SPECIAL CHAPTER I

964 23 9
                                    

Since all of you guys know that I am damn busy these past few days and my phone's WiFi is always open. Here's a special update. I will always do this if I'm busy and can't type even a word in my laptop. Sorry for this short and lame update. I'm using iPhone for updating special chapters. Mianhae!

Caution: In Special Chapters, this is not in their present time but in their past in Middle School. Thankyou!

========== 

Special Chapter I

Narrator's Point of View

(7th Grade)

"Aria, ano ba?!" Singhal ni Kim sa matalik niyang kaibigan na kanina pa siya kinukulit kung ano ang nangyayari sa kanya.

Aria pouted like a kiddo and her eyes are teary. Ngayon lang kasi siya nito sinigawan sa tinagal-tagal nang pagkakaibigan nila.

Kim is always charming and kind. She doesn't know how to get mad, that's why her best friends are worried for her actions.

Kim's forehead creased, a sign of being irritated. "Anong iniiyak-iyak mo diyan?!" Mataray nitong puna kay Aria na kanina pa humihikbi, sensitive kasi ito pagdating sa mga ganyang bagay at hindi sanay na sinisigaw-sigawan lang.

Mas lalo namang humikbi si Aria nang sinigawan na naman siya nang kaibigan niyang si Kim kaya mas lalong uminit ang ulo nito. "Will you shut your mouth up?! You're so irritating!" Iritadong sabi ni Kim kay Aria.

Nasa clubhouse sila ngayon kung saan ang tambayan nila, ang akala kasi ni Kim walang tao ngayon sa clubhouse kaya nagtungo siya roon. Gusto niya kasing mapag-isa. Sakto namang dumating si Aria nung nagsisimula na siyang magsenti kaya nairita siya.

Inangat naman ni Aria ang mukha niya para titigan si Kim na ngayon ay nakatayo na sa harap niya at nakahalukipkip ang kamay, takang-taka talaga siya kung bakit ganun umakto ang kaibigan niya. Parang kailan lang kahit galing ito sa sakit ay napaka-masiyahin pa rin nito.

"What's happening to you, Kim?" Tanong ni Aria na punong puno nang sensiridad.

Nagulat naman si Kim sa tanong nang kaibigan pero nakabawi din at pinalitan ang ekspresyon niya nang blangko.

'Napansin niya pala...' Kim thought to herself.

Bahagyang tumikhim siya bago nagsalita, "Walang nangyayari sa aking kakaiba kaya stop asking such stupid questions!" Singhal niya dito at tinalikuran ang kaibigan, pumunta siya sa harap nang ceiling-to-floor window ng clubhouse nila at tinanaw ang nasa labas na pero wala namang partikular na bagay na tinititigan.

Tumayo din si Aria at bahagyang lumapit sa kaibigan pero she kept her distance. "There's something going on, Kim. Alam ko, best friend mo ko at kilalang kilala na kita kaya wala ka nang maitatago. I just want to know what's happening... I am starting to worry about you, hindi ka naman ganyan dati eh." Aria said with full of concern.

Hindi naman umimik si Kim at ang mga mata niya ay may namumuong mga luha, siguro ay naalala niya ang nangyari nung PE Class nung biyernes.

Napansin naman ito ni Aria, yayakapin niya sana ang kaibigan kaso nag-aalinlangan siya. Sa tinagal-tagal nang pagkakaibigan nika, ngayon niya lang nakitang umiyak ang matalik niyang kaibigan.

Humihikbi na si Kim, hindi niya matanggap sa sariling inaapi-api lang siya nung babaeng iyon (She was reffering to China).

'I should at least tell her the whole story. Baka hindi ko kayanin kung ikikimkim ko lang. She's my best friend and she has the right to know.' Kim thought to herself again.

Humarap si Kim kay Aria, tumutulo pa rin ang luha niya. "She harassed me, Aria!" Kim ran towards Aria and hugged her. Wala pa ring tigil ang pag-iyak niya.

CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon