JAMIE POV
Katatapos lang ni Mama magluto ng tanghalian ng mga mangtutubo at ako ang nautusan niyang maghatid nito dahil may pasok si Justine at Julian.. magtatatlong-araw na akong nandito sa amin at masaya naman ako dahil kasama ko ang pamilya ko. Naalala ko pa nga noong nakita ako ni Papa, sobrang tuwa nito nang makita ako at humiling na tumagal pa ako, gusto ko namang tumagal pero hanggang tatlong linggo lang ako dito dahil graduation ko na, pero ang masaya doon kasama ko silang uuwi, dapat si Papa lang ang kasama kaso pinilit ko si Mama, parang ayaw kasing bumalik ng Maynila.
At sa tatlong linggo kong pananatili dito, ni hindi man lang ako matawagan ni Dominic, ganoon ba talaga kalaki ang nagawa ko sa kanya? Tinulungan ko lang naman siya.
"Oh nak hatid mo na ito sa mga trabahador, tapos ito, gamot ito ng Papa mo ah" saad ni Mama
"Sige po Ma, ito lang po ba?"
"Oo anak, nandyan na din si Mang Andoy para ihatid ka doon, mag-iingat ka"
"Opo Mama, tapos pwede po ba akong pumunta kila Milo? Hindi pa kasi ako nakakabisita simula noong dumating ako"
"Oo naman anak, basta wag kang gagabihin ah"
"Naman po, sige po mauna na ako"
Humalik ako sa pisngi ni Mama bago umalis..
Hindi naman ganoon kahaba ang byahe mula bahay hanggang tubuhan dahil sa labas lang ito ng subdivision namin.
Nang makababa ako sa tricycle ay agad kong hinanap ang Papa ko..
"Magandang tanghali po, si Papa ko po?" Tanong ko
"Sinong Papa ineng?"
Ayyy oo nga pala, hindi pala ako kilala dito..
Sasagot na sana ako ng may tumawag sa akin...
"Naku andyan na pala ang dalaga ko" sinalubong ako ni Papa na balut-balot ang katawan..
"Anak mo pala ito Juancho, ito na pala ang dalaga mo" salita ng Manong na kausap ko kanina
"Oo naman, sa Maynila kasi nagaaral kaya hindi pamilyar sa inyo, alam niyo bang magtatapos na ito sa kolehiyo?"
"Ang swerte mo naman sa anak mo Juancho, iba na talaga pag masipag eh noh, congrats sa iyo Ineng"
"S-Salamat po" mahiyain kong sagot..
Bumaling naman ako kay Papa at iniabot ang tanghalian nila...
"Ito Pa, pananghalian niyo po tapos gamot niyo"
"Salamat nak.."
"Wala po iyon, ayy Pa pwede ba akong pumunta kila Milo mamaya?" Paalam ko dito
"Sinong Milo?" Nakakunot-noong tanong ni Papa
"Pa si Milo, yung kababata ko, yung lagi kong kasama dito sa tubuhan noon, yung lagi niyong pinapagalitan kasi makulit" paalala ko dito
"Aahhh yung anak ni Lando, oo naalala ko na, minsan ko lang kasi makita ang batang iyon ngayon dahil nag-aaral sa bayan tsaka ang mama mo lang naman ang binabati noon, paano takot yata sa akin"
"Suplado niyo kasi" tukso ko kay Papa
Hayyyy kinakabahan talaga ako pag nalaman ni Papa ang tungkol kay Dominic, kamumuhian niya kaya ako? Ayokong madisappoint siya sa akin pero hindi naman pwedeng manatiling lihim iyon sa kanya, siguro sasabihin ko na lang sa kanya pag wala na kami.
Nagpahatid ulit ako kay Mang Andoy para naman makapunta kila Milo, buti na lang tanda ko pa ang daanan papunta sa kanila.
Tahimik ang tahanan nila nang makarating ako sa kanila..