Sehun's Pov:
Did someone called my name?
Nandito ako ngayon sa may maze. Nagpapahinga pa ako at in the same time, nagbabantay.
Hindi naman ako nag-aalala na pasukin ako dito ng ogre dahil alam kong takot sila dito.
Weird nga eh, ang lalaking halimaw tapos takot pumasok sa isang maze. (=__=)
Ang totoo niyan, naaalala ko 'yung nangyari kanina sa soccer field.
Hindi ko din alam kung anong klaseng maligno ang sumapi sa akin at nasabi ko 'yun kay Panty girl.
It's just ..
I just realise that..
I miss her...
Ewan ko nga eh. Wala namang dahilan para mamiss ko siya pero, nautuwa talaga ako kapag naiinis siya sa akin.
Haist, ako yata 'tong nagiging corny. (=__=)
"Someone help me! Help! Ay kamote!"
Napatayo ako bigla ng marinig ko ang boses na 'yun.
Kilala ko 'yung boses na 'yun ah!
Mabilis akong lumabas ng maze and nagulat ako sa nakita ko, si Panty girl hinahabol ng tatlong Oger!!
"Tsk! Panty Girl ka talaga!"
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Jannica's Pov:
Ha..Ha..Ha..
Tae, pagod na ako! Hindi ba puwede ang time first??
Kanina pa ako hinahabol ng mga panget na oger na ito, at naiinis na ako!
Kanina dalawa lang ang humahabol sa akin, ngayon naman tatlo na!
(>---<)
WAHHHH!!! Wala bang may balak na tulungan ako?!
Author, pwede mo na ba akong iligtas dito? Pagod na kaya ako!
(Author: Mas maganda kung malapit ka ng mamatay saka may tutulong sayo)
WAAHHH!!! Ang sama mo, author!! (T____T)
No choice, san pa ba ako pwedeng tumakbo?!
Dumare-daretso ako ng takbo pero bigla akong napatigil nang biglang hinagis ng oger ang kanyang malaking palakol sa daan ko dahilan para maharangan ako.
Tumingin ako sa ibang daan pero..
WAAHhh!!! Dead end!! T__T
Napatingin ako sa mga hinihingal na oger na tumigil sa harap ko.
"Please, please.. Huwag nyo muna akong patayin, bata pa po ako. Madami pa po akong pangarap sa buhay."
Tae, kung anu-ano nang sinasabi ko para lang makaligtas.
Nakita ko na lang ang pagtaas ng palakol ng isa kaya pumikit na lang ako at saka napataas ang dalawa kong kamay.
WOOOSSSHHH!!!!
Pagmulat ko, nakita kong nagtatakbuhan na ang mga oger.
Eh? Anong nangyari?
Nakita kong may parang ipo-ipo na humahabol sa kanila.
Teka..
Ako ba ang may gawa non?
Napatingin ako sa kamay ko.
"Hangin ang kapangyarihan ko?" sabi ko sa sarili ko.
"Anong hangin, wala kang kapangyarihan. Ako ang may gawa nun."
Napatingala ako para makita na pababa si Sehun. Kita ko ang galit sa mukha niya at in the same time.. Pag-aalala??
"S-Sehun?"
Nilapitan niya ako bigla at niyugyog sa balikat.
"Nababaliw ka na ba, ha Jannica?! Gusto mo bang magpakamatay?! Bakit ba nandito ka pa din?! Alam mo namang pinagbabawal ang pagtigil dito dahil sa mga oger na 'yun! Paano na lang kung hindi ako dumating, eh di patay ka na ngayon!"
Hindi ko alam pero nasaktan ako sa mga sinabi niya kaya napaiyak na ako.
Hindi ko naman kasalanan na magpaiwan dito eh, dahil yun sa mga bruhilda.
Humahagulgol na ako sa pag-iyak ng maramdaman ko ang pagyakap ni Sehun sa akin.
S-Si Sehun? N-Niyakap ako?!
"Pinag-alala mo ako.." bulong ni Sehun sa akin habang yakap-yakap ako.
Nakaramdam ako ng kasiyahan sa sinabi niya. Kahit na may pagkabastos siya, marunong din pala siyang mag-alala...
BINABASA MO ANG
EXO Hearthrobs in Hailome University
FanfictionHailome University ~ Unibersidad para sa mga estudyanteng may mga kakaibang kakayahan at kapangyarihan. Ako si Jannica, isang normal na estudyante na pumasok dito at ito ang kwento ko kasama ang 12 makapangyarihang lal...