chapter 34 of MOSCH

254 9 0
                                    

Matured content

-----------------

JAMIE POV

Oras na ng pagtulog at ito nagtatalo kami dahil ayaw niya matulog sa sala magisa, doon kasi siya nilagay ni Papa dahil ayaw nitong magtabi kami kahit magasawa na kami.

"Honey! Masisikmura mo bang matulog ako magisa dito? Paano kung managinip na naman ako tapos wala ka sa tabi ko? tsaka miss na miss na kita, its been how many days since I slept without you and its not healthy for me tsaka paano kung may pumasok dito at pagsamantalahan ako?"

Sunud-sunod ang tawa ko habang panay ang daing niya, napanguso na lang ito dahil sa akin

"Ganyan ka na ha... wala ka ng pakialam sa akin" pagtatampo niya, ngumiti na lang ako at pinisil ang pisngi niya

"Honey walang kakain sayo dito, kailangan mong sundin si Papa para bumait na siya sayo" salita ko dito

"Pero honey"

"Wala ng pero-pero tsaka tatabi ka sa akin eh katabi ko si Justin" lumabi ito at sinubsob ang mukha sa leeg ko

"Kung gusto mo palit tayo, doon ka sa kama namin at dito ako" pagbibigay ko ng ideya dito

"No, i dont want to put you in danger, mamaya pasukin tayo dito at ano pang gawin sayo, ang sexy mo pa man din" ngisi niya, agad naman akong namula sa sinabi niya

"O sya matulog ka na, sleep well, pag nanaginip ka gisingin mo lang ako"

Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang pisngi niya tapos hinila ako papaupo ulit

"Tabi na lang kaya tayo dito?"

"Ho-ney wag ng makulit, sige ka magagalit si Papa sayo" banta ko dito at tumango-tango ito

"Sige na nga matulog ka na.... good night" dumampi ang labi niya sa labi ko

"Dont worry bukas magkasama tayo" sabi ko dito, tumango na lang ako at iniwan siya...

Bago ako makapasok sa kwarto ay sinilip ko muna ito... inayos nito ang higaan at humiga, halata sa mukha nito na hindi siya sanay makahoyna higaan.

"Kawawa naman ang asawa ko" kausap ko sa sarili ko.

"Eh di itabi mo sa kama mo"

Napalundag ako sa boses na narinig ko mula sa likod ko..

"Ma naman! Ginulat niyo po ako"

Tumawa lang si Mama at minasdan si Dominic...

"Halatang pangmayaman talaga ang napangasawa mo, pero bilib din ako sa batang iyan, akalain mong titiisin niya ang lahat makuha lang ang loob ng Papa mo"

"Hindi ko nga po alam kung bakit niya ginagawa ito"

"Baka naman kasi may something na nak" hagikhik ni Mama

"Something?" Kunot-noo kong tanong dito

"Hay nako nak napagdaanan ko din iyang bagay na iyan, basta maghintay ka lang ok? O sya yayain mo na ang asawa mong matulog sa kwarto mo, wag kang magalala sa Papa mo, inaasar niya lang iyang si Dominic"

"Paano si Justine?"

"Ang kapatid mo, tahimik ng natutulog sa tabi ni Julian"

"Pero hindi naman po kayo kasya sa kama niyo"

"Sa sahig kami matutulog ni Papa mo"

Napakamot na lang ako sa batok ko..

"Pag kami po napagalitan dyan ha" daing ko kay Mama

my OH SO COLD Husband (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon