Bratt 012

1.1K 24 1
                                    

CHAPTER 12: The Making of the Indian Marriage.

 

 

 

 

Zeus’ Point of View

 

 

 

 

*kruuu* *kruuu* *kruuu*

Narinig ko ang pagkalam nang tiyan niya. Hahaha! :D Hindi pa nga pala siya kumakain nang sinundo ko siya kaninang umaga sa Mansion nila. Eh bakit ba naman kasi siya tulog mantika, eh di sana nakakain siya bago man lang kami pumasok ngayon sa school. Kung malasin ka nga naman, hindi pa pala kami makakasali sa pag-ayos nang mga gagawin sa section namin. -____-

Napatingin naman ako sa stall nang isang Ramen House. Dito na lang muna kami kakain. Wala ako sa mood dalhin siya sa restaurant. Mukha namang maayos ang pag-serve nang pagkain dito.

“Tara, kain tayo dun sa Ramen House.” Turo ko sa stall nang Ramen House. Hindi pa man siya nakakapag-react, hinigit ko na siya papunta dun. Baka kasi mag-inarte na naman at hindi pa pumayag sa nais kong mangyare. -____-

“Safe ba ang kumain dito?” Umupo na ako at tinititigan siya habang umuupo sa harap ko.

“Utak naman Hera—“ Tumukod siya sa mesa na nasa harap naming at inabot ako para batukan.“—Araaaay! Seriously Hera, it’s too obvious that it’s safe to eat here. Hindi naman siguro hahayaan nang School Committee na magtayo sila nang stall dito kung balahura at marumi sila gumawa nang pagkain— Dalawang Special.” Tinitigan ko muna siya nang masama habang sinasabi ‘yun kaso dumating si Manong, kukunin na ‘ata ang order namin kaya sinabi ko na bago pa man siya nakapagtanong.

“Okay? Anyway…” Hindi naman siya nakapalag sa sinabi ko at patanong siyang sumagot.

“Hmm?” Nakatitig lang ako sa kanya habang hinihintay ang mga susunod niya sasabihin. O.o Problema nito? Parang nag-aalangan siyang magsabi sa akin eh.

CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon