Bratt 042

690 18 7
                                    

CHAPTER 42: FLASHBACKS and THE Star. (Part 1/2)

Heather Arellano's Point of View:

"Okay, Sir. I'm on it." I sighed after he ended the call.

Padabog kong binaba 'yung telepono sa mesa. Paano kasi, mula 'ata nung nagtrabaho ako dito, wala nang ibang ginawa 'tong Gabriel de Castro na 'to kundi: "Miss Arellano, do this and that." o kaya naman ay "Skip your lunch break, I need you in meeting."

Grabe talaga, hindi man lang ako makaupo kahit 30 minutes sa desk ko. Lagi na lang siyang may nakahandang ipapagawa sa akin, mapadali man o mapahirap man 'yanㅡ basta, uutusan niya ako. Grabe talaga!

Sa loob nang isang buwan kong pagtatrabaho sa kanya, madami na akong nagawaㅡ dahil minu-minuto naman akong may ginagawa. Pumapasok ako ng maaga at nakakauwi na ng gabi, naaabutan ko na nga lang si Casey at si Gabriella na magkayakap habang natutulog.

Tulad ngayon, may pinapakuha siyang files sa may HR Department. Naku, kapag hindi talaga mataas ang sahod ko nito, sasapukin ko talaga siya. Argh!!

Inayos ko na ang office uniform ko at huminga nang malalim. Puro lalaki pa naman ang empleyado sa HR Department.

Nasa 31st floor pa ang HR Department kaya naman naghihintay ako ngayon dito sa harap nang elevator. Nasa Ground Floor pa 'yung elevator kaya matagal-tagal na paghihintay ito. .____.

Umupo na lang muna ako sa may bench malapit sa elevator, pinasadya talaga 'ata 'to para sa elevator kasi medyo matagal dumating. =___=

"Tss, siguro nilandi si Sir kaya siya na ang bagong secretary!" Rinig kong usapan sa may malapit, malapit lang kasi 'tong bench sa mga employees na nagko-coffee break.

'Di ko na lang pinansin dahil hindi lang naman ako secretary dito sa building na 'to. Psh.

"Oo nga, daming hirap ni Jea para sa posisyon na 'yun, 'noh!" Rinig ko dun sa isa, magkausap 'ata sila.

Jea? Jea Ramirez? 'Yung epal na dating sekretarya ni Gabriel?! So, ako pala ang pinag-uusapan nitong mga 'to!! =____=

"Grabe nga eh, lakas lumandi nung bagong sekretarya ni Sir. Anong pangalan nun? Pang-pokpok nga eh." Let's call her, Gossiper #1. Chismosa kasi eh, psh! Naalala ko tuloy 'yung mga alipores ni Chammy. Saan na kaya 'yung babaeng 'yun?

Narinig ko silang nagtawanan, "Heather 'yun alam ko eh. Nakakaasar nga kasi karamihan ng mga ka-office mate natin may gusto sa kanya. Tss. Iba talaga kapag karisma ng malandi." Sabay tawa ulit nila.

Tatayo na sana ako para harapin sila ng biglang...

*ting* (Elevator opens)

'May araw din kayo.' Sabi ko sa sarili ko sabay tayo, at naglakad na papunta sa loob nang nakabukas na elevator nang biglang may nakabangga ako at nagkalat ang mga papeles na hawak ko.

"Aish~" Iniiwasan ko talagang magmura, dahil masama 'yun. :D Yumuko na ako agad para pagsama-samahin ang mga papeles kong nagkalat.

Tinulungan din naman ako nung lalaking nakabangga ko.

Naamoy ko ang isang pamilyar na pabango, na matagal na mula nung naamoy ko.

Napatigil ako sa pagpulot ng mga papeles ng mamukhaan ko ang taong tumutulong sa akin, ganun din siya nung mapansin niyang tumigil ako sa pagpupulot.

Hindi niya naman ako tinitigan at nagpatuloy na sa pagpupulot ng papeles pero nagsalita siya, "Hay, pati ba naman dito... may mai-starstruck sa akin?" He muttered, same old himㅡ arrogant and conceited.

Tumikhim ako para malaman niyang hindi ako sang-ayon sa mga pinagsasabi niya, inangat niya naman ang mukha niya para tingnan ako, kung kanina ay para siyang asong ulol na nakangisi, ngayon naman ay napalis ang mga ngiti niya at nanlalaki ang mga mata.

CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon