Jannica's Pov:
*YAWN*
(==____==)
Grabe, inaantok pa din ako ah.
TEka, anong oras na ba?
(Tingin sa orasan)
(()______0) !!!!!!
OMG! Mag-aalas sais na!
Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga at mabilis na bumangon mula sa pagkakahiga at mabilis na dumaretso ng banyo. Halos wala pang 20 minuto nang matapos akong maligo.
Naku! Unang araw ko pa naman sa Hailome University tapos male-late pa ako!
Habang isinusuot ko ang uniform ko ay patingin-tingin ako sa orasan. Mayroon pa akong 5 minuto para tumakbo!
Matapos kong isuot ang sapatos ay mabilis akong lumabas ng kuwarto. Sumakto pa ang labas ko dahil nakita ko ang mga walis na ginagawa ang kanilang mga gawain. Mkhang ginamit na naman ni Mrs. Orcio ang kanyang magic.
Halos makipagpatintero pa ako sa mga walis bago ako tuluyang makalabas sa apartment na iyon. Tumingin ako sa orasan ko at nakita kong may 3 minuto na lamang ang natitira sakin!!!!
Nanakbo na ako ng matulin dahil ang pagkakaalam ko ay ang lahat ng mga late ay binibigyan ng parusa kahit na bago ka pa lang.
Habang tumatakbo ako ay nakita ko ang isang "Wind Sucaru" na lumilipad, at isang "Bird Harabi" na nakasakay sa isang agila. Mukhang nalate din sila ng gising katulad ko.
Muntikan pa akong madapa ng biglang lumitaw sa harap ko ang naglalakihang bato na likha ng "Earth Bauri" na tumatakbo gamit ang mga naglalakihang bato. Bumabalik naman sa dati ang lupa kaya tumakbo na ulit ako.
Grabe! Simula pa lang ng pasukan pero nagagamit na nila ng maayos ang kanilang mga kapangyarihan!
Pagtingin ko sa gate ay papasara na ito kaya minadali kong tumakbo.
"Saglit lang po! Wait,wait,wait!!" sigaw ko sa mga higanteng tagapagbantay ng gate ng University.
Ito ang unang beses kong makita sa malapitan ang mga "GUARDIAN". Totoo ngang nakakatakot sila dahil bukod sa mga hidante sila ay may isa lamang silang mata at isang sungay. Ang mas nakakatakot ay wala pa silang ilong at bibig.
"Bilisan mo, Bata!" sabi ng isang higante.
Yikes! Kahit wala silang mga bibig ay nakakapagsalita sila!
Saan kaya lumalabas ang boses nila? Sa tenga kaya?
(????)
"salamat po!" sigaw ko sa kanila bago nila tuluyang isinara ang malaking gate. Tinitigan ko pa sila kung paano sila maging bato.
Unti-unti kong inilibot ang paningin ko sa buong Hailome University. Kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko ang ibat ibang estudyante na may ibat ibang kakayahan na naglalakad papunta sa malawak na parte ng University upang humanda sa paghanay.
Kung titignan mo sila ay parang mga normal na tao lamang sila pero di mo aakalaing may itinatago silang mga kapangyarihan. Mga kapangyarihan na minana nila sa kanilang mga magulang.
Ang ibang estudyante ay gustong mag-aral dito dahil hindi pa nila natutuklasan ang kanilang kapangyarihan. Masuwerte ka na lang kung hindi inilihim sayo ng mga magulang mo ang tunay mong kakayahan.
Ang iba kasi ay maaga pa lang ay tinuturuan na ng kanilang mga magulang at kaya sila pumapasok dito ay dahil gusto nilang maging mas malakas pa o hindi kaya ay gusto nilang makilala.
Yung mga nilihiman naman ay yung mga magulang na gustong magkaroon ng normal na buhay sa piling ng mga normal na tao sa kabilang mundo, isa na ako sa kanila.
Kung hindi pa namatay si Mama noong isang taon ay hindi ko pa malalaman na hindi pala ako normal na tao. Kami na lang ni Mama ang naninirahan sa mundo ng mga normal na tao kasama ang yaya ko na si Mrs. Orco.
Noong ipinagtapat ni Mrs. Orcio ang totoo, noong una ay hindi ako naniwala. Pero noong sinimulan nyang pagalawin ang lahat ng gamit ay muntikan pa akong atakihin sa puso bago maniwala.
Ang sabi ni Mrs. Orcio, isa raw "HEALER" ang Mama.
Kaya pala halos lahat ng sakit ay napapagaling ni mama. Pero ang tungkol naman sa papa ko, sinabi niyang isang normal na tao lamang si Papa. Ngunit bago daw ako isilang ay namatay ang Papa sa aksidente.
Siyempre nalungkot dahil nalaman kong hindi pala ako karapat-dapat sa mundong kinalakhan ko, kaya pumayag akong bumalik sa mundong ito. Doon ko lalong natuklasan na marami pala ang katulad namin. Iba't iba ang kapangyarihan.
Minsan tuloy napapaisip ako. Ako kaya? Magiging healer din ba ako katulad ni Mama o isang normal na tao katulad ni Papa?
Pero sana normal na lang ako ..
Ang kaso, kahit na maging normal na tao ako ay kailangan ko pa ding pumasok as Hailome University dahil isa akong anak ng Healer. Kaya gustuhin ko man o hindi, no choice ako. (=__==)
Hanggang ngayon naman ay wala akong nararamdamang kakaiba. Ang sabi ni Mrs. Orcio, lalabas ang kakyahan ko sa edad 18 ngunit 19 na ako ngayong taon kaya mukhang kay Papa ako nagmana.
Haist, mukhang makikisalamuha ako sa mga makapangyarihang mga tao na ito.
Pero kinakabahan ako. Alam mo yun?
Marami akong alam tungkol sa mga powers nila pero wala naman akong maipagmamalaki sa kanila. Isa lamang akong normal na tao na makikisalamuha sa mga makapangyarihang tao.
Kumbaga sa hayop.
Isa akong maliit na kuting na makikisalamuha sa naglalakihan at mababangis na aso1
GRR!!!
GEessh!!
Parang ayaw na tuloy gumalaw ng paa ko. Unti-unti akong nakihanay sa mga estudyante bago tuluyang tumahimik ang lahat.
Mula sa malking pintuan ay lumabas ang isang elegante at napakagandang babae na nakita ko sa tanang buhay ko. Ngumiti siya bago nagsalita.
"Welcome students, to the Hailome University."
Gulp.
Ito na ang simula..
BINABASA MO ANG
EXO Hearthrobs in Hailome University
FanfictionHailome University ~ Unibersidad para sa mga estudyanteng may mga kakaibang kakayahan at kapangyarihan. Ako si Jannica, isang normal na estudyante na pumasok dito at ito ang kwento ko kasama ang 12 makapangyarihang lal...