Entry 16 (Feeling .. Empty)

127 2 0
                                    

Jannica's  Pov:

Nakakabwisit talaga 'yung Sehun na iyon! Anong tingin niya sa akin, laruan?!

Ang lakas ng trip niya ah! 

At ako naman, nagpadala sa trip niya! May nalalaman pa akong pagpikit! Haist!!

Bumalik na kami ng University.

At kaming tatlo, balik klasroom naman kami.

At as usual, nag lesson ng kaunti.

Kung tutuusin, wala naman akong masyadong mainindihan ngayon sa lesson kasi naman 'yung professor namin ngayon ay yung teacher namin na weirdo. Ewan ko ba pero iba kasi siya eh.

Siya si Sir Richard. Para siyang studyante dahil sa suot niyang baduy at nakasuot siya ng salamin para sa mga nerd. At ang weird din niyang magsalita kasi pautal-utal lagi siya.

Pero ang lagi kong napapansin sa kanya ay ang lagi niyang pagtingin sa akin.

F.Y.I. Hindi po ako assuming!! (>__<)

Talagang iba siya makatingin tapos kung titingnan mo pa 'yung mata niya, parang nag-iiba yung kulay na ewan!

Haist, pati tuloy ako nawe-weirduhan sa sarili ko. (>__<)

Tae naman kasi itong si Sir! Hayst, nawalan tuloy ako ng ganang makinig sa kanya!

Kinuha ko na lang 'yung libro ko at nagsimula akong magsulat-sulat ng kung anu-ano. 

Drawing..

Drawing..

Drawing..

Drawing..

Drawing..

Tapos na! (^__^)

Idinrowing ko ang maala-demonyong mukha ni Sehun! Whahah! Twka, bakit ba siya ang iniisip ko ngayon? Ang weird .. (=___= )>

"Ano yan?" nalingon ako kay Kai.

Nakalimutan kong may katabi nga pala akong mahilig mag-usisa at magtanong. In Short, TSISMOSO .. (+--+)

"Ah, wala! Nagdo-drawing lang. Nabo-boring kasi ako makinig kay Sir eh, Hehe!"

"Parang may kamukha 'yan ah, sino ba yang dinodrawing mo?"

"Wala, iniimagine ko lang ang itsura ng taong kinaiinisan ko."

"Eh bakit may sungay at buntot?"

"eh ganyan ang itsura niya eh! Kung tutuusin kulang pa yan. Dapat pala may pangil yan. Teka, nga, dadagdagan ko lang."

Drawing..

Drawing..

Drawing..

"AYan! PERFECT!"

Napatingin sa akin tuloy ang mga kaklase ko pati si Sir dahil napasigaw ako bigla. Hala, nakakahiya! (>___< _

"Sorry po," nahihiya kong sabi sabay peace sign.

Inirapan lang ako ng tatlong maldita at inisnab naman ako nila Sir. Hay, buti na lang.

Pagtingin ko kay Sehun, nakatungo lang siya sa desk niya at mukhang natutulog na nman. Ano kayang benefit nito sa laging pagtutulog?

Hindi na naman niya kailangang tumangkad ah, weird.

Nilamukos ko na lang yung papel na pinagdrowingan ko at pinilit kong makinig kay Sir kahit na ang boring-boring. (==___==)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

After magturo ni Sir ay inutusan niya kaming pumunta ng Library para magresearch. Ewan ko ba pero parang mas gusto ng mga teacher dito sa aschool na ito na magresearch na lang lagi ang mga estudyante. (=__=)

Naunang lumabas yung mga kaklase ko kasi inayos ko pa yung mga gamit ko. Naiwan na akong mag-isa ng marealise kong nagpaiwan din pala yung tatlong bruhilda. Hindi ko na lang sila pinansin kasi ayoko ng away.

"Hoy, Bitch. What do you think you're doing?"

Hindi ko sila sinagot.

"Are you deaf?! HUmarap ka kapag kinakausap ka namin!"

Doon na ako humarap sa kanila saka napabuntong-hininga.

"Ano na naman bang problema nyo?"

"Oh! Ikaw pa itong may lakas ng loob na magtanong sa amin ng ganyan? Ikaw! Anong problema mo ha?! Bakit lahat na lang ng lalaki dito, nilalandi mo?!"

"Anong nilalandi ang pinagsasasabi nyo?!"

"Nagkakaila ka pa? Ha! Balita sa buong campus na nakikisali ka sa EXO! At ang kapal din ng mukha mo para gawin yun!"

"Hindi ko kagustuhan yun, sila ang umanyaya sa akin."

"What?! Ha! So, ikaw pa ang may lakas ng loob na sabihing sila pa ang nag-anyaya sa'yo? Ang kapal pala talaga ng face mo!"

"EH ano naman saka pakialam nyo ba?"

Naiinis na ako sa kanila. Ang laki ng problema nila. Kung gusto nilang sila ang sumabay sa lunch ng EXO, eh di sila ang sumama! (>__<)

"May pakialam kami dahil kami ang no.1 fan nila!"

"Then?"

"OMG! Anong then?"

"Ano bang pinuputok ng butche nyo? Ano bang gusto nyong mangyari?"

"Layuan mo ang EXO. Lalo na ang Prince Sehun namin!"

"Eh di sila ang pagsabihan nyo. Hindi naman ako ang lumalapit sa kanila eh."

Napa-gasp silang tatlo kaya ako napailing-iling.

Kinuha ko na yung bag ko saka sila tinalikuran.

Palabas na ako ng marinig ko ang boses ni Betrice.

"Huwag mo kaming tatalikuran kapag kinakausap ka namin!"

Nang lumingon ako sa kanila, hindi ko inaasahan ang nakita ko. 

Nakita ko na lang na papalapit ang bolang apoy na iyon sa akin. Dahilan para mapapikit ako ..

EXO  Hearthrobs  in  Hailome  UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon