Bratt 003

1.5K 31 6
                                    

CHAPTER 3: His Side.

Zeus’ Point of View

It’s already Seven Forty Three in the morning at kararating ko lang dito sa Pilipinas galing Monaco, France. May Gran Prix World Cup Car Racing kasi akong sinalihan nung 25th of August. At sa kasamaang palad, nanalo ako. Mahangin ba ako? Hahahaha. Trip ko lang magmayabang sa inyo. :)

Nasa airport ako ngayon, malamang. Naka-disguise ako ngayon. Ayy, bago ko nga pala sabihin sa inyo ang mga nangyayari sa pang araw-araw na buhay ko, kailangan ko pa palang magpakilala sa inyo. Para na din maintindihan niyo kung bakit ako nagdi-disguise. :3

My PROFILE:

Name: Arkeen Zeus G. Zerna

Screen Name: Zeus Zerna

Age: Eighteen years of age.

Birth Date: January 21

Birth Place: Rome, Italy

Occupation: Car Racing Superstar, International Model and a Graduating High School Student

Hobbies: Car Racing, Moto Crossing, Modeling, Chic Hunting (It’s only a hobby), to keep Hera Kim Ferrer annoyed and many more.

Special Features: Heir of the Zerna 5 Star Hotels and Restaurants.

Pwede na siguro ‘yan. Ayokong gayahin ‘yung pagpapakilala ni Hera sa inyo na napaka-hangin. HAHAHAHA! Yup, hobby ko talaga ang asarin at bwisitin si Hera. I know, sinabi niya na nung una pa lang na ayaw niyang tinatawag na Hera kasi daw ang panget. Panget ba ‘yun? Ayaw niya lang talaga makapareha sa akin eh, mula middle school pa lang kasi lagi na kaming pinagpapareha eh paanong hindi sa pangalan pa lang, we are born as couples.

“Zeus Zerna, right?” Nabalik ako sa realidad nang may nagtanong na babae sa harap ko. Hmm, maganda naman siya. Mukhang kasing edad ko naman siya. Ako lang mag-isa ngayon, humiwalay kasi ako sa Team ko sa pag-uwi ngayon dahil alam kong dadagsa na naman ang press para tanungin ako nang kung anu-anong walang kwentang bagay.

“Yeah.” Tiningnan ko lang siya nang mataman. Maganda naman siya pero she’s not my type.Eh sa nakilala niya na ako eh, why would I bother to deny my own self? ;)

“I’m a fan of yours! Can you please sign this for me?” She handed me a Sports Magazine and a pen, ako ang cover siyempre. So, she’s a fan huh?

“Sure.” I gave her a quick smile that made her giggle. So, tumatalab talaga ang charms ko kahit tago ang mukha ko? Eh bakit si Hera? Hindi tumatalab sa kanya ang charms ko? Ugh. Bakit ko nga ba iniisip ‘yung mga ganung klaseng bagay? Parang tanga lang eh. Pinirmahan ko na agad ang magazine at agad ding ibinalik sa kaniya.

“I have to go, sweetie. I have jet lag.” I flashed my famous killer smile to her and ran off to my car. Buti na lang talaga siya lang ang nakakilala sa akin kung hindi, baka kanina pa ako pinagpiyestahan nang mga fan girls ko. =_____=

Nakatago lang naman sa Airport ang Ferrari Enzo ko eh. At pinahanda ko na rin sa Personal Asst. ko ang mga ganiyang bagay para hindi na ako ma-hassle pagpapauwi na sa Mansion namin.

After Fourteen (more or less) Minutes of driving and drifting, I arrived at the mansion fast and safe.

Pagkababa ko nang kotse, sumalubong sa akin ang Mommy ko na nakangiti.  I always make my mama proud. Haha! Natatawa ako sa mga pinagsasabi ko. Kahit na ba ang hirap-hirap tumawa sa isipan. XD

Niyakap agad ako ni Mommy nang makalapit ako sa kanya, hinalikan ko naman siya sa pisngi ko.

“You have just made it in time. Let’s go?” Napakunot ako nang noo sa mga sinabi ni Mommy, bakit I just made it in time? May hindi ba ako nalalaman? O.o Parang hindi ko yata gusto ang mangyayari.

CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon