Bratt 006

1.2K 33 0
                                    

CHAPTER 6: My Past.

Napag-isip isip kong nagcut pala ako nang classes ngayon. Waw! =____= First time ko pa lang naman eh, wala naman sigurong masama kung hindi ako papasok ngayon. First day of classes pa lang naman, wala pa naman sigurong masyadong gagawin. Puro lang naman Introduce Yourself ang paniguradong gagawin. =__________=

Nandito na ako sa School Field, mahangin dito at paniguradong fresh air ang malalanghap ko. Kailangan ko nang fresh air para makahinga nang maayos dahil alam ko sa sarili kong mabigat ang pakiramdam ko ngayon. Sana mapagaan nang mapayapang lugar na ito ang kakaibang nararamdaman ko. Ang bigat eh, parang lalo itong bumibigat sa bawat oras na alam kong nandito siya sa puso ko at wala akong pag-asa sa pag-ibig niya. Hays! Ang drama. =__________=

[A/N: Check the School Field in the Multimedia section on the right side >>]

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

Hindi ko alam kung ilang buntong hininga na ang pinakawala ko ngayon. Grabe naman kasi, parang ang sikip-sikip na nang dibdib ko. Hays! Sana nga ay nakakatulong itong pagbuntong-hininga ko para mawala ang nararamdaman kong paninikip nang dibdib. *sigh*

Tinanaw ko ang malawak na lugar na ito, ang School Field. Ito ang saksi sa lahat, sa unang pagkikita namin, unang pagkakakilala, unang pagngiti niya sa akin, unang pag-aalok niya sa akin bilang kaibigan niya, unang yakap, kung paano ako nahulog sa kanya at higit sa lahat ang pagtanggi niya sa mga nararamdaman ko. Ang unfair nang buhay hindi ba?! Bakit kailangan ko pang maramdaman ‘to kung hindi lang din naman masusuklian? >_____<

Umupo ako sa ilalim nang puno nang mangga, kung saan dun ko natatanaw ang lugar kung saan nangyari ang lahat.

*FLASHBACK*

Exact 4 years ago, School Field.

Papunta na ako sa School Field para sa unang Flag Ceremony namin bilang High School Student, madami daw kasing announcements kaya kailangan daw naming umattend sa naturang program. Kung anu-anong pakulo lang naman ang gagawin dito eh? Psh. Actually, late na ako nang more than 20 minutes. Ang traffic kasi at saka hindi din ako nagmadali sa pagpunta dito.

Ako lang mag-isa ngayon dahil kanina pa pala nandun ang mga best friends ko, hindi naman naming hilig ang sabay na pagpasok dahil nga napaka-bagal kong kumilos. Takot kasing ma-late ‘yung mga ‘yun, hindi ko din maintindihan kung bakit ganun sila. =______=

Ayan nakarating na ako dito sa School Field, hindi ko na kailangan pang hindi maligaw ngayon dahil halos sampung taon na akong nag-aaral dito. Nung pag-graduate ko nga nang Middle School eh nakatanggap ako nang Loyalty Award. =_____= Ito na kasi ang pinakamagandang Exclusive School kaya dito ako pinag-aaral nang mga magulang ko at idagdag niyo na din sa kaalaman niyo na kaibigan nang Daddy ko ang may-ari nang school na pinapasukan ko.

Pipila na sana ako sa hilera nang mga Freshman nang biglang lumapit sa akin ang babaeng nakasalamin at nakapusod ang buhok. Mukha siyang teacher na gurang. Siya yata ang bago naming Prefect sa High School. =_____= Ang panget niya naman, buti pa ‘yung prefect naming dati… Gwapo! Mwehehehe! <3

“You’re 26 minutes late Ms.—“ Nakapameywang na sabi niya sa akin, medyo nag-alinlangan siya sa mga sasabihin niya. Di pa niya ‘ata ako kilala.

“Ferrer, Miss.” I respectfully said. Miss kasi ang tawag naming sa mga instructor or teaching staffs nang school namin.

“Oh, yeah. Ehem—Uhh— Miss Ferrer, I would like to tell you that your tardiness has its own punishment. But since it’s your first offense, I would like you to be the tourist guide for the transferees.” Miss Prefect said seriously.

CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon