JAMIE POV
nilinis ko muna ang buong unit ni Dominic bago umalis. pupunta kasi ako ngayon sa bahay nila Mr. Vergara dahil mamayang gabi na ang selebrasyon para sa wedding anniversary nila.
nagtaxi na lang ako papunta doon. at nang marating ko ang lugar ay napanganga na lang ako sa nakita, grabe naman kalaki ito parang isa't kalahati ng mansyon nila Grandma.
"sino po sila?" tanong ng guard mula sa gintong gate.
"ako po si Jamie Martin, ako yung pinapapunta ni Mr. Vergara para magluto sa party mamaya"
"ganon po ba, saglit lang po" saad nito at inangat ang telepono.
"Maam, nandito po si Jamie Martin"
"ah sige po Maam..." huli nitong sabi bago ibaba ang telepono..
agad naman itong lumabas sa guard house at pinagbuksan ako ng gate..
"hinihintay na po kayo ni Maam sa sala nila" tudya nito
"salamat po..." sagot ko dito
tinahak ko ang tuwid na daan papunta sa malaking pinto, napaka ganda talaga ng bahay nila, ginusto ko din naman manirahan sa ganito pero mas sapat na sa akin ang simple tsaka sa laki nitong bahay na ito ang hirap magkitaan ng mga tao hindi tulad sa maliit lang.
"magandang umaga po, si Mrs. Vergara po?" tanong ko sa kasambahay na naglilinis ng labas...
"ahh kayo po ba yung magluluto? nasa loob po siya, hinihintay kayo, pumasok na lang po kayo"
"ah ganon ho ba, salamat" sagot ko dito bago pumasok..
napanganga ko sa nakita ko pagkapasok ng pinto.
bahay ba ito? parang kastilyo na ito sa sobrang gara, mas madisenyo ito kaysa sa mansion ni Grandma.
"andyan ka na pala hija"
napatingin naman ako sa may edad na babaeng nakatayo sa tabi ng malaking portrait..
"k-kayo po ba si Mrs. Vergara?" tanong ko, bigla naman akong nahiya..
"yes I am, and Im sure you are Mrs. Martin?" tanong nito pabalik... tumungo na lang ako
"you are too young to be Mrs. but who am I if you love each other right?" ngiti nito at napangiti na lang ako..
kung alam niyo lang po.
"so my husband told me about you, alam mo bang tinake out niya pa yung dala mo noon sa kanya? at talaga namang nagustuhan ko iyon"
"t-talaga po? salamat po, mabuti naman po ganon na nagustuhan niyo."
"at nakwento niya din yung pakay mo noong araw na iyon, dont worry wala akong inisip na masama, nakakatuwa lang isipin na pumunta ka pa sa asawa ko para lang mapapayag siyang maging architect niya ang asawa mo"
"g-ganon po talaga siguro pag mahal mo ang isang tao, you'll do everything"
"I understand, but I know your husband deserves it, I met your husband before, he is a good person like you so it means that you are really perfect for each other"
"salamat po ahm anong oras po ba akong magsisimula Mrs. Martin?"
"after an hour, magpahinga ka muna, and by the way just call me Aunt Lu okay?"
"s-sige po, A-Aunt Lu"
"sige maiwan muna kita sandali at ipapaayos ko na ang mga gagamitin mo, at may kailangan din akong asikasuhin, dont worry pauwi na din ang asawa ko" sabi nito bago ako iwan..