gusto?

"He's in a meeting at the conference room with the board members. Do you have an appointment with him, Sir?"

Pagak siyang tumawa it's as if what I said was something so obvious. "I don't need an appointment to see him." E sino ba kasi talaga s'ya? "Just tell him I went to pay a visit." Iyon lang at tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Kahit ang tindig niya, pamilyar sa akin. Sino ba kasi s'ya?

"W-Wait. Argh! Ni hindi ko man lang nalaman kung anong pangalan n'ya."

The day went by so fast. Pinilit kong tapusin ang mga trabaho ko. Hindi ko na halos namalayan na kanina pa pala hindi bumabalik si Ethan. Baka may mga iba pang appointments. Bago ako umalis, iniwan ko lahat ng papeles sa ibabaw ng table niya. Naisend ko na rin lahat ng mga e-mails. Hay. Ang hirap pala ng trabaho ng mga sekretarya. Nakakastress.

*1 message received*

From: Handsome Boss

Be sure to prepare my dinner before 8pm.

That text alone made me smile at saglit na nawala ang sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko isa akong girlfriend o ulirang asawang naghihintay sa asawa niya mula sa trabaho. Buti na lang at nakaschedule akong mag-grocery ngayon. Ano naman kaya ang nakain nitong si Ethan at nagpapakagood boss?

Hindi ko na ininda ang pananakit ng aking sintido at sinimulan ko agad ang pagluluto pagkauwi ko. Gumawa ako ng chicken curry at corn soup. Iyon lang kasi ang mabilis lutuin. Knowing Ethan, ayaw niyang pinaghihintay. 30 minutes before 8 when I finished with setting up the table. I took advantage of the remaining time and took a quick shower. It's exactly 7:50 when I finished with everything. Ang kailangan ko na lang ngayon, ay hintayin s'ya. Anytime soon, darating na 'yun.

*1 message received*

Isang parte ng isip ko ang umaasang text mula kay Ethan ang siyang mababasa ko. Pero mas nangibabaw ang kalahati noon ng makitang hindi galing sa kanya ang text kung hindi kay Matthew.

Kendra, free ka ba ngayon? Kulang kasi ng tao dito sa Chemistry. I'll triple your pay, just please, help us.

Matagal-tagal na rin mula ng huli akong makapunta sa Chemistry. Mula kasi noong magtrabaho ako kay Ethan, hindi na ako pumasok pa roon. Hindi rin naman kasi ako maka-oo dahil magagalit si Boss kapag hindi ako inabutan dito. Nakakahiya man, pero hindi na ako sumagot pa.

Mahigit tatlumpong minuto na ang lumipas, lumamig na ang pagkain, malabnaw na ang soup, pero wala, ni anino man lang ni Ethan ang dumating. Am I being so pathetic that I'm waiting for someone, whom I'm not even sure if he has plans of returning home? Or if he considers going home because I am waiting? Marami ng kung ano-anong pumapasok sa isip ko, pero pinilit kong kalmahin ang aking sarili. Another 10 minutes had passed before I received a text from him. Bago ko pa man din iyon basahin, mabilis kong ininit ang mga ulam para naman masarap pag uwi n'ya.

"Ouch! Why so clumsy Kendra?" Mabilis kong hinipan ang aking daliring nadikit sa kaldero at pagkatapos ay binasa ko na ang text.

*1 message received*

From: Handsome boss

Had my dinner with some friend. Don't wait for me.

Napangiti ako sa nabasa ko. I guess this is really bound to happen.

I quickly dialed his number and slowly moved out of the condo.



"Nasan ka? Pupuntahan kita."

If Only I Hadn't *ON GOING* (formerly I'm in love with a stripper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon