JAMIE POV
balik sa normal ang buhay kaya ito ako ngayon, balik na din sa eskwelahan, excited nga akong pumasok e dahil namiss ko sila ng sobra, pero hindi din mawala sa akin ang kaba dahil makikita ko si Benedict at hindi ko alam kung paano ko siya haharapin...
paliko na sana ako ng biglang may sumigaw mula sa likod ko...
"JAAMMIIIIIEEEEE" agad akong napalingon ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon
"bes MJ!!!"
bigla niya akong niyakap ng mahigpit with matchinh sabunot sa buhok
"loka-loka ka talaga Jamie, hindi ka man lang nagpaalam kung saan ka pupunta, kung hindi pa sinabi ni Benedict"
"B-Benedict? a-ano sinabi niya?"
"grabe,,,, kapatid niya pala yung amo mo, ayun may business trip pala kayo, di mo man lang sinabi di tuloy ako nakapahingi ng pasalubong"
napahinga ako ng maluwag sa narinig ko
"pasensya na bes, biglaan eh wala ng time para makapagpaalam"
"whatever, so musta naman ang moment niyo may nangyari ba?"
"paanong nangyari?"
"sus pavirgin pa ang bruha, wag mong sabihin hindi man lang kayo nakapagdevelopan?"
"developan? bakit naman mangyayari iyon? eh boss ko siya"
"tss wala ka talagang kwenta pagdating sa ganyan, kung ako nasa posisyon mo baka paguwi ko buntis na ako..." tawa niya na kinapula ko naman
"bibig mo bes" saway ko sa kanya
"aba bakit? ang gwapo ng boss mo noh imposibleng di ka nahumaling doon?"
hindi mo na kailangan sabihin iyan dahil andon na ako mismo...
"tama na nga iyan, tapos na iyon e, asan na pala si Rica?" bigla naman nalungkot ang mukha niya pagtanong ko noon
"hay nako bes nong nawala ka may nagiba sa babaeng iyon, lagi na lang iwas tapos ang nakakabigla pa doon laging kasama noon si Benedict mo, naku yari ka wala na si crushie mo"
"paanong nangyari iyon?"
I mean anong meron at magkasama na sila ngayon, alam kong close din sila pero bakit parang may mali
"kaloka nga bes eh minsan feeling ko thirdwheel na ako sa dalawang iyon, pag wala si Benedict pupuntahan niya iyon kaya nga minsan iniiwan ko na din iyon e"
"anong problema ng mga iyon?"
"aba malay ko mga others na iyon e, buti na lang talaga andito ka na di na ako forever alone."
nagsimula ang klase at totoo nga ang sinabi ni MJ sa akin, nagiba na nga si Rica, nang makita niya ako para hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi, parang isa lamang akong estranghero sa kanya, di man lang nga niya ako kinamusta, gusto ko sana siyang kausapin pero sabi ni MJ wag na daw.
hindi ko alam pero nasasaktan ako, ngayon niya lang ako ginanito at ang masama pa ay sa di ko malamang dahilan, gulung-gulo na ako sa kanilang dalawa ni Benedict.
nong breaktime agad siyang nawala, hindi ko din nakita si Benedict non sabi ni MJ magkasama daw iyong dalawa sa hindi malamang lugar...
ano bang nangyayari?
"sige bes dito na ako a"
"ayaw mong ihatid kita?" alok niya
"hindi na noh andyan na din sundo ko, sige ingat ka na lang"