Bratt 045

783 25 41
                                    

CHAPTER 45: The Past that haunts me. [Part 1 of 2]

Hera Kim's Point of View:

Masyado nang maraming nangyari mula nung pinagtaksilan, tinalikuran, itinakwil at nasaktan ako ng mga taong hindi ko inakalang gagawin sa akin ang mga bagay na 'yun. Hindi ko alam kung bakit sa hinaba-haba ng panahon, hindi pa rin ako nakakaahon sa nakaraan kong pilit akong inilulubog sa sobrang sakit ng mga naranasan ko. Nagmahal ako, sinaktan ako. Nagtiwala ako, tinalikuran ako. Nagmakaawa ako, tinakwil ako. Ano bang nagawa kong masama para maranasan ang lahat ng kamalasang ito?!

Bahagya kong naramdaman ang pagtapik ni Casey sa balikat ko, kaya napatingin ako sa kanya. Nandito kami sa labas ng Intensive Care Unit ng Philippine Heart Center, dahil isinugod si Gabriella sa hospital kanina.

"Magiging maayos din ang lahat." Bulong ni Casey sa akin, hindi naman niya nilapit ang mukha niyaㅡ basta narinig ko na lang mula sa mga labi niya 'yun. Lagi niya namang sinasabi sa akin 'yan kapag nakikita niya ako sa ganitong sitwasyon.

Tumango ako. Kailan nga ba magiging maayos ang lahat? Kapag ba gumaling na si Gabriella... at nakalayo na ulit kami?

"Nagkita na kayo, 'no?" Maya-maya pa ay biglang tanong ni Casey kaya agad akong napatingin sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya o kung may alam ba siya sa buhay ko.

"Huh?" Sabi ko habang nakakunot ang noo ko, siguroㅡ tinutukoy niya si Zerna.

Bahagya siyang tumingin sa akin, nakatingin rin kasi siya kay Gabriella na nakahiga sa hospital bed, "I was referring to Gabriella's Dad, ate." Sabi niya na para bang alam ko na alam niya kung ano ang sinasabi niya. Oo, 'ate' na ang tawag niya sa akin, nasanay na rin ako dahil he insisted din naman.

Nag-iwas ako ng tingin, naalala ko na naman ang insidente sa restaurant nung nakaraang dalawang linggo, at oo, dalawang linggo na ang nakalipas mula nung nakaencounter ko siya. At sana, wala ng susunod pa. "H-Hindi." I stuttered, shit. Kung bakit kasi, kapag siya ang pinag-uusapan eh naaapektuhan ako.

I saw Casey slightly shook his head in my peripheral vision, "Wala ka naman pong mapapala kung patuloy mong lolokohin ang sarili mo." Sabi niya at lumayo na para umupo na sa may lobby.

Napabuntong hininga ako, ano nga naman ba ang mapapala ko kung patuloy kong ide-deny ko sa sarili ko ang totoo?

Wala nang luha akong mailuha pa dahil sa sobrang dami kong problema ngayon, kailangan kong tatagan ang sarili ko.

FLASHBACK:

"Don't cry." I heard Pyrenze said, while I am crying myself out here in the school field. Hindi ako um-attend sa Graduation Practice namin, dahil sa nasasaktan ako sa mga nakikita ko.

Napaangat ako ng tingin kay Pyrenze, "I can't help it, *sob* ang sakit-sakit na k-kaya!" Sabi ko at isunubsob ang mukha ko sa tuhod ko.

Naramdaman ko namang niyakap niya ako, "Tsk."

I stayed sobbing, ang sakit-sakit kasi nang puso koㅡ sa sobrang sakit ay hindi ako makahinga, "Mahal k-ko s-siya e-eh." Hindi ko mapigilan ang mga luha ko.

Kumalas naman siya sa pagkakayakap at bahagyang inangat ang mukha ko, pinunasan ang mga luha, "What are you going to do now?" He sincerely asked.

Napayuko ako at umiling, hindi ko din alam kung ano ang gagawin ko... siguro papatawarin ko pa rin siyaㅡ kahit na halos isampal niya na sa pagmumukha ko na... hindi niya na ako mahal.

--

Isang linggo.

Isang linggo na mula nung nagkausap kami ni Zeus o sabihin na nating pinili niyang aluin si China kaysa sa akin na nasaktanㅡ ng sobra, isang linggo na mula nung insidente sa corridor. Isang linggo na rin ang nakakaraan mula nung napagdesisyunan kong bigyan muna siya nang space. Space para ma-realize niyang nasaktan talaga ako sa nangyari. Isang linggo na rin akong wala sa sarili ko at laging kasama ang mga bestfriends ko. Nagkikita naman kami sa school dahil sa graduation practice namin, but other than that, wala na. Hindi niya ako pinapansin, dahil siguro alam niyang mali niya 'yun, hindi ko rin naman siya pinapansin kahit na gustong-gusto ko na siyang makausap at mayakap.

CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon