JAMIE POV
nagising ako sa liwanag na kumakaway sa aking mga pikit na mga mata mula sa sinag ng araw.
kinapa ko agad ang tabi ko kung tulog pa ba si Dominic ngunit wala na akong maramdaman kaya minulat ko na ang mga mata ko.
mag-isa na lang pala ako dito sa higaan..
"ang aga naman magising non" kausap ko sa sarili..
inayos ko na lang ang higaan namin at napagdesisyunang tumayo, nang makarating ako sa sala, walang katao-tao.
nasan na kaya si DOminic?
"oh anak gising ka na pala" napalingon ako sa likod at hinarap si Mama na may hawak na sandok. at grabe kung makangiti?
"si Dominic po Ma?" tanong ko dito
"naku yung asawa mo? sumama lang naman sa Papa mo, nagpapalakas yata"
napakamot na lang ako sa ulo dahil sa sinabi ni Mama..
"ano na naman kaya pumasok sa isip noon?" kausap ko sa sarili at napaupo na lang
minasdan ko si Mama na nakangiti pa din..
"bakit po kayo makangiti ng ganyan Mama?"
"hmm wala lang, masaya lang ako para sayo" sagot niya na kinunoot ng noo ko
"wag mo ng intindihin yun anak, o sya magalmusal ka na at may ipapahatid ako kila Papa mo, baka nagugutom na din kasi ang asawa mo, hindi pa man din yun nakakain ng maayos"
"ha! bakit po?"
"alam mo na, pag nandyan ang Papa mo, hindi niya titigilan ang asawa mo.."
napaupo ako ulit dahil sa pag-aalala
"kawawa naman yun Ma, baka magkasakit pa sya" naiiyak kong sabi sa Mama ko pero hinila niya lang ang kamay ko papuntang kusina
"hayaan mo na ang asawa mo para makapagbonding sila ng Papa mo, tsaka ginusto niya naman para daw sayo" sabi niya sabay kurot sa tagiliran ko
"Mama naman..." saway ko dito dahil namumula ako sa pangaasar niya.
pinanood ko lang si Mama na ayusin ang pagkain na dadalhin ko doon.
"oh hayaan na ang mga dadalhin mo, ipapahatid na lang kita sa tricycle.." Saad ni Mama, tumango na lamang ako at binitbit ang mga dadalhin.
Nang makarting naman ako sa tubuhan, maraming tao agad ang bumungad sa akin at kamihan ay mga kababaihan..
"Ano namang meron ngayon?" Tanong ko sa sarili
Akalain mo kasing may shooting na pelikula sa lugar at nagtitilian pa..
"Mas gwapo yung mistiso Inday"
"Hindi mas boto pa din ako sa moreno"
Iyan ang iilang mga naririnig ko sa mga kababaihan.
Hinayaan ko na lang sila at hinanap sila Papa. Nakiraan ako sa mga kababaihan para makapunta sa mismong tubuhan at laking gulat ko sa nakita.
Anong kaguluhan ito?!
Sinong hindi magugulat dito kung makikita ko ang asawa kong nakatopless at nagtatabas ng tubo, at hindi lang yun, nandito din si Milo na naka fitted sando at nagtatabas din ng tubo.
Oh Lord, may ikikisig pa pala si Dominic, sinalo na yata lahat ng dapat isalo mula sa iyo.
"Anak nandyan ka na pala"
Napatigil ang paglalaway ko ng tawagin ako ni Papa
"Papa ano pong nangyayari?" Naguguluhan komg tanong, ngunit tumawa lang si Papa.