Bratt 040

766 24 20
                                    

CHAPTER 40: I expected the unexpected.

"HGDC Enterprises...?" Tanong ni Casey na para bang hindi siya sigurado sa binabasa niyang calling card na pinapakita ko ngayon-ngayon lang.

Bahagya akong napaangat ng tingin sa kanya, "Bakit? May problema ba...?" Oo, meron, bukod sa may sakit ang anak ko ngayon... mapapasubo pa 'ata ako sa pakikipagsapalaran sa Makati.

Bahagya akong bumuntong hininga, ang anak ko... "Uh, wala naman. Masyado lang kakaiba." Sabi niya habang tinitignan nang magkabilaan ang calling card na hawak-hawak niya na ngayon.

Bahagya lang akong tumango at tinignan mula sa see through window ng Intensive Care Unit ang anak kong payapang nakahiga sa Hospital bed ngayon, "Pero, may balak ka bang mag-apply diyan?" Sabi ni Casey sabay abot sa akin ng callung card, kinuha ko naman at iniligay kong muli sa bulsa.

Umiling ako, "Hindi ko pa alam, Casey..." Sabi ko nang mahina, pakiramdam ko nawawalan na ako ng pag-asa sa buhay, hirap na hirap na akoㅡ kahit kailan ay 'di ko naranasan ang ganitong klaseng pagsubok sa buhay ko. Mahal na mahal ko ang anak ko, siya lang ang mayroon ako ngayon, siya lang ang matatawag kong kayamanan ko, siya lang ang pamilya koㅡ kaya, kailangan kong tatagan ang sarili ko.

Bahagyang tinapik ni Casey ang balikat ko, "Pag-isipan mong mabuti, Heather, para sa ikakabuti nang anak mo ang magiging desisyon mo." Napatingin naman ako sa kanya.

Bakit ba ang bait-bait mo sa akin, Casey? Bakit lagi kang nasa tabi ko kapag kailangan ko ng tulong at problemado ako? Hindi kaya...

"May gusto ka ba sa akin?" 'Di ko napigilang itanong, alam kong hindi ito ang tamang panahon para itanong ito at wala rin ako sa posisyon para magtanong nang kakatwang tanong tulad nito.

Napatingin siya sa akin bigla nang marinig niya ang sinabi ko, "Sigurado ka ba sa mga tinatanong mo?" Sabi niya sabay tawa ng bahagya.

Pakiramdam ko parang napahiya ako sa tanong ko, gusto ko ng magpalamon sa sahig na kinatatayuan ko. >_< Kung bakit kasi 'di niya na lang sagutin ang tanong ko? Okay lang naman kung mayroon eh, mas okay din naman kung wala. "Oo o hindi lang naman ang sagot." Sabi ko sabay iwas ng tingin.

I saw in my peripheral vision that he smiled, "It's for me to know..." And he leaned forward that made me take aback, "For you to find out." He whispered. I felt his warmth around my nape.

I looked up to him, glaring at him like I really want him dead, "Tss." Wala na kong maisasagot sa kanya.

**

"YG, thank you, ah?" As I thank him for everything he did tonight, sinamahan niya akong mag-emote dito sa playgroundㅡ sa playground kung saan nagsimula ang lahatㅡ the first time I saw himㅡ where my puppy love for him startedㅡ where I console myselfㅡ where he confessed that he loves me, too...

YG patted my head, "Okay lang." He smiled at me sweetly, tinulak ang swing paabante. It's already 1:57AM in the middle of night and morning pero ito pa rin kaming dalawa at magkasama, hindi niya ako iniwan at hinayaan niya lang ako sabihin lahat ng hinanakit ko sa sarili ko, nakinig siya sa lahat ng sasabihin ko kahit wala na talagang mga kuwenta.

Mahal ko talaga si Zeus, 'di ko mapagkakaila 'yun kahit ang sakit-sakit na ng nararamdaman ko, "M-maha-hal k-ko tala-ga si-siya, YG eh..." Ito na naman ako sa kakaiyak, parang 'di nagsasawang tumulo ng mga luha ko sa mata.

I heard YG tsk-ed, naramdaman kong umupo sa kabilang swing, "Wala akong alam sa pagmamahal peroㅡ nasasaktan ako para sa'yo, Kim." He said sincerely... hindi kaya...? OMG!

"May gusto ka ba sa akin?" Tanong ko sa kanya, pakiramdam ko umurong lahat ng luha ko sa mga mata ko.

I saw him heaved a sigh, omg?! May gusto talaga siyㅡ "I really don't know what you're thinking, really funny." He said sarcastically while shaking his head.

CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon