NAYMI'S POV
"Kuya!para kang timang,tigilan mo nga yan!"sigaw ko kay kuya,paano ba naman kasi,umalis si ate fire dahil pumunta siya sa new york dahil mag momodel daw siya doon-"Fire ko!I miss you uwahh~!"kuya,at ganiyan siya ngayon,nainom ng C2 nag papakalasing tsk!naiyak siya,nag dadrama ng parang timang!
"Kuya uuwi din naman si ate diba?tumigil kana."
"Oo na,panira ka naman ehh!"sabi niya sabay lagok ng natitirang C2 sa bote.
"Alam mo kuya para hindi ka na malungkot mag mall nalang tayo tas libre mo ako."sabi ko habang seryosong nag susulat sa notebook ko.
"Ano ka nag papatawa?"kuya
"Hindi ahh seryoso ako."
"Edi wag kang mag joke!"kuya
"Ang sama ahh!"sigaw ko sakaniya ng pumunta siya ng kusina.
Ilang minuto na ang nakalipas ng biglang may nag dingdong ng paulit ulit.
"Naymi buksan mo!"sigaw ni kuya mula kusina.Padabog kong binaba ang ballpen ko sa mesa dahil pwede namang siya ang mag bukas,paano kung mag nanakaw yun?Kawawa ako.
"Sino ya-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng makita kung sino ang nandito.Angel Cruz.
"Hi,si kuya mo nanjan?"tanong niya at derederetsong pumasok sa bahay,hihilahin ko sana siya pabalik dahil nakaka bastos yung ginawa niyang yun kaso ang bilis niyang maglakad.Padabog kong sinara ang pinto at tumakbo papasok sa bahay dahil baka malagot ako kay ate fire pag nalaman niya toh!
"Sabi kong may girlfriend ako diba?"Rinig kong nag titimping sabi ni kuya for sure kay angel.
"Baka lang naman diba?chance?"narinig kong nag uusap sila doon sa kusina,sumilip ako at nakita ko ang hindi kaaya ayang gawain!naglalandian sila!LAGOT KA KUYA!!
"Anong chance?wala kang chance!ano ba ang hindi mo maintindihan doon?may girlfriend ako!may utak ka,gamitin mo!" Inis na Sigaw ni kuya kay angel.
"Pero mahal pa kita!"sigaw niya pabalik habang nakahawak parin sa braso ni kuya.
"Pake ko sa pag mamahal mo?hindi kita mahal!mahal ko yung girlfriend ko!"kuya.
"Pero ako naman ang girlfriend mo diba!!?"inis na sigaw ni angel kay kuya.
"Hindi ikaw,dahil Fire ang pangalan niya!,alam mo hindi ako na-nanakit ng babae pero baka ngayon oo!Lumabas ka na at baka hindi ako makapag timpi!"sigaw niya kay angel habang pilit na tinatanggal ang kamay ni angel na nasa braso parin niya.
"Pero mahal nga kita!hindi kita kayang pakawalan."yumakap nalang bigla si angel kay kuya na ikinabigla ko,taksil!
Biglang nag lakad si kuya habang buhat buhat si angel,nagulat pa siya ng makita ako.Dumiretso siya sa labas ng gate at tinulak si angel doon,napa upo si angel sa sahig habang may kakaunting luha sa mata niya.
"Hindi kita mahal,may girlfriend ako at Fire Alexandra Finland ang ngalan niya,hindi demonyo!"atyaka sinarado ang gate.
"Pumasok ka na sa loob."sabi niya saakin habang nag titipa sa cellphone niya.
Dumiretso ako sa kusina pag pasok ko para tignan kung ano yung dalang pagkain ni Angel,binuksan ko ang takip at nakita ko ang tirtang talong at ampalaya,sinarado ko din agad dahil ayaw ko sa talong at ampalaya.
Narinig kong nag bukas ang pintuan kaya sinilip ko kung sino yun,nakita ko si mama na nakatingin sa mga gamit ko.Makalat,ayaw ni mama sa makalat!!
Dali-dali akong tumakbo papunta sa mga kalat dahil baka pagali-
"Ano yan?bat ang kalat?"tanong niya sabay tingin sa isang drawing ko..Si mama yan!Agad kong kinuha ang papel at tumayo tyaka lumapit sakaniya.
"Look ma,drinawing kita."sabi ko.Kinilatas niya yun at paunti unting kumunot ang noo niya.
"Ang panget,gandahan mo naman,parang bara-bara lang ang pag gawa mo."sabi niya sabay tabig ng papel.. "Paghain mo na ako,nagugutom na ako."
Dadamputin ko na sana yung papel ng maunahan ako,sinilip ko kung sino yun at nakita ko si kuyang nakatingin doon..Nakangiti.
"Maganda naman ,kuhang kuha mo yung mata,ilong at labi ni mama,naiba lang ng kaunti yung shape ng mukha."sabi niya sabay tingin saakin ng may ngiti pa din sa labi.
"Wag mo isipin yung sinabi ni mama na panget ang gawa mo ah?maganda naman dahil ikaw ang gumawa"lumapit siya saakin at inabot ang papel bago ako halikan sa ulo."Ako na ang mag hahain,ligpitin mo nalang yang kalat mo tyaka umakyat sa taas,mag pahinga ka muna tatawagin nalang kita pag kakain na."sabi niya atyaka hinalikan ulit ako sa ulo bago pumunta ng kusina.
Kuya..
Nandiyan lagi si kuya sa tabi ko lalo na kapag may problema ako,lagi kaming nag aaway ni ni kuya dahil hindi naman maiwasan yun sa magkakapatid pero kahit anong away namin nandiyan siya lagi sa tabi ko para suportahan ako,alalayan ako,at maging magulang ko.
Kuya..naisip ko lang na lagi akong inaalagan ni kuya pero ako,ito..
Lagi siyang inaasar na panget.
———————————————————————
:)
BINABASA MO ANG
Who was hit by the bullet?
RandomFire Alexandra Finland Nothing MORE nothing LESS. Have a word, "To much information can kill you." STARTED-Sept. 16,2021 ENDED- -BlackLollipop