Sehun's Pov:"Aray! Aray! Teka, Jannica!"
Bigla akong hinila ni Jannica sa may maze matapos kong ipingalandakan kanina sa hallway na girlfriend ko na sya. Natutuwa kasi akong asarin sya kaya ko ginawa yun. At saka isa pa, gusto kong malaman ng mga taong gustong saktan si Jannica na kapag ginalaw nila si Jannica kahit na dulo lang ng kanyang daliri, ako ang makakalaban nila.
Kasalanan nila Betrice ito eh. Pinainit na naman nila ang ulo ko. Hindi ba sila marunong madala? Ilang beses ko na silang pinagsasabihan na tigilan na nila si Jannica pero parang hindi naman sila marunong makaintindi.
Marunong namang magtagalog. Lakas talagang manuntok ng babae! (Kaso, bawal. Hahaha!)
"Ano bang pinagsasasabi mo, Sehun? Alam mo bang mas dadami lang ang mampupuntirya sa akin dahil pinagkalat mo pa sa iba 'yung .. 'yung.."
"'Yung pagiging girlfriend ko?"
"Arghhh! Huwag mo ngang banggitin 'yun!"
"At bakit naman? Ano namang masama sa pagiging gir-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang takpan ni Jannica ang labi ko ng kamay niya. Ang cute niya talagang magalit. (^_^)
"Huwag mong banggitin."
"Mmmrmrmmrmr!"
"Ano?"
"Mmmrmrmrmrm!"
"Ay sorry," sabay tanggal niya ng kamay niya sa bibig ko, "Ano 'yun?"
"Ang sabi ko, wala ka nang magagawa kung girlfriend na kita!"
Tumama bigla sa braso ko ang kanang palad nya. Waahh! Ang sakit talaga nyang manghampas! Parang hindi tao yung sinasaktan nya. (T_T)
"Huwag mo na ngang ulit-ulitin! Hindi nakakatuwa," asar na sabi niya.
"Ayaw mo bang maging girlfriend ko?" seryoso kong tanong sa kanya. Nagulat ako ng mapansin ko ang biglang pamumula ng pisngi niya.
"Tigilan mo na ako, ha? Hindi na talaga ako natutuwa sa mga biro mo," at nang akma syang hahakbang ay pinigilan ko sya sa pamamagitan ng paghawak sa kamay nya.
"I told you that I like you, right? Kaya kahit na anong gawin mo sa sakin, hindi mo pa din ako mapipigilang protektahan ka mula sa mga taong gusto kang saktan."
"Fine! I will pretend to be your girlfriend but .. Wag mo na sanang ulit-ulitin. Ang weird lang pakinggan," sabi nya sa akin habang hindi makatingin sa akin.
"So, okay na tayo. Asan na 'yung kiss ko?"
Tumama na naman ang malutong nyang palad sa kamay ko na nakahawak sa kanya dahilan para mabitawan ko sya. Aray, ang sakit na talaga. (T_T)
"Kiskis mo sa mga dahon yang nguso mo kung gusto mo! Argh! You're hopeless, Sehun! Maging unggoy ka na sana!" inis niyang sigaw sa akin saka nagmartsa palabas ng maze. Bigla namang nagbago ulit ang maze kaya naman bumalik syang nakabusangot ang mukha.
"Nasaan ang daan!?"
BINABASA MO ANG
EXO Hearthrobs in Hailome University
FanfictionHailome University ~ Unibersidad para sa mga estudyanteng may mga kakaibang kakayahan at kapangyarihan. Ako si Jannica, isang normal na estudyante na pumasok dito at ito ang kwento ko kasama ang 12 makapangyarihang lal...