JAMIE POV
kulang sa isang salita para idescribe kung gano kaganda at kasosyal ang unit niya. napaka laki na nito para sa bahay kung tutuusin
"sigurado po ba kayong kayo lang talaga nakatira dito?"
"Yes..."
"pero napakalaki po nito masyado para sa inyong magisa lang"
"I prefer to live here alone than to our other houses.."
"may iba pa kayong bahay?"
"Yes.."
wow sila na talaga ang mayaman..
"saan po ang magiging kwarto ko?"
"there.." turo niya sa brown na pinto
"but you will tranfer to that big door when my grandmother will visit here..." dagdag niya
"bakit anong meron sa malaking pinto po na iyon" I'm referring the big door beside mine
"thats my room.."
"po?!"
magsasama kami diyan pag dumating ang lola niya..?
"dont give me that reaction... pag dumating nga lang siya diba? but dont worry hindi naman yun magtatagal pag pumunta dito dahil ayaw niyang nakikita ako.."
"okay po.." hindi talaga sila close ng lola niya
"bring your things to your room now and I have to go.."
"okay po.... ingat na lang po kayo"
"take a rest, we will talk later" pahabol niyang sabi
nang umalis na siya ay sinimulan ko ng ayusin ang gamit ko sa magiging kwarto ko. grabe ang laki din niya kasing laki na ng unit namin ni MJ sa dorm.
wala ka talagang mapipintas sa lugar na ito, mukhang malinis siya sa paligid niya nakakahiyang magdumi.
ginala ko ang mga mata ko sa magiging kwarto ko, simple siya pero napakalaki, color beige ang walls with brown lining, may mga few paintings at ang laki ng kama, makakagulong ako ng bongga dito. iba na talaga pag mayaman.
pero sino kaya ang natigil dito sa kwartong ito kung siya lang mag-isa naninirahan dito, sayang naman ito buti na lang andito na ako... hihihihi
humiga muna ako sa kama, napakalambot nito..
ano kayang plano ng lalaking iyon? parang napaka simple lang sa kanya ang pagpapakasal, hindi niya ba alam ang salitang iyon? napaka sagrado non. bakit ba kasi naisipan niyang magkunwari na lang na may asawa siya? wala ba siyang mahal o gustong babae para iyon na lang ang magng asawa niya? imposible namang walang nagkakagusto sa kanya eh ang gwapo naman niya, mukha din naman siyang mabait o sadyang may kailangan lang talaga siya sa akin kaya siya ganon. pero trademark niya na talaga pagiging cold, walang emosyon, masungit.
~When the days are cold
And the cards all fold
And the saints we see
Are all made of gold
When your dreams all fail
And the ones we hail
Are the worst of all
And the blood’s run stale~
bes MJ Calling.........
"hello bes?"
"waaaahh bes musta na? okay ka lang ba diyan? inaalagaan ka ba ng boss mo ha? grabe naman siya hindi man lang kami hinintay dumating para makita ka.. tinangay ka kaagad"