JAMIE POV
the day is finally came..
the unexpected new chapter of my life is happening.
mixed emotions ang nararamdaman ko ngayon. parang ayaw kong ituloy na gusto ko. dahil hindi naman ako mapupunta sa masasamang kamay e kaya lang nahihirapan ako dahil napakalaking lihim nito at ngayon sa dami-daming taong makakaalam nito ay ang taong matagal ko ng gusto at ngayon magiging bayaw ko pa siya. napakalupit nga naman talaga ng tadhana.
tumingin ako sa salamin at minasdan ang sarili. ibang-iba ang itsura ko ngayon. makulay, makinis, magarbo pero walang ngiti sa mukha.
"Jamie smile naman.. wag kang kabahan ang ganda-ganda mo kaya.." sabi ng bakla na nagaayos sa akin.. ngumiti na lang ako ng pilit
"may problema ba Jamie..?" tanong ni Granmda..
umuling na lang ako bilang sagot.
ayokong mapansin niyang may problema ako.
"naku for sure my grandson will be drool when he see you" masayang wika nito..
napatungo na lang ako..
ano kaya ginagawa ni Dominic ngayon, nagdadalawang isip din ba siya sa panahon na ito, kung tutuloy ba siya..?
bakit ba kasi wala siya dito e, alam kong bawal talaga ang magkita ang ikakasal bago sila ikasal pero kinakabahan talaga ako eh..
sa totoo lang nawawala ang kaba ko pag nakikita ko siya, kasi alam kong gagawa siya ng paraan para mawala ito..
"excuse for a moment I need to answer this call.." paalam ni Grandma..
naiwan kaming dalawa nong bakla dito.. si Frances kasi nasa may venue na.
gusto ko sanang nandito din ang dalawa kong mga kaibigan para damayan ako pero alam namang nating bawal diba..
ano kaya mangyayari bukas pagnagkita-kita kami, hindi nila alam na bukas isa na akong may ganap na may asawa.
"Jamie gora muna ako ah .." paalam ng bakla.. tumango na lang ako..
ngayon ako na lang ako magisa...
~When the days are cold
And the cards all fold
And the saints we see
Are all made of gold
When your dreams all fail
And the ones we hail
Are the worst of all
And the blood's run stale~
kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung sino ang tumatawag..
Mama ko Calling......
huhuhuhuh si Mama.. naku wrong timing naman ito.. nanaginip na naman ba siya sa akin at nababahala na naman siya..
"Hello Ma? may problema po ba?"
"hi anak.. wala namang problema.. namiss ko lang ang dalaga namin.." masayang bungad nito..
napangiti naman ako.. natutunaw din ang ang kaba sa dibdib ko..
"kamusta naman po..?"
"maayos naman ang lahat anak.. sa totoo lang kaya ako napatawag dahil may magandang balita ako sasabihin sa iyo.."
"ano naman po iyon?"
"yung dalawang mong kapatid, naku may mga honor ulit.. si Justin 1st honor na naman tapos si bunso nasa 2nd honor... nagmana talaga sa iyo ang dalawa.."