JAMIE POV
2 days na lang babye na single life hello Mrs. Martin na ako.
Huhuhuhu ang bilis ng panahon naman o..
Ikakasal na ako sa taong hindi ko mahal at hindi ko mamahalin.
At mukhang ganon din siya sa akin.
Hindi kami ang para sa isat-isa pero kami pa itong ikakasal.
At hindi ko talaga alam kung paano ko ito sasabihin kila Mama.
"Are you ready?" Tanong nito mula sa pinto..
"ahmm saan ba kasi tayo pupunta? gabi na din o" tanong ko dahil pagkatapos naming kumain nagyaya siyang umalis..
"just follow me and stop asking.." malamig nitong sagot
tss ano pa nga ba..
tulad ng sinabi niya, sumunod na lang ako sa kanya at hindi na muli pang nagtanong.
bakit ba lagi siyang ganito, laging walang pakialam, parang wala ka sa harap niya.
palagi siyang ganyan, imbes na ngumiti.
hindi ba niya alam na ang gwapo-gwapo niya pag naka ngti siya.
ang hirap niyang pakisamahan sa totoo lang, minsan naman okay siya pero mas madalas ang hindi. parang akala mo kaaway niya ang mundo at galit lahat sa kanya ang mga tao.
minsan nga gusto kong malaman kung bakit siya ganyan e pero mas pinili ko na lang ang manahimik dahil baka ano pa ang isipin niya at gawin niya, mamaya bawiin niya pa lahat ng mga binibigay niya.
pero pinapangako ko malalaman ko din ang lahat, hindi ko naman siya huhusgahan kung ano man iyon eh baka nga tulungan ko pa siya at maging masaya na siya.
tumigil ang sasakyan sa isang malaking bahay..
malapalasyo ito sa sobrang laki. ano kaya itong lugar na ito.
"nasaan tayo?"
"our mansion?"
"ahhh mansion..... teka ano? mansion? niyo? sa inyo itong palasyo na ito?" sunud-sunod kong tanong na hindi makapaniwala
"palasyo? tss I prefer this to be hunted mansion instead.."
tsss bitterness alert again..
"shall we?" agad niyang hinawakan ang kamay ko at kung anong boltaheng kuryente ang naramdaman ko.
kinakabahan na naman ba ako?
mansion kasi nila ito, at ibig sabihin nito nandito ang Grandma niya at mukhang buong pamilya pa panigurado.
"magandang gabi po senyorito, masaya po akong bumisita kayo dito.." bungad ng may edad na babae
"kamusta na Manang?" tanong nito na may ngiti sa labi.
napako naman ang tingin ko sa kanya..
ibang Dominic ang nasa harap ko ngayon.. hindi siya ganito makipag-usap sa ibang tao pati na din sa akin.
ngumingiti siya ngayon at maaliwalas ang mukha niya...
"maayos naman po ako.. kayo ho ba? mukhang may kasama kayong magandang binibini.." namula naman ako sa narinig ko. napahigpit ang kapit ko kay Dominic sa sobrang hiya.
"ahmm Manang, gusto ko pong makilala niyo ang future wife ko.." malambot niyang sagot..
nagkakatitigan kami at pilit akong napangiti..
geez ano ba itong nararamdaman ko.. bakit ang bilis ng tibok ng puso ko
"siya na pala iyon.... tama nga ang sinabi ng Grandma mo sa akin, na darating ka at may kasama kang babae. hindi ko naman alam na ito na pala ang papakasalan mo... masaya ako para sa inyo hijo.."
BINABASA MO ANG
my OH SO COLD Husband (SLOW UPDATE)
Storie d'amorearrange marriage with a cold guy..?