JAMIE POV
abala ako ngayon sa pagluluto dahil pupunta si MJ ngayon, ngayong araw ko kasi sasabihin lahat sa kanya, mamaya kasi lalong magtampo yun.
wala ngayon si Dominic dahil nasa opisina na kaya ako lang magisa dito. pero mamaya hahatiran ko siya ng tanghalian niya, ayaw niya kasing kumain sa labas at gusto daw niyang paglutuan ko siya..
asawa talaga ang peg ko pero ayos lang gusto ko naman ang ginagawa ko tsaka para sa mahal ko naman yun.
napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig ko ang doorbell..
agad ko itong binuksan at bumungad sa akin ang kaibigan ko...
"nice naman, housewife na talaga ang pormahan di ko na mareach, grabe ako nga yung playgirl sa inyo pero naunahan niyo pa ako magseryoso sa lalaki" pambungad niya
napaisip naman ako, ibig sabihin ba niya si Rica na nga at si Benedict dahil sila lang naman ang laging magkasama diba?
"hoi Mrs. Martin baka gusto mo akong papasukin sa kaharian niyo"
"a-ayyy sorry, sige tuloy ka bes"
hinatid ko siya sa living room para doon makapagkwentuhan, naghain din ako ng makakain para sa amin.
"ano? chikahan mo na ako, kahapon pa ako kating-kati malaman ang totoo eh, kayo talagang dalawa pinaglilihiman niyo na ako, si Rica for sure may lihim din iyon eh, kasi naman ang bilis ah sila agad ni Benedict eh alam kong sayo may tama iyon"
"bes naman"
"hahaha oo na, sa Kuya ka na pala ngayon, pero infaireness mas type ko si Kuya ha kasi naman iba ka na ngayon, look at you, your so blooming ganyan pala pag may asawa na, matry nga"
"ui bes wag muna tsaka hindi naman yung tulad ko ang iniisip mo, I mean itong asawahan na ito, hindi totoo"
napaupo ng maayos si bes..
"mas lalo naman akong nacurious, make kwento na nga, kasi ang bilis din eh, ibig sabihin ba niyan yung about sa trabaho na inaalos nong asawa mo ngayon ay ang maging asawa niya?"
tumango ako at nagsimulang magkwento, sinabi ko lahat-lahat simula sa umpisa kung paano ako napunta sa sitwasyon ngayon..
"cool, now I know, so hanggang ngayon sinuswelduhan ka?"
tumango ulit ako
"nasa account ko lahat yun, pero hindi ko naman winawaldas lahat yun, konti lang kinukuha ko doon para ipadala kina Mama tsaka alam naman ni Dominic iyon"
"ang bait naman pala ng asawa mo, lalo tuloy akong nanghinayang, tsaka grabe big time nagParis pa kayo fpr your honeymoon, so may nagawa ba?" ngisi niya
"bes naman hindi naman kami tunay na magasawa" nahiya kong sagot
"sus tunay yun dahil kinasal kayo ng pari tsaka pumirma kayo ng kontrata"
"pero hindi kami normal na magasawa" patungo kong sabi
"eh mahal mo ba?" napaangat naman agad ako ng tingin sa tanong niya
"kung mahal mo normal iyon dahil may nararamdaman ka para sa kanya, and base on your story about what happened between Benedict and him, may something sa ginawa ng asawa mo"
"ginagawa niya lang ang tama, tsaka bes inuunahan na kita secret lang ito ah hindi ito alam ng pamilya niya maliban kay Benedict"
"sabi mo eh, pero bes inuunahan na din kita, imposibleng hindi mahulog ang asawa mo sa iyo, I mean si Benedict nga nagkagusto sa iyo eh pareho lang ang dugong dumadaloy sa mga iyon lalo na't ikaw ang kasama ngayon 24/7, tsaka di ko alam na magkapatid pala sila"