tw:mentioning of death
It's been a month or what.Hindi ko alam but all I can say is for sure naymi is getting better and better.
Pumupunta siya sa bahay namin minsan.Hindi mo masasabing may problema siyang dinadala dahil lagi siyang nakangiti.
2 months from now g-graduate na kami.We're busy praticing for our graduation to the point na dinadaanan nalang namin ang isa't isa tuwing nag kikita kami.
Apaka hirap mag aral lalo na kung halos araw araw kayo nag kikita.Maraming beses niya akong sinubukan kausapin pero sadyang hindi pa ako handa at gumagawa ako ng excuse.
Nandito ako ngayon sa office at may inaasikasong papers para sa graduation.
May pumasok bigla ng opisina kaya napatigil ako sa ginagawa ko.Nang lingunin ko kung sino yun ay nakita ko si Kayler na namamaga ang mga mata.Napatanga siya saglit dahil siguro hindi niya inaasahan na magkikita kami dito sa ganitong sitwasyon niya.
Na-Bigla ako nang tumakbo siya saakin at ginapos ako ng yakap.Ilang sandali pa ay nararamdaman ko nang humahagulgol siya,Umiiyak siya.
Niyakap ko siya para aluin pero mas lalo pa siyang humagulgol.Hindi ko akalain na kaya niyang umiyak sa harpan ko.Ito ang pinaka unang beses na nakita ko siyang umiiyak.
"Please,kahit saglit lang.Kailangan ko lang talaga ng masasandalan ngayon.Kailangan kita."hinayaan ko lang siya.Kailangan niya ako.Ilang sandali lang ay tumigil na siya sa pag iyak kaya naman ay dahan dahan akong tumayo para i-upo siya sa upuan ko.Kumuha ako ng bottled water sa ref at ibinigay yun sakaniya para mahimas-masan siya ng kaunti.
Umupo ako sa may lamesa kaharap ang nakayukong Kayler na nag pupunas ng mukha gamit ang inabot kong paniyo.Ilang minuto na ang nakalipas at wala pa ring nag sasalita saamin.
"Si Naymi.."nagulat ako nang tumingin siya saakin ng may malungkot na mga mata.
"Wala na.."Nag simula nanaman siyang umiyak hanggang sa naging hagulgol na. "Nakita nalang namin siya ni mama na nakasabit sa may bintana namin..patay na."Halo-halo ang nararamdaman ko pagkatapos ko marinig yun kay Kayler.Akala ko maayos na siya?bakit ganun?"A-anong nangyari?"kinakabahang tanong ko sakaniya.Bumaba ako ng lamesa at lumuhod sa harapan niya para mapantayan siya.
"Hindi din namin alam..hindi ko alam,kasi wala ako dun."patuloy parin siya sa pag-hagulgol kaya agaran ko siyang niyakap.Naymi..
"Kung sana hindi ako umalis,kung sana binantayan ko nalang siya sa bahay hindi sana mangyayari to ngayon sakaniya.Wala na yung kapatid ko."sobrang lakas ng hagulgol niya kaya lalong napapahigpit ang yakap ko sakaniya.
Hindi kami nakapasok ni Kayler dahil pinuntahan namin si naymi.Nakiusap nalang ako sa mga kasamahan namin sa office na isabi sa teacher na may emergency kami.
Nang makarating kami sa bahay nila ay may mga pulis na nakapalibot sa bahay nila.Nakilala ng mga pulis si Kayler kaya hinayaan kaming pumasok,pag-pasok na pag pasok mo palang ay maaamoy na ang malansang amoy.Agad nabaling ang paningin ko sa kapansin-pansin na katawan na nakasabit sa may grills ng bintana.
Nagulat ako nang makilala ko kung sino yun,puro dugo sa katawan niya,pati rin sa sahig.Naymi.
Hindi ko namalayan na nakatulala pala ako sa bangkay niya,nabalik lang ako sa ulirat ng hawakan ako ni Kayler.Tignan ko siya at nakita kong may bahid ng pag-aalala at lungkot sa mga mata niya.Hindi ko kayang nakitang nasa ganiyang sitwasyon si naymi kaya agad agad akong tumalikod at lumakad palabas ng bahay nila.Marami akong tanong sa isipan ko,marami akong tanong na nangangailangan ng sagot pero isa lang ang kaya kong gawin ngayong nga oras na ito.Umiyak.
Alam kong kailangan kong kumilos para umalam ng sagot kung bakit o pano nangyari to pero hindi ko magawa.Mahirap tanggapin ang ganitong insidente lalo na kung malapit saiyo ang taong yun.
Ilang minuto kaming nandoon ni Kayler sa tapat ng bahay nila bago niya ako inakay papunta sa kotse niya.Nang humarap ako sa kaniya ay nakita kong namumula ang mga mata niyang nakatingin saakin.Umiyak din siya?
"Don't cry,kasi nahihirapan akong makita kang ganiyan.And please don't suffer alone,be with me kayler."Sambit ko sakaniya sabay hawak ng pisnge niyang namumula at natuyuan ng luha.
Hinila lang niya ako para sa isang mahigpit na yakap bago maka recover ng maayos.Hinatid niya lang ako sa bahay namin pagkatapos kumain sa isang fastfoodchain.
Kinabukasan ay papasok ako ng school nang makasalubong ko ang buong pamilya ko sa sala,kailan pa sila bumalik?Alam ko nasa america si mama kasama sila kuya dahil LQ sila ni papa,at ito namang si papa ay sumunod doon para suyuin si mama.Ayos na sila?
Naramdaman ata nila ang presensya ko kaya napatingin silang lahat saakin.Nakita kong may lungkot sa mga mata kung tignan nila ako.bakit?
"Anak,kumain ka na?"panimula ni mama bago tumayo. "How's your stay here in the house while we're gone.Are you ok here by yourself?"tyaka niya ako hinapit sa mahigpit na yakap.
"Kailan pa kayo bumalik?"tanong ko pagkatapos ng yakapan namin.
"Princess,hindi mo ba kami namiss?are you not gonna ask how's our trip to America without you?" Tanong ni kuya josh tyaka ako hinalikan sa noo.
"Huh?bakit ano nangyari?"tanong ko.
"It's a long story,sa susunod na namin ikwekwento.Baka malate ka sa school,I think you should go ahead."Sabi ni kuya mike.Tumango nalang ako bago pumunta sa kotse ko.
Pagdating ko sa school ay marami-raming estudyante ang naglalakad papasok.Nakita ko pa sila Keiyan na kumakain ng taho at ice-cream.
Pagkadating ko ng classroon ay saka tumunog ang bell hudyat na mag-start na ang klase.Maayos naman ang naging lagay ko sa klase,nakakasagot ako sa mga tanong at hindi ako lu-lutang lutang.
Andito ako sa cafeteria kumakain kasama si Kayler.Andami niyang inorder na pagkain para sakin pero hindi ko naman maubos kaya ngayon siya ang umuubos ng mga binili niya.Halos mangiyak-ngiyak na siya dahil hindi niya maubos yung mga pagkain,naawa naman ako kaya tinulungan ko na siyang ubusin lahat yun.
Natapos ang araw nang maayos pero hindi ko parin maiwasang hindi isipin anong lagay doon sa bahay nila.Sabi saakin ni Kayler ay babalitaan niya ako pag may naging hakbang na pero wala parin akong nakukuhang balita.
Hindi ko pala natanong kung asan o anong lagay ng mga magulang niya.Asan sila?bakit parang wala akong nababalitaan na alam nila ang nangyari?
—————————————————————
.A/N:
Hi!I'm sorry kung ngayon lang ako nag upload at medyo bitin.Na-occupied lang talaga ng mga module yung isip ko kaya walang update.I hope you can understand.PS:
Advance Happy Valentines Day!!
![](https://img.wattpad.com/cover/285402433-288-k435378.jpg)
BINABASA MO ANG
Who was hit by the bullet?
RandomFire Alexandra Finland Nothing MORE nothing LESS. Have a word, "To much information can kill you." STARTED-Sept. 16,2021 ENDED- -BlackLollipop