JAMIE POV
totoo ba ito? isa na akong ganap na Mrs. Martin, ang bilis naman talaga ng oras noh parang kanina lang kinakabahan pa ako kung tutuloy ba ako o hindi pero ngayon ito na, magkahawak kami ng kamay na parang anytime ayaw niya akong mawala sa kanya. mas lalo siyang nagiba ngayong kasal na kami, hindi ko nga alam baka kaya nagkakaganyan siya dahil ayaw niya masira ang imahe niya, yun diba kasi sabi niya sa akin na ayaw niya masira ang pangalan niya, na parang gagawin ko nga iyon.
buong oras ko lang siyang pinapanood sa mga ginagawa niya at natutuwa naman ako dahil kahit papaano ngumingiti na siya.
"congratulation to the both you.." sabi ng mag-asawang lumapit sa amin
"your welcome Mrs. Cruz" masayang sagot ni Dominic.
ngumiti na lang ako sa kanila.
"you look perfect to each other, same as we when we our still in your age"
"I'm happy on that Mr.Cruz"
nang makaalis ang mag-asawa ay sunud-sunod nang nagsilapitan ang iba.
napakapit naman ako sa braso ni Dominic dahil sa totoo lang nahihiya ako sa mga bisita dahil mataas ang mga estado nito sa buhay.
yung iba bumabati at yung iba naman ay nagpapaalam na.
masaya ang naging takbo ng reception pero minsan di ko makalimutan maging malungkot dahil lalong lumayo ang loob sa akin ni Benedict, hindi ko nga alam kung pipigilan ko ba siya kaninang umalis habang nagsasalita si father, alam kong nasasaktan ko siya, ako din naman e dahil nakikita ko siyang nagkakaganyan pero kahit papaano ginusto ko din naman ang nangyayari sa amin ni Dominic..
kailangan kong makahanap ng paraan para magkaayos kaming dalawa lalo na silang magkapatid.
ayoko silang mag-away dahil sa akin. hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
"ahmm Dominic hindi pa ba tayo aalis?" tanong ko dito
"tired?" tanong niya pabalik.
tumango ako bilang sagot at hinalikan na lang ang noo ko.
namula naman ako agad dahil naalala ko na naman ang halik na pinagsaluhan namin kanina. hindi ko inaasahang gagawin niya iyon I mean gagawin naman talaga namin yun kaya lang nabigla ako sa ginawa niya. siya ang unang lalaking nakahalik sa mga labi ko at wala akong maramdaman na pagsisisi doon.. ang gaan ng mga halik niya at napakalambot ng labi niya.. hindi ko alam ang magiging reaksyon ko pero sa loob ko napasaya niya ako at hindi ko akalaing uulit pa siya, nabigla talaga ako doon.
"we'll leave later.." sabi niya sa akin at hinagkan ako ng mga yakap niya
"gusto mo bang kumain ulit?" tanong niya pagkabitaw sa akin at habang hinahawi ang buhok ko sa mukha
"hmm kanina mo pa kaya ako pinapakain, busog na busog na nga ako, ikaw? kumain ka na ba?" tanong ko pabalik..
sa totoo lang bundat na talaga ako dahil panay ang subo niya sa akin kanina.. yep sinubuan niya ako, kagulat diba pero wala e ginawa niya. katuwa nga e
"hmm busog na ako... dahil busog ka na" nakangiti niyang sagot..
napangiti na lang ako. umiimprove na yata talaga ang Dominic ko..
teka Dominic ko?
landi lang..? tss pero hayaan na nga asawa ko na rin naman siya.. wala namang masama kung karerin ko yun diba..
"so how's the newly wed?" napatingin kami sa lalaking nagsalita..
siya yung kaibigan ni Dominic at best man na din.