chapter 18 of MOSCH

388 11 0
                                    

JAMIE POV

halos mapunit ang bibig ko dito sa kakanga-nga dahil sa ganda ng tanawin. napaka ganda pala talaga ng Paris lalo na't sa gabi dahil nakakasilaw ang paligid.

gabi na nang makarating kami dito at dumiretso na kami sa isang magarbong hotel at mula dito tanaw mo ang kabuuan ng Paris lalo  na ang napaka gandang Eiffel Tower.. wew sana puntahan namin iyon ni Dominic..

"Dominic halika dito dali ang ganda ng view oh.." magiliw kong yaya sa kanya pero wala akong natanggap na sagot.. binalingan ko naman siya na panay pa din ang guhit sa mga papel niya na hindi ko mawari kung ano bagkus tumingin lang siya sa akin.. well architecture world it is.. tss ano ba iyan pati dito trabaho pa din.. ako nga di ko iniisip ang mundo ko sa Pinas, bahala na muna sila doon magpapakasaya muna ako dito saka ko na poproblemahin pag nakabalik na.

pinanood ko naman siya sa ginagawa niya na seryoso sa pagguguhit, kaya naman pumunta na lang ko sa kusina para pagtimplahan siya bg kape at ng makakain..

"oh magbreak ka muna, tapos maglinis ka na din pag natapos mo iyan ah, babalik lang ako sa balcony.." saad ko dito, paalis na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko..

"dito ka lang sa tabi ko.." seryoso nitong sabi.. napaupo naman ako bigla dahil sa naramdaman kong kaweirdohan

"ahmm baka makagulo lang ako sa iyo, tsaka wala naman akong maitutulong"

"no dito ka lang.."

wala akong nagawa kundi sundin na lang siya at tiningnan ang ginagawa niya..

"dinodrawing mo ang Eiffel Tower?" tanong ko dito

"yep.."

"para saan?"

"wala lang.."

napabagsak ang balikat ko dahil sa sinagot niya... simula ng dumating kami dito ay na wala siyang ginawa kundi umupo diyan at gumuhit tapos yun pala wala lang iyon, hinihintay ko pa  naman siya para matulog, di pa ba siya pagod? nakalinis na ako lahat-lahat andito pa din siya

"ni sa ayaw kitang pakialaman noh pero kanina ka pa diyan e nagaalala na ako sa iyo dahil hindi ka man lang tumatayo, tsaka malay ko kung busog ka mamaya niyan mapano ka pa, akala ko naman tungkol sa trabaho ang ginagawa mo kaya hinayaan lang kita.."

"I just love drawing it, that's my favorite scenery so far.."

"pwede mo naman iyan gawin bukas diba? o siya ubusin mo na iyang hinanda ko sa iyo at magshower ka na para makapagpahinga, hindi ka ba napagod sa byahe? kasi ako sobrang pagod, sakit pa nga ng ulo ko eh"

"eh di matulog ka na"

"ayoko, hihintayin kita.."

"para sabay tayo matulog?.." dagdag niya na kinainit ng pisngi ko

"ahhmm ano hindi sa ganon ah.. ahh sinisigurado ko lang na matutulog ka ng maaga.."

"talaga?" tanong niyang pangisi

"oo naman.. sige na ubusin mo na iyan at maglinid na din... sa balcony lang ako.." paalam ko dito at mabilis na iniwan..

kinabahan ako sa reaksyon niya ah.. nakakatakot pala siyang ngumisi, parang may gagawin siyang kakaiba sa iyo..

tinuon ko na lang ang pansin ko sa paligid, totoo ngang napakaromantiko ng lugar na ito, at ang daming pwede puntahan na siguradong masaya, nang na private car nga kami kanina parang gusto kong bumaba para puntahan ang mga lugar na nadadaanan namin e pero sabi naman ni Dominic papasyal daw kami, excited tuloy ako..

biglang naputol ang paghanga ko ng biglang uminit ang paligid..

"hindi mo sinabing malamig pala dito.." narinig kong sabi niya habang nakayakap sa akin..

my OH SO COLD Husband (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon