JAMIE POV
hinawi ko ang mumunti niyang buhok sa noo nia, ang gwapo talaga ni Dominic, hindi ako magsasawang sabihin iyon paulit-ulit, ang kinis ng mukha niya, pangmayaman talaga..
mahigpit siyang nakayakap sa akin habang tulog na tulog, hindi pa kasi ako makatulog kaya ito ako binabantayan siya.
gusto ko sanang magusap kami, gusto kong malaman kung bakit ayaw niyang magstay dito pero nakatulog agad siya sa sobrang pagod. habang papunta kami dito sa kwarto niya, ang lungkot ng mukha niya, nakatungo lamang siya parang may maiwasang makita tapos pagkarating namin dito sa kwarto niya, niyakap niya agad ako ng parang may dinadamdam siya.
hanggang ngayon palaisipan din sa akin ang mga sinabi niya kanina na nasa akin na daw ang magiging sagot, lalo na ang pagkakaroon ng anak, sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot, hindi ko maintindihan bakit nasabi niya yun, habang tumatagal nagiging weirdo na ang kinikilos niya, alam kong ganoon din ako sa kanya pero alam ko naman sa sarili ko kung bakit.
dahan-dahan akong umalis sa pagkakayakap niya, bababa muna ako para uminom ng gatas para makatulog ako, hinalikan ko muna ang noo niya bago umalis..
"sleep tight honey.."
kahit wala ng mga tao ay maliwanag pa din ang loob ng buhay, ganito talaga siguro pagmayaman okay lang tumaas ang kuryente, marami naman silang pangbayad..
narating ko ang kusina at laking gulat kong nakita ko si Grandma
"good evening po.."
"oh Jamie, bakit gising ka pa?"
"hindi po kasi ako makatulog, iinom po sana ako ng gatas, kayo po?"
"ganon ba, ako naman may inaaral akong papeles bago pirmahan... hmm buti hindi nagising ang asawa mo"
"hindi naman po, tulog na tulog e" napatawa kami pareho
nagtimpla ako ng gatas tapos umupo sa tabi ni Grandma
"salamat Jamie ha.."
napaangat ako ng tingin sa kanya
"malaki ang tulong mo sa apo ko, I can see na bumabalik na ang dati kong apo."
"ano pong ibig niyong sabihin?"
"sa totoo lang makulit talaga iyang apo ko, gusto niyang pilitin maibigay ang gusto niya, may pagkaisip bata din iyan, mas matured pa nga magisip si Luke sa kanya e he was so jolly, simpleng bagay masaya na siya but after that incident happened he became the opposite one" sa masiglang boses nito ay nagbago ito at naging malungkot
"a-anong pong nangyari?"
"pasensya na Jamie a pero hindi ko magagawang sabihin sa iyo yun e tanging si Dominic lang maaari baka kasi pagnangyari yun lalo akong kamuhian ng apo ko, sinusubukan ko namang bumawi pero mainit talaga ang dugo niya sa akin pero ito talaga ang nakatadhana, si Dominic lang ang natatanging pwedeng pumalit sa posisyon dahil siya ang panganay na lalaki, sumusunod lang ako sa legacy ng pamilya ng asawa ko.."
"pero pwede naman pong mabago iyon diba..?"
"hindi ko alam hija, may ibang mga panganay na lalaki ang napilitan lang din at lahat sila walang nagawa, matigas lang talaga itong si Dominic, lumayo na din kasi ang loob niya sa pamilya pagkatapos ng insidente kaya mahirap na ding mapilit siya pero sa totoo lang proud ako sa kanya dahil nakuha niya ang gusto niya.."
"may magagawa po ba ako para kay Dominic? sa totoo lang po nagaalala ako sa kanya.." hinawakan niya ang dalawa kong kamay
"just continue love him and stay with him, sa paraang iyon makakalimutan din niya lahat ng sakit ng kahapon lalo na at nakikita kong masaya naman ang pagsasama niyo..."
napabuntong-hininga naman ako, love him and stay with him? paano mangyayari yun samantalang hindi ako ang babaeng gusto niya..
"ahmm sige po mauna na ako baka magising po iyon at hanapin ako.." pero sa totoo lang gusto ko na talagang umalis dahil baka may sabihin lang ulit siya na kailangan kong gampanan pero hindi ko magawa
"sige mabuti pa nga hija... good night..."
"good night din po.."
nang makabalik ako sa kwarto ay nadatnan ko pa din siyang tulog mula sa dati niyang pwesto, dahan-dahan ulit akong gumalaw para maiwasang hindi siya maistorbo..
hinaplos ko ang mukha niya, hindi ko alam pero may dumadaloy na palang luha sa mga mata ko..
"bakit ganoon Dominic? bakit parang ang bigat ng pinagdadaanan mo? kailan mo kaya balak sabihin sa akin iyon? o kaya may balak ka bang ibahagi man lang iyon? alam mo bang gustung-gusto kitang tulungan dahil espesyal ka sa akin hindi ko kayang makita kang malungkot kaya sana sa konting panahon na ito, sa akin ka muna ha, akin ka muna ngayon gusto kong malaman mo na kahit anong mangyari andito lang ako hindi kita iiwan, tutulungan kitang humilom ang sugat Dominic kaya please ako muna din ang isipin mo ha sa totoo lang hindi ko talaga alam itong nararamdaman ko sa iyo e pero alam kong masaya ako pagkasama kita, ngayon ko lang naramdaman ito sa tanang buhay ko kaya sa ngayon ipagdadamot muna kita, pero wag kang magalala sa oras na okay na ang lahat at matapos na ang pagpapanggap na ito papalayain na kita, magkakatuluyan na din kayo ng babaeng gusto mo at hindi na ako magpapakita sa buhay mo..."
ang bigat sa dibidb pag naiisip ko ang tungkol doon, selos ba ang tawag dito? siguro nga pero masaya ko dahil hindi din pala bato ang puso niya, kaya maswerte ang babaeng iyon
"kaya pag dumating ang panahon na sasabihin mo ang lahat ng sakit, handa akong makinig ng walang paalinlangan Dominic.."
nilapit ko ang mukha ko at tuluyang dinama ang labi niya... naramdaman ko naman ang paggalaw niya at pagsinghap ..
"M-Mommy....";
-------------------------
A/N
hope you'll like it
dont forget to vote po..
thanks
GOD BLESS..
- Jhane ^^