JAMIE POV
it was nice to be back, namiss ko din ang pilipinas kahit saglit lang kaming nawala.
ngayong nakabalik na kami, magiiba na naman ang buhay naming dalawa, yung tipong okay na sana kaso ang daming komplikasyon pagdating sa tunay na buhay. yung feeling na para sa akin parang totoo kaming magasawa doon pero ngayon magpapanggap na kami at hindi ko alam kung anong mararamdaman lalo na't pili lang ang nakakaalam nito
"oh ibang daan ito ah, saan tayo pupunta?" tanong ko dahil hindi sa condo niya papunta ang tinatahak namin
"sa haunted mansion muna tayo honey, nagiinarte na naman kasi si grandma" naiirita niyang sabi
"baka gusto lang tayo makita, ikaw talaga honey init ng ulo mo sa grandma mo sige ka ikababawas ng kagwapuhan mo iyan" biro ko sa kanga habang kinukurot ang tagiliran niya, bigla niya naman akong kinulong sa mga bisig niya
"sana ganito na lang tayo palagi honey, kung pwede lang hindi na bumalik e kaso alam kong may mga sarili tayong obligasyon dito,,, sana palagi na lang masaya, masaya na pag tayo lang dalawa diba?"
humiwalay ako sa yakap at hinagkan ang mga pisngi niya
"wag kang magalala honey, magiging masaya pa din, yan ay kung di ka na magiging cold"
"hindi na ako cold sa iyo diba? ninanakawan na nga kita ng halik e" pilyo niyang sabi
"sira, ang sa akin lang wag kang masungit sa ibang tao lalo na sa pamilya mo, mas tanggap ko pang sa akin lang e, at kung may bumabagabag man sa iyo wag kang mahihiyang lumapit sa akin at magkwento, malay mo makatulong ako diba? wag mong sabihin na burden ka sa akin dahil hindi mangyayari iyon"
nakatitig na naman siya sa akin, grae kailan ba ako masasanay sa mga titig niya?
"honey?"
"hmm?
"pwedeng pakiss?"
"Dominic naman... " hampas ko sa braso niya
"sige na, pinagaan mo na naman ang bigat sa dibdib ko e" hinawakan niya ang balikat ko habang pinipilit ako
"baka marinig tayo ni Manong Gustin" tinutulak ko siya palayo, mamaya niyan anong isipin ni Manong Gustin sa amin e
"hayaan mo siya honey, maiintidihan niya tayo kasi may asawa na din siya"
tss atleast sila totoong mag-asawa eh kami
"ayoko Dominic" seryoso ko ng sabi tapos tumingin sa bintana
umiiwas na kasi ako sa lambing niya, mamaya kasi masanay ako at hahanap-hanapin ko lalo na't nahuhulog na ako sa kanya
"Jamie?" tawag niya sa akin pero hindi ako tumingin
"are you going to ignore me again?" maawtoridad niyang tanong.. hindi pa din ako tumingin baka kasi pagtingin ko maging gusto ko na siya kaya nagpipigil ako at ang nakakatakot pa baka kasi pag natikman ko na naman ang labi niya bigla ko ng sabihin na mahal ko na pala siya..
"fine, wag kang tumingin, believe me once we get home your things from your room will be tr~~~"
"wa~~~~hmmpp" naputol ang protesta ko ng masopresa akong nakaabang na pala ang labi niya sa akin kaya bigla kaming nagtama paglingon ko
"Do-Domi-nic" banggit ko ng pangalan niya habang pilit pumipiglas pero mas lalo niya akong hinapit papalapit sa kanya...
naman e kasasabi lang ayoko siyang mahalikan e pero ngayon ito na naman tayo, naisahan na naman niya ako.. usapan na kasi namin na hindi ako lilipat sa kwarto niya dahil ayoko ng tumabi sa kanya dahil alam niyo na..