Jannica's Pov:
Walang hiyang unggoy na iyon! Anong tingin niya sa sarili niya, hari ng kagwapuhan! Yak! Mas gwapo pa sa kanya ang aso namin noh!
Mag-isa akong nagbabasa sa may loob ng gilid ng mga shelf. Ayokong makasama sa pagreresearch yung unggoy na iyon. Naaalibadbaran ako sa mukha niya. ( =___= )
"Itinayo ang Hailome University noong 500 century nang magkakaibigang sina Ruhan. Mikeal, Sienie at Huwaldo."
500 century? Wow, ang tagal na pala nitong school na ito. sabagay, hindi naman ito normal na school eh, hehehe!!
"Minana ito ng kanilang mga anak at blah, blah, blah.."
*yawn*
Nakakaantok naman 'tong libro na ito. Ang boring magbasa. Nadako ang tingin ko sa isang page, at ewan ko pero may nakita akong kakaibang marka.
<~/*_
Bakit parang nakita ko na ang markang ito pero hindi ko matandaan kung saan.
Saan nga ba?
"Tapos ka na, panty girl?"
Gusto yata talaga nitong mawala ng maaga sa mundo eh. Inis na tumayo ako at hinarap siya. Medyo napahiya ako dahil matangkad siya at hanggang balikat lamang niya ako.
"Monkey boy, kung wala kang magandang sasabihin itikom mo na lang ang bibig mo."
"Monkey Boy?"
"Oo, monkey boy! dahil sa tuwing nakikita ko ang mukha mo , naaalala ko ang mukha nung unggoy na alaga ng kapit bahay namin dati!"
Kumunot ang noo niya sabay napangisi. At hindi ko alam kung anung nakakatuwa sa sinabi ko.
"Ano ito, endearment natin?" natatawang sabi niya.
Inis na hinampas ko siya ng librong hawak ko.
"KApal mo talaga noh? Ang tigas ng mukha mo! Layas!" inis na sabi ko sabay talikod sa kanya.
"Hey, Panty Girl. Walang daan diyan."
Napatigil ako. Oo nga noh, ang bobo ko talaga! Pero siyempre hindi ako nagpahalatang nagkamali ako. Tumingin ako ng deretso sa mga mata niya.
"Alam ko naman eh, may tiningnan lang akong libro," sabay lakad palagpas sa kanya.
Narinig ko pa ang sinabi niyang, " Alam pala ha?"
------------------------------------------------------------------------------
Natapos ang period ng klase naming iyon nang hindi nakakunot ang noo.
paanong hindi kukunot ang noo ko kung maya't maya ay naririnig ko ang boses ng Sehun na yun at laging bukambibig ang "Panty Girl".
Hindi porket nakita na niya ang panty ko, may karapatan na siyang asarin ako ng ganun! Nakakahiya kaya! Argh!!
"Jannica, sabay ka na samin kumain," yaya ni Kai sakin. Lunch time na din naman kasi.
"Wag na, may gagawin pa kasi ako eh," sagot ko. Pero ayaw ko lang kasi ulit makita si Sehun dahil kapag hindi ako makapagpigil, baka isaksak ko sa bunganga niya yung dala kong kutsara.
"Ayan ka na naman, tinatanggihan mo na naman ako," naka-pout na sabi ni Kai.
Ano ba yan. ang cute niya talaga! XD
"Sorry talaga."
"Hey Pant--"
"WHAT?!"
Bigla kasing sumingit ang hinayupak na Sehun na ito. At wala akong balak iparinig kay Kai ang tawag nito sakin dahil nakakahiya! ( >__< )
"Sumabay ka na samin kumain."
"AYOKO."
"Sige ka, ikukwen--"
"FINE!"
Nagtatakang nakatingin lamang si Kai sa amin. Nakakabwisit kasi itong si Sehun eh, hindi ba pedeng kahit saglit lang .. KOnting saglit lang, wag niya akong tawaging "PANTY GIRL" lalo na't kasama namin si Kai!!
"Magkaaway ba kayo ni Sehun?" tanong ni Kai sakin habang naglalakad kami.
Magkasabay kaming naglalakad ni Kai samantalang nasa unahan naman namin si Sehun habang may nakapasak na ear phone sa tenga niya. Pagakakataon ko na para bumawi!!
"Kaibigan mo ba talaga yang si Sehun?"
"Oo naman, bata pa lang kami magkaibigan na kaming magkakabarkada."
"Kayong EXO?"
"Oo."
"AH, may sasabihin lang kasi ako sayo pero ayokong isipin mong sinisiraan ko lang siya."
"Ha?"
"Si Sehun kasi, nakita kong may babaeng sinil--"
"Anong ako?"
Napatingin ako bigla sa nakatigil na si Sehun. Nakapasak pa din yung earphone sa tenga niya.
"Naririnig mo ang usapan namin?" takang tanong ko.
"Oo naman, hindi namang tugtog itong earphone ko eh."
( =____= )
YUng totoo, napahiya na naman po ako..
"W-Wala, tara na nga. Nagugutom na ko"
Nagpatiuna na ako sa paglalakad. Bakit ba feeling ko lagi na lang akong napapahiya kapag si Sehun ang kasama ko? May balat ba siya sa puwet at pati ako nadadamay sa kamalasan niya?
BINABASA MO ANG
EXO Hearthrobs in Hailome University
FanfictionHailome University ~ Unibersidad para sa mga estudyanteng may mga kakaibang kakayahan at kapangyarihan. Ako si Jannica, isang normal na estudyante na pumasok dito at ito ang kwento ko kasama ang 12 makapangyarihang lal...