JAMIE POV
maaga akong nagising para sana makapagluto ng almusal namin, kahit gusto ko pang matulog dahil ang sarap humiga sa malambot kong kama ay hindi ko na nagawa dahil pareho kasi kaming may pasok ngayon kaya kailangan maaga akong magising dahil doon nga at isama mo pa na responsibilidad ko yun. pero mukhang napaaga yata ang gising noya dahil pagkagising ko ay wala na siya at siya pa talaga ang naggawa ng almusal namin. hindi ko tuloy maiwasang mahiya dahil siya pa ang gumawa nito.
napatingin naman ako sa maliit na papel na nakaipit sa plato.
I went early because I have many works to do. I already cooked so better eat it before you go and by the way your driver is coming to pick you later and probably you'll see him when you get outside.
Ill expect you'll do what we had talk last night.
Dominic
infaireness naman sa kanya noh, kahit ang tabang lagi ng timpla ng mukha at pagsasalita niya, thoughtful din naman. pinagluto ako.
until now hindi talaga ako naniniwala na walang nagkakagusto sa kanya, hindi naman siya ganon kasama, gwapo naman siya, matangkad, maputi, mayaman at slim naman ang katawan. kaya bakit wala pa siyang nagiging girlfriend. kwento niya iyan last night kaloka nga e hirap paniwalaan at ang grabe pa doon hindi niya alam kung anong type niya sa mga babae. hindi ko na nga masyadong nausisa kasi binara na naman ako e, its none of my business daw, well oo nga naman..
wew bakit naman ako wala pa din naman akong nagiging boyfriend pero may type naman ako pagdating sa mga lalaki at ayun ay ang opposite niya.. hard ba? pero ayoko talaga ng coldness niya e hindi ako komportable, nakakausap ko naman siya pero parang dapat tama at nasa ayos ang mga isasagot ko sa kanya. napaka perpekto niyang tao para sa sarili niya.
bago akong umalis ay tinayak ko munang malinis ang paligod dahil nakakahiya naman sa kanya.
nang matapos akong magprepare ay handa na akong pumasok, nakakamiss din pa lang pumasok noh matagal din akong nawala. agad ko ng sinara ang pinto, may code ito kaya pwedeng makapasok ang may alam nito pero sabi niya kami lang daw may alam nito.
nang makarating ako sa lobby ay agad akong sinalubong ng isang lalaki.
"kayo po si Maam Jamie?"
"o-opo..."
"ako po ang driver niyo.." sagot niya na may pinakitang ID.. mukhang siya nga dahil may pirma don si Dominic.
"ako na po magdadala ng gamit niyo.." alok niya, huli na para tumanggi dahil nakuha niya na.
"s-salamat po.."
"halina po kayo, bilin po ni Boss na wag kayong hayaang malate.."
napatiim-bagang naman ako sa sinabi niya. hindi ko alam pero napangiti ako pagkatapos at sinunandan si Manong driver
concern din pala yung yelo na yun.
"ako po pala si Gustin.." sabi niya bago istart ang makina
"ahmm salamat po Mang Gustin.." nakangiti kong sagot
"wala pong anuman Maam.."
"kayo naman po.. Jamie na lang.. hindi po ako sanay na tinatawag na ganyan.."
"pero bilin po yun ni Boss Dominic bawal pong suwayin.."
wew napaka powerful naman ng taong yun, kailangan talaga sunud-sunuran.
oh I hope may taong may magpatino sa kanya at siya naman ang maging sunud-sunuran. palibhasa kasi mayaman e kayang mabayaran ang lahat.
sa likod ako nakaupo kaya di ko mapigilang mainip dahil wala akong magawa, malayo pa man din ang byahe.