Entry 23 (Secret Smile)

59 3 0
                                    

Dare-daretso kami ni Sehun sa paglalakad sa may hallway habang hila-hila nya ako. Nakatingin ang lahat ng estudyante sa amin lalo na sa akin dahil nagtataka sila kung bakit magkahawak ang kamay namin ni Sehun.

Of course, sikat nga di ba itong unggoy na ito kaya siguro nagtataka sila kung bakit may isang "unknown girl" na kasama ang kanilang unggoy na prinsipe. Psh. Para namang gusto kong mahawakan ang kamay ng unggoy na ito. (=____=)

"Hindi ka na naman nakikinig sa akin!"

Tumigil kami sa gitna ng hallway habang pinagpipiyestahan kami ng tingin ng mga estudyante dito. Iniyuko ko nang kaunti ang ulo ko.

"A-Ano ba? Pwede bang doon na lang tayo sa tabi mag-usap?" nahihiya kong sabi sa kanya. Nahagip ng paningin ko ang pagtaas ng isa niyang kilay.

"At bakit? What's the problem? Bakit mo itinatago 'yang mukha mo?" nagtataka niyang tanong sa akin. Lalo ko lang iniyuko ang mukha ko.

"Basta! Doon na lang tayo!" sabi ko sa kanya sabay hawak sa kamay niya. Nang akma kong dalhin siya papunta sa gilid ay bigla niya akong hinila pabalik. Nang tingalain ko siya ay tumaas ang gilid ng labi niya.

"Nahihiya ka ba?"

"H-Ha?! Anong pinagsasasabi mo dyan?!"

"Nahihiya ka dahil pinagtitinginan tayo ng mga estudyante dito, tama?"

"H-Hoy, tigilan mo nga ako Sehun! Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo!"

Bakit ba ngayon pa ito nakuhang mang asar? Bakit!?

"Listen up, guys!" Sigaw bigla ni Sehun sa buong hallway.

Pinagpipiyestahan naman kaming lahat ng mga estudyante. Ano na naman bang tumatakbo sa utak ng lalaking ito?

"I just want you to tell you-- all of you that no one will ever dare to hurt this girl. Because if you do, you'll be dead."

Nanlalaki ang mga matang tumingin ako sa unggoy kong tabi. Ano bang ginagawa nya? Nakakahiya!

"Because this girl.. Is my girlfriend."

(0_0) - ako

(0_0) - (@_@) - (T_T) -- mga estudyante

Oh no!!!!!!

EXO  Hearthrobs  in  Hailome  UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon