Jannica's Pov:
His name is Kai.
Teleportation ang power niya.
And he's 20 years old.
Grabe, hindi ko aakalaing sa unang araw ko sa Unibersidad na ito ay makikilala ko ang isang tulad niya. Ngayon ko lang nalamang may katulad pala niyang lalaki.
"Uy, hindi mo na ako pinansin," sabi ni Kai sakin.
Nandito kami ngayon sa may likuran ng University at nakaupo sa isang bench. Walang ibang estudyante dito dahil bukod sa nasa kanya-kanyang mga silid-aralan sila ay mahigpit ding ipinagbabawal ang pagka-cutting classes.
Ewan ko ba kung bakit ako sumama dito. Kung tutuusin naman ay hindi ko ito kagustuhan dahil bigla na lang niya akong niyakap kanina at nag-teleport kami papunta dito.
Speaking of YAKAP ..
SIya ang First HUG ko .. (>__<)
"H-Ha? May sinasabi ka ?" natatangang sabi ko.
Sa tuwing naaalala ko ang yakap na nangyari kanina, hindi ko maiwasang hindi MAMULA. At alam ko sa sarili kong .. KINIKILIG AKO .. (*>_<*)
"Ang sabi ko, mamaya sama ka sakin. Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko," nakangiti niyang sabi.
Kakaiba ngumiti si Kai. Parang pati kasi yung mga mata niya ay ngumingiti. Kumikinang kasi ito at .. at ... EEEiii!! Kinikilig ako!!!
"Wag na lang, Kai. Nakakahiya."
"Hindi pwede ang hiya-hiya dito. Saka, mababait naman sila eh."
"Ayoko pa rin."
"Eh bakit nga?"
"Nahihiya nga kasi ako."
"Hindi naman sapat na dahilan yan eh."
"Umm.. Uuwi pala ako ng maaga sa bahay, may kailangan akong gawin."
"Nagpapalusot ka lang naman eh. Pumayag ka na kasi."
"Eh ! Kulit mo, nahihiya nga kasi ako."
"Tsk, nakakatampo ka naman. Feeling ko tuloy ayaw mo lang sakin," sabi niya sabay pout.
Eh! Naka-pout na naman siya! Ang cute-cute niya! (>_<)
"Uy! Wala akong sinabing ganun ah!" sabi ko sa kanya.
Nakatingin lang siya sa malayo at mukhang walang balak akong pansinin. Mukhang nagtampo nga siya. Nakakatawa naman tingnan ang isang katulad niya. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking matampuhin.
"Sige na, sige na! Payag na ako, pero pwede bang wag muna mamaya? Sa isang araw na lang, busy kasi talaga ako eh."
Bigla siyang tumingin sakin saka ngumiti. Halos malaglag ang puso ko ng kunin niya ang kamay ko at hinalikan iyon.
"Salamat! Ngayon pa lang, gusto na talaga kita," nakangiti niyang sabi.
Umiwas ako ng tingin sa kanya saka tumayo sa pagkakaupo. Pinagpag ko kunwari ang palda ko saka tumingin sa kanya.
"Tara na, bumalik na tayo sa klasroom. Hindi ako pumasok dito para lang mag-cutting," sabi ko sa kanya.
Tinawanan niya lang ako saka ako niyakap ulit. Pero sa pagkakataong ito ay hinampas ko siya ng mahina.
"Teka nga, kailangan bang nakayakap?" nahihiya kong sabi sa kanya.
"Oo naman, para madali kitang madala," nakangiti niyang sabi.
Hindi na ako umangal sa kanya at hinayaan ko na lang na yakapin niya ako. Mukhang wala namang malisya sa kanya kahit yakapin niya ako eh, mukhang ako lang yata talaga ang naglalagay ng malisya.. (--__--)
"Ano, game ka na ulit magteleport?" tanong niya sakin.
Nang tumango ako ay ipinikit niya ang kanyang mga mata at mabilis na nagteleport. Saka ko na lang namalayang nasa klasroom na kami dahil sa isang hindi inaasahang pagtawag.
"Miss Jannica & Mr. Kai, where have you been?!"
Nanlaki ang mata ko ng makita kong nadaganan pala namin ang isa naming kaklase. Mukhang hindi pa sanay si Kai sa pagteteleport. (>__<)
Tinulungan namin ang nerd naming kaklase na tumayo. HIngi ako ng hingi ng sorry dito samantalang tawa naman ng tawa si Kai. Mukhang baliw yata itong nakilala ko.
"Again, Miss Jannica & Mr. Kai, where have you been?!"
Doon na kami tuluyang napatingin sa teacher namin. Mukhang nasa kalagitnaan sila ng discussion ng makabalik kami ni Kai. Sana pala hindi ko muna siya niyayang bumalik, patay kami ngayon. (>__<)
"Amm, S-Sir .. Ano po kasi .."
"Pinatawag kami ni Tita sa office niya," singit ni Kai.
Hindi na nagtanong pa ang teacher namin at pinagpatuloy ang pagtuturo. Nagtatakang siniko ko si Kai.
"Anong nangyari?" bulong ko sa kanya.
"Haha! Wala! Teka, kukuha muna kita ng upuan," sabi niya saka siya nagteleport.
Wala pang 5 minuto ng bumalik siya na may dala ng upuan. Itinabi niya ang upuan ko sa tabi niya at nagsimula na kaming magkwentuhan.
Nahagip ng mga mata ko ang matatalim na tingin ng tatlong maldita sakin pero hindi ko sila pinansin. Nadako ang paningin ko sa bakanteng upuan na uupuan ko sana kanina.
Teka, wala pa si Sehun? Ano kayang itsura niya?
Ngayong araw na ito, nakilala ko si Kai. Isang happy-go-lucky na lalaki na teleportation ang power. Masayahin siya at matampuhin. Kahit saglit ko pa lang siyang nakikilala, nalaman ko na agad ang ugali niya. At siya din ang pinakauna kong CRUSH.
BINABASA MO ANG
EXO Hearthrobs in Hailome University
FanfictionHailome University ~ Unibersidad para sa mga estudyanteng may mga kakaibang kakayahan at kapangyarihan. Ako si Jannica, isang normal na estudyante na pumasok dito at ito ang kwento ko kasama ang 12 makapangyarihang lal...