Strip 11

868 13 2
                                    

Chapter 11

 a/n: the long wait is over. alam kong napakatagal bago ko ito na-update ulit. pasensya na. sobrang dami ko lang talagang inaasikaso. kasali din kasi ako sa isang contest dito sa wattpad kaya ang daming deadlines na dapat ma-beat ko. haha. pasensya na. eto lang ang nakayanan. Pilitin kong mag-update before the week ends. ok? salamat. :) dedicated to sa kanya, kasi ang kulit nya. haha. thank you girl. hintayin ko po ang mga comments nyo at votes a. thank you ANGELS. :)

Kendra’s POV

Nakakasilaw na liwanag mula sa bintana ang s’yang gumising sa akin. Sinilip ko ang cellphone ko sa gilid para tingnan ang oras. Laking gulat ko ng malamang alas nuebe na pala ng umaga. Ang tagal kong nakatulog pero ang pakiramdam ko, kulang pa rin iyon. Ang daming tubig na nawala sa akin, at halos wala rin akong kinain maghapon kahapon. Lalong tumindi ang gutom ko nang makaamoy ako ng mabango.

“Oh,” mabilis akong napalingon sa pinto. “Gising ka na pala.”

“P-Paano ka nakapasok dito?”

“I have my own means, Kendra,” maingat niyang inilapag ang isang tray ng pagkain sa bedside table at saka ako tinabihan sa kama. “I was thinking na gutom ka pagkagising mo, so kinuhanan na kita ng breakfast. You’ve barely eaten anything yesterday. Anong trip mo? Magpakamatay?” Kung pwede lang sana, ang gusto ko sanang isagot pero nanatili na lang akong tahimik. “Ahh,” nanigas ako sa pagkakaupo ng iniabot ni Ethan ang isang kutsarang may laman na kanin at bacon. “Problema?”

“A-Ako na.” Binawi ko sa kan’ya yung kutsara at dali-daling sumubo. Naalala ko yung kadramahan kong ginawa kagabi kaya, lalo akong nahiya sa kan’ya. I know I can’t hide that for too long, but I didn’t expect it to be that soon. Sumilip ako sa kan’ya at nakita kong pinagmamasdam lang niya kong sumubo. “Ack--*cough-cough*”

“Careful.” Sabay abot ng isang orange juice.

“Wa-water na lang.”

“O-Okay.” Nagtatakang binuksan naman n’ya ang bote ng mineral water. I gave him a thankful smile. “Hindi ka mahilig sa orange juice.” Pano ba nagagawa ng lalaking ‘tong maging cool lang? Na wala man lang halong ilangan sa pag-uusap? Knowing na ang gwapo at hot n’ya kahit bagong gising, ni hindi man lang naisip na babae ang kasama n’ya, sa isang kwarto. Okay, given na yung playboy s’ya, at sanay na s’ya sa ganito. We even shared the same bed for how many times now, pero, hindi ko pa rin kasi maiwasang hindi mahiya sa kan’ya eh. Pero s’ya.. argh!

“H-Hindi e. Mas gusto ko ang pineapple. Nagkaron kasi ako ng bad experience nun sa orange juice.” A part of my memory came flashing back that made me smile. “Nalaglagan kasi ng ipis ang inumin ko ng kalaro ko nun. More of sinadyang lagyan. Nainom ko s’ya, pero good thing, hindi ko naisama yung ipis. Mula nun, hindi na ako uminom pa ng orange juice.”

“As in never?” Nakangiti akong tumango sa kan’ya. “Mukhang natrauma ka ng husto dun ha.” Nagkipit balikat lang ako. Susubo na sana ako ulit ng mapansin kong wala s’yang balak tigilan ang panunuod sakin.

“Gusto mo?”

Umiling s’ya. “I’m full. Kumain na ko sa baba.” Kaya naman pala. Nauna na s’ya. “Bilisan mo dyan. Maligo ka na at magbihis. Maglilibot tayo pagkatapos.”

“T-Talaga?” Parang biglang nabuhay ang excitement sa katawan ko. I know last night was a mess. Ni hindi ko maisip kong bakit all of a sudden, bumabalik ang mga suppressed memories ko. I want to enjoy this. Kaya masaya akong marinig ang mga sinabi ni Ethan.

“Oo. Kaya bilisan mo dyan at magbusog ka. Dahil siguradong mapapagod ka.”

“Sige.” Tumayo na s’ya at naglakad.

“I want to help you cover that bitter past of yours with new, happy memories.” Yun lang at lumabas na s’ya ng kwarto. Naiwang naka-hang in mid air ang kamay ko at kutsara. Ano bang meron kay Ethan? Una kinomfort n’ya ko kagabi, ngayon, breakfast, tapos, he’s being too nice and kind. Anong meron? Kinakaawaan n’ya ba ko?

Huwag naman sana. Ayokong tingnan ako ng mga tao sa ganung paraan

******

We spent the whole day by the beach. We almost tried everything. Banana boat ride, jetski, pati na rin yung iba’t-ibang delicacies sa lugar na iyon. We even went to buy some souvenirs, pero more of ako lang yata. Wala naman kasi siyang hilig sa mga ganito. And knowing him, hindi n’ya feel ang mga cheap at walang class na bagay na nandito. I grabbed two extra large shirts na may nakaprint na coconut tree at magandang view ng sunset. Dito man lang, maalala ko ang magandang nangyari dito samin ni Ethan. Baka kasi hindi na ‘to maulit pa.

“Hey, okay ka lang?”

I was jarred out of my reverie. “A-Ano ‘yun?”

“Kanina pa kita tinatawag. Maraming tubig ba ang pumasok d’yan sa tenga mo at hindi mo ako marinig?” I looked down after giving an apologetic look. “Let’s have dinner first. Nasasawa na ako sa pagkain sa hotel. I’ve heard may resto bar dito that serves good food. Dun na lang tayo kumain.”

“S-Sige.”

Hindi lang isa o dalawang beses may humarang samin just to flirt to this Demi God beside me. Sino nga ba naman ang hindi malalaglagan ng panty sa lakas ng sex appeal n’ya. Nagmumukha tuloy akong muchacha. Nakasuot lang kasi ako ng white long sleeves, denim shorts at flipflops, all thanks to Ethan’s designers. Samantalang s’ya, effortless sa cargo shorts at white sando with aviator shades.

“Table for two?” Tumango naman si Ethan bilang sagot. Iginiya kami ng attendant nila sa may gilid pero hindi pa man din kami nakakalayo, may isang babae na naman ang humarang samin. Hindi ko gaano maaninag ang mukha n’ya dahil sa dim lights ng resto bar. Tanging ang ilaw sa stage at iilang mga dim lights sa gilid lang ang s’yang tumatanglaw sa amin. Muntik-muntikan pa nga akong matumba kung hindi lang ako naalalayan ni Ethan.

“Miss, if you have something to ask, my name or number in particular, mamaya na lang. Medyo gutom na kasi itong kasama ko.” Gusto ko sanang magreact sa sinabi n’ya pero mabilis na n’ya akong nahila.

“Is that how you greet your old friend, or should I say, ex lover,” we were both stunned upon hearing that girls voice. Hindi ako pwedeng magkamali. “Ethan.”

If Only I Hadn't *ON GOING* (formerly I'm in love with a stripper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon