20

96 6 1
                                        

tw:abused

"Ate tulong nga,hindi kasi kaya ng kamay ko yung dami ng paper bag ehh haha."nandito kami ngayon sa tapat ng bahay nila,hinatid ko na siya dahil mag a-alasyete na.Kinuha ko ang ibang paper bags at sumunod sakaniya,medyo malayo ako sakaniya dahil tumakbo siya papuntang pintuan,nagulat ako dahil bigla siyang sinampal ng mama niya pagka bukas niya ng pinto.

Dali dali akong tumakbo papunta sa kaniya pero nahuli ako dahil hinila na ng mama niya ang buhok niya.Padabog na isinarado ni tita yung pintuan nila pero ng pinihit ko yung doorknob ay hindi naman na ka lock.

"Saan ka galing bata ka!!?putangina halos mag aapat na oras ka na naming hinahanap dahil nag-aalala kami sayo tapos babalik ka dito ng may malaking ngiti!!?"sigaw ni tita habang pinapalo si naymi ng tsinelas..Gusto kong tulungan si naymi kaso humahanap ako ng tyempo dahil palipat lipat ng pwesto si tita."Parang walang nag aalala sayo dito ahh!?ang bata bata mo pa ganiyan ka na,hin-" Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng tumayo si naymi at tabigin ang kamay niyang may tsinelas.

"Nag aalala?ayaan ba ang nag aalala?wow grabe ma ahh!sana hindi ka nalang nag alala saakin kung ganiyan din naman."panimula niya habang lumuluha...

"Una sa lahat,pinalayas mo ako dito sa bahay dahil sabi mo nasisira na ang pamilya natin ng dahil saakin,lumayas ako dahil yun ang gusto mo.Pangalawa,birthday ko kasi ma,gusto ko mag celebrate kasama kayo nila papa at kuya pero wala naman kayo,si kuya busy sa kaka-problema kay ate fire kasi ayaw daw niya makita si kuya,si papa naman hindi ako pinapansin sa hindi malamang dahilan,ikaw naman galit saakin.Pangatlo,galing ako kay ate fire,pumunta ako sakaniya kasi feeling ko siya lang ang masasabihan ko ng problema ko.Ma..gustong gusto ko kayo sabihan ng problema ko kasi kayo yung pamilya ko,mga magulang ko,dapat kayo yung nasasandalan ko kasi may problema ako pero hindi ehh.."

"Galit kayo saakin!nagagalit kayo sa kasalanang hindi ko ginawa,sa kasalanan mo!..Ma.kailangan ko ng magulang dahil masyado pa akong bata,kahit ngayon lang na birthday ko iparamdam niyo lang na espesyal itong araw na ito dahil hindi natin alam na baka ito na pala ang huling birthday ko ng buhay ako."Gusto ko lang naman kayo makasama..Ma..Balik na tayo sa dati dahil hindi lang kayo ang may problema,ako din ma,marami din akong problema."naymi,sabay takbo sa taas.

"Anak.."tawag ni tita kay naymi. "Sorry..Anak.."Binaba ko ang mga paper bag na hawak ko atyaka lumapit kay tita.Tinapik ko siya sa likuran niya dahilan para mapaharap siya saakin.. "F-Fire?"

"Sa susunod tita bibilhan po kita ng filter para ilagay diyaan sa bunganga niyo ahh.Mauna na po ako gabi na kasi ehh,mairoon po palang nga pinamiling damit si naymi para sainyo." Tinapik ko siya sa balikat niya atyaka lumabas papuntang kotse ko.

Nag drive na ako pauwi,ine-expect kong nandito sila mama dahil gabi na pero wala pa rin sila.Asan na ba sila?
Wala pa rin akong kaide-ideya kung nasaan sila kaya bumalik ako sa kotse ko,tinext ko si Ezele na doon muna ako sa apartment.


NAYMI'S POV
Nanonood kami ng tv ngayon nila mama ng biglang bumukas ang pintuan.

"Hey kuya you're home na,watcha doing sooo siryosss."sabi ko sabay tawa dahil masyadong seryoso ang mukha niya pero naramdaman kong nakatingin sila saakin ay tumigil na ako.

"We're officially on Mom"sabi ni kuya dahilan para gumuho ang mundo ko..Hindi na ako princess ni kuya..May girlfriend na siya.

"That's my son!!HAHA,I'm so proud of you,apaka galing mo nag mana ka sa gwapo mong tatay!HAHA."rinig kong sabi ni daddy.

Masaya sila habang ako hindi..May girlfriend na si kuya,may iba na siyang responsibility..


"Hoy ampon!may assignment ka?"tanong ni jester.Jester,bully siya dito sa school,marami na siyang nabully at ako naman ngayon ang target niya.

"Wala ehh."sabi ko,actually meron naman talaga akong assignment,mangongopya lang kasi siya ehh.

"Ano ba naman tong ampon na ito,hindi marunong gumawa ng assignment." Wow,nag salita ang gumagawa ng assignment.

Sanay na akong tinatawag niyang ampon dahil daw hindi kami mag kamukha ng daddy ko,pero hindi ako naniniwala dahil mag kamukha kami nung baby kami.Hindi ako naniniwala kaya wala akong pake.

Recess na namin kaya ngayon ay pupunta na ako ng canteen at sa kasamaang palad ay nakita kong papunta dito si jester.Bigla siyang umakbay saakin atyaka ako hinila papasok sa may canteen.

"Hoy..libre mo nga ako."may sakit na siguro toh.Hindi ako tinawag na ampon ehh.

"Ayaw ko nga,may sarili ka namang money ehh." "wala ahh." Kinapa ko ang bulsa niya sa likod ng pants niya at kinuha ko ng mabilisan ang wallet niya,tumakbo ako dahilan para matanggal ang pag-akbay niya saakin.Alam kong hinahabol niya ako dahil sinisigaw niya ang pangalan ko,binuksan ko ang di-tuli niyang wallet at chineck kung may laman yun,mairoon!!napaka daming blue at yellow na papel!!pero may nakita pa ako,sa unahan ng wallet niya na clear ang lalagyan.May picture ko.

Nakangiti ako doon,ito yung nasa intramurals at nanalo ako as miss intrams,kinuha ko iyon at may nahulog na isa pang picture.Picture naming dalawa.Naka akbay siya saakin at may malaking ngiti habang ako ay nakabusangot at may drawing na pusa sa mukha,Ito yung time na nag sisimula na siyang bullihin ako.

"Grabe ka hiningal mo ako."sabi niya habang nakahawak sa tuhod at nakatingin sa baba.Agad kong tinago ang mga picture at binalik sakaniya ang wallet niya ng hindi siya sinusulyapan. "Anyare sayo?"

"W-wala,libre na kita,l-lika na."sabi ko at nauna ng mag lakad sakaniya.

"Bakit dimo pa ginagalaw pagkain mo?"tanong niya saakin habang puno ang bibig.Umiling lang ako at sinimulan ng kumain.Tahimik lang kaming dalawa kumakain ng bigla niyang basagin yun.

"May problema ka?bakit ang tahimik mo?"

"May tanong ako sayo"sabi ko... "bakit ako may picture diyaan sa wallet mo?"Natigilan siya..uminom muna siya ng tubig bago ako sagutin.

"P-Para alam k-ko kung sino t-target kong bullyhin."... "Bakit ka nauutal?"

———————————————————————
:)

Who was hit by the bullet? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon