NAYMI'S POV
Papasok ako ngayon ng school,nag lalakad namaman ako,ramdam ko ang sarili ko pero parang wala ako sa katinuan dahil paran-
"Ayyy!!"nagulat ako nang may biglang humila saakin at malakas na busina.
"Ano ba!?mag papakamatay ka ba!!?ha!?"nagulat ako ng bigla akong sigawan nitong taong toh.Humarap ako sakaniya at nakita ko si jester.
"Ano ba?huh?muntik ka na mabangga nung kotse oh!"bulyaw niya ulit saakin.
"Bakit ba hindi ka-!"natigilan siya nung makita niya akong lumuha.Hindi ko na alam basta bigla nalang akong umiyak sa mga sumusunod na pangyayari.Hindi ko na kayang pigilan.
"Shhhh,sige lang iiyak mo lang yan."sabi niya habang hinaplos ang ulo ko.Mas matangkad siya saakin kaya sa dibdib niya lang ako umiiyak.
Nagulat ako nang buhatin niya ako bigla na parang baby,kaya para hindi ako mahulog ay niyakap ng mga binti ko ang bewang niya at ng mga braso ko ang batok niya.Wala ako sa tamang katinuan dahil umiiyak ako kaya hinayaan ko nalang.
Naramdaman kong lumakad siya kaya hinigpitan ko ang pagkapit sakaniya.Nakita kong nakadating kami ng 7/11,agad niya akong inupo sa mesa at pinunasan ang luha ko.
Umalis siya saglit at pag balik niya dito ay may dala na siyang pagkain.Binuksan niya ang tubig bago inabot iyon saakin.Uminom ako pero agad ding nabulunan nang tumalsik yung oreong binuksan ni jester at nag pagulong gulong pa sa sahig.Kinuha niya yun at inabot saakin,sinamaan ko siya ng tingin kaya natawa siya at tinapon nalang.
Gumulong na nga dun sa bandang maalikabok na sahig tas ipapakain pa saakin,abno!
Naka-upo kami ngayon dito sa may tapat ng 7/11 tinitignan ang mga dumadaan na sasakyan.Hindi na kami naka pasok sa first subject at mukhang nag uumpisa na ang second subject.
"Tumayo ka na diyan nang makapasok na tayo."sabi ko habang sinusukbit ang bag sa likuran ko.
"Ayos ka na?"tanong niya kaya naman ay naglakad na agad ako at tinalikuran siya.Nakakahiya kaya yung ginawa ko sakaniya kanina.
"Uy teh?san ka kanina?cutting?"tanong saakin ng isang kaklase ko.
"Oo nga,parehas kayo ni jester wala.Magkasama kayo noh?"gatong naman ng isa ko pang kaklase.
"Tumigil nga kayo,para kayong mga siraulo."sagot ko atyaka lumabas na.Pupunta ako ng cafeteria dahil lunch na at sa kasamaang palad nakasalubong ko pa si jester.
"Uy!Lunch na pala teka hintayin mo ako kukunin ko lang bag ko!"sabi niya bago tumakbo papuntang classroom,nag baniyo kasi siya kaya nahuli siya.Hindi ko alam pero nakita ko nalang sarili kong hinihintay siyang lumabas.
"Halika na!"bigla nalang niya akong inakbayan kaya wala na akong nagawa.
"Kamusta?ayos ka na?" Biglang tanong ni jester habang kumakain.Tumango lang ako sakaniya at pinagpatuloy na ang ginagawa.
"Parang dati binubully lang sa field ngayon kasabay na kumain!"rinig kong kantyawan ng mga lalake sa kabilang table,lumigon ako doon at nakita ko ang mga kaibigan ni jester na malalaki ang ngiti.
Binato sila ng tissue ni jester kaya lalo silang nag tawanan,minadali ko na ang pagkain ko dahil nakatitig na saakin si jester,naiilang ako.
"Saan mo gusto pumunta?"tanong ni jester habang nag lalakad kami palabas ng school.
"Diretso uwi na ako,wala naman na akong gagawin dito sa labas."
"Halika,may puntahan tayo saglit."sabi niya at inakbayan ako.Ilang minuto lang ay nandito na kami naglalakad sa may Hepa Ave.
BINABASA MO ANG
Who was hit by the bullet?
De TodoFire Alexandra Finland Nothing MORE nothing LESS. Have a word, "To much information can kill you." STARTED-Sept. 16,2021 ENDED- -BlackLollipop