Bratt 005

1.2K 29 2
                                    

CHAPTER 5: Eavesdropping.

Naglalakad pa din ako hanggang ngayon, wala nang mga estudyante sa paligid tanging mga Janitor at mga School Staffs na lamang ang mga umaaligid. Hindi ko pa din makita ang phone ko at hindi pwedeng mawala ‘yun dahil malamang katapusan ko na. >_____<

Sa paglalakad ko at paglinga-linga kung saan-saan, napadpad ako sa Locker Room ngayon. Hindi naman ako dumaan dito kaya alam kong wala dito ang phone ko pero dahil nabibigatan na ako sa Hermes Bag ko, mabuti pa sigurong ilagay ito sa Locker ko.

Nilagay ko na lahat nang laman ng bag ko at pati na din mismo ang bag ko sa locker kaya ini-lock ko na ito. Ipagpapatuloy ko na ang paghahanap sa nawawala kong cellphone. Hindi talaga pwedeng may makaalam sa mga sekretong nakapaloob dun. Hays! =________=

Babalik na sana ako sa paghahanap nang phone ko nang may narinig akong nag-uusap sa likod nang locker ko. Nakahilera kasi ang mga Locker at may kanya-kanyang number, sa bawat hilera ay may limang number. Sunod sunod na ‘yun.

Hindi ko na sana papansinin ang mga nag-uusap nang biglang marinig ko ang isang pamilyar na boses, kay Chammy ang boses na iyon. Kaya pasimple akong nagtago sa isang malaking halaman na palamuti sa loob nang locker room. Si Chammy at ang mga alipores niya ang nagchi-chismisan. Jeez. Hanggang ngayon ba naman? Chismosa pa rin siya?! =______=

Pinagpatuloy ko lang ang pakikinig sa kanila, nagbabaka-sakali akong baka sila ang nakapulot nang cellular phone ko. Mahirap na kung sila ang nakapulot, >_______< Tapos talaga ang buhay ko nito! Ugh!

“Oo. Grabe! Akalain mo ‘yun, hindi ko na pala kailangang akitin ulit si Zeus para mapasa-akin ulit siya.” Naka-cross arms na sabi ni Chammy na mukhang tuwang-tuwa sa nangyayari sa buhay niya. So, balak niya pala talagang akitin si Zeus? O___o Yuck, anu bang klaseng taste merong ‘yang si Zeus? Eww, si Chammy pa talaga. Tsh. Kusang bumalik pala sa kanya ang lalaking ‘yun. Grabe din ang taste niyang si Chammy ah, hindi man lang nagpaka-choosy. Oh, well papel… Bagay naman silang dalawa eh. Mga bwisit sa buhay! =_______=

“I know right. Si Gabriel de Castro ba naman ang manligaw sa’yo eh. Sinong hindi kikiligin? He’s a good catch after all.” Alipores 1 a.k.a Jamie.

Woah?! WHAT?! Si G-Gabriel? O____O Manliligaw kay Chammy? That’s the BIGGEST JOKE I’ve ever heard! G-R-O-S-S! Maniniwala na sana ako eh kaso mga komedyante nga pala sila. HAHAHAHA! What the fudge! Ang taas nang pangarap talaga nitong babaeng ‘to. Tsk.

“Hindi ba’t may pagnanasa si Kim kay Gabriel dati?” Alipores 2 a.k.a Karla. Pagnanasa agad?! Hindi ba pwedeng gusto muna? O ‘di kaya’y mahal? Mga imbento nitong mga babaeng ‘to. Mga chismosa talaga.

“Ang alam ko si Gabriel ang may gusto kay Kim.” Alipores 3 a.k.a hindi ko na alam ang pangalan kasi mukhang bago siya sa paningin ko. *u* Sana nga si Gabriel na lang ang may gusto sa akin para hindi ako nahihirapan nang ganito. Hays!

“Duh, of course not! Ang balita ko nga eh, si Kim ang may gusto kay Gabby at ang masaklap pa, ni-reject ni Gabriel ang confession niya. HAHAHAHAHA! ‘Yun na nga din ang purpose ko eh, ipamukha sa kanya na kaya kong kunin ang mga bagay o mapa-tao mang gusto niya. Hahahaha!” Sabi ni Chammy na tumatawa na parang bruha. =__=

Paanong nalaman nilang nag-confess ako kay Gabriel? Sinekreto ko lang ‘yun eh. Dang! Baka sila ang nakakuha nang phone ko. >_______< Sa lahat ba naman, ‘yun pa ang malalaman nilang sikreto ko. Kainis!

“Totoo ba ‘yan? Si Kim ang nagconfess kay Gabriel? Ang landi, ah?” Alipores 1.

“Oo nga, kwinento sa akin ni Gabriel ‘yung confession ni Kim sa kanya nung nasa States pa lang siya.” Pagpapatuloy ni Chammy sa pagkukwento sa mga alipores niya. -_____-

CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon