"Pichie, eat this."
Kasalukuyan kong kasama si Pichie sa likod ng University kung saan ako unang dinala ni Kai noong lumipat ako. It's been three days simula noong alagaan ko si Pichie. Noong dinala ko nga sya sa bahay, nagulat si Mrs. Orcio nang makita sya at agad niyang pinagalaw ang mga walis para paalisin si Pichie, ang problema nga lamang ay bago pa makalapit ang mga iyon ay binugahan na ito ni Pichie ng apoy. Bigla ko tuloy naalala 'yung mga nangyari sa bahay sa loob ng tatlong araw.
"Jannica! Bakit mo dala-dala ang halimaw na iyan?!" galit na sabi ni Mrs. Orcio sa akin habang hawak-hawak nya ang isang walis-tambo. Nasa harap ako ng pinto ng bahay at kasalukuyang hawak-hawak sa bisig si Pichie. Parang wala namang pakialam si Pichie sa nangyayari matapos nyang bugahan ng apoy ang mga pinagalaw na gamit ni Mrs. Orcio. Sumiksik siya lalo sa akin at mukhang may balak pa yatang matulog. Gees, ganito ba talaga itong isang ito? =_=
"Ah, eh.. Ano po kasi, Mrs. Orcio. Something happen at the library earlier and.."
"Ha? Anong nangyari? Sabihin mo."
Napatigil ako sa pagsasalita nang maalala ko kung paano magalit si Mrs. Orcio. Kapag nalaman nya ang tungkol sa nangyari sa amin kanina, siguradong patay ako nito ng wala sa oras.
"Ah, eh.. I-I saw Pichie and I thought that he was cute so I decided to take care of him?"
"That's a monster, Jannica! Something dangerous and.. And.."
"And?"
"N-Nothing. Ang gusto ko lang naman sabihin-"
"Nag-aalala po kayo sa kaligtasan ko?" nakangiti kong sabi kay Mrs. Orcio bago ko kinuha ang kamay nya upang dalhin sa natutulog na si Pichie at pinahawak si Pichie, "He's not dangerous. See? Besides, I am his mom."
Natigilan naman si Mrs. Orcio nang makita nya ang malungkot kong mga mata. Bigla ko kasing naalala si Mama. Madalas din kasi akong matulog noon sa bisig ni Mama noong maliit ako and Pichie reminds me of myself. Those happy moments that I shared with Mama..
"Are you sure? Kaya mo ba syang alagaan?" nag aalalang tanong muli ni Mrs. Orcio. Sunud-sunod naman akong tumango kaya wala syang nagawa kung hindi ang mapabuntung-hininga.
"Okay, fine. Hahayaan ko syang tumira dito."
"Talaga po?! Salamat p-"
"Ngunit kailangang turuan mo syang huwag basta-basta magbubuga ng apoy sa kahit ano o sino man. If you really is his mom, you should now how to teach him good morals and right conduct."
Napakamot ako bigla sa ulo ko. Kahit na sinabi ko kay Mrs. Orcio na ako ang tatayong ina para kay Pichie, namomorblema naman ako kung paano ko ituturo sa kanya ang mga dapat at hindi nya dapat gawin. Paano na lang kung magkamali ako? Ayokong mapahamak ang Pichie ko. (T_T)
"Nandito ka pala."
Nilingon ko si Kai nang marinig ko mula sa likod ko ang boses nya. Nakangiti siya at as usual, gwapong-gwapo na naman sya. Ano ba yan. Three days ko ding hindi siya nakita dahil wala kaming pasok noon. Nag usap-usap kasi ang mga nakatataas sa Hailome tungkol sa nalalapit na pagtitipon-tipon sa susunod na linggo.
"Hinahanap mo ko?" tanong ko sa kanya. Nang lalapit na si Kai, biglang naalarma si Pichie at nagsipagtayuan ang mga balahibo nya tanda nang galit niya. Tumigil naman si Kai sa paglapit at tinitigan si Pichie.
"No, Pichie! Si Kai 'yan, kaibigan ko. He won't hurt us," sabi ko kay Pichie para pakalmahin sya. Kumalma naman agad si Pichie at saka pinagpatuloy ang pagkain nya.
"Is that a monster?" takang tanong ni Kai sa akin na kasalukuyan na palang nakaupo sa tabi ko.
"Y-yeah," nahihiya kong sabi. Naku, ano na lang ang iisipin ni Kai sa akin? Bigla akong kinabahan.
"Cool! Gusto ko ding magkaroon ng pet na katulad niyan eh!" nakangiting sabi ni Kai sa akin na ikinabigla ko.
"H-ha? Hindi ka natatakot kay Pichie?"
"Nope. He's cute, I think?"
Napangiti naman ako sa sagot niya. Akalain mo yun? Mayroon palang taga-Hailome na hindi takot sa katulad ni Pichie?
"Jannica, kayo na ba ni Sehun?"Doon na ako tuluyang napatingin kay Kai. Is he asking me? What should I do? And wait a minute.. Why is he asking me?
Oh my gosh, may gusto ba sya sakin? No way. Haha. Assumera naman ako kapag nagkataon. Pero bakit naman bigla niya akong tinanong? Saka, kami nga ba ni Sehun?
"Amm.. Actually Kai.. Ganito kasi yun e," di ko na natapos ang sasabihin ko nang may maramdaman akong kamay na kumapit sa balikat ko kasabay ang halik sa pisngi ko.
"Nandito ka pala babe!" Nakangiting sabi ni Sehun sa akin bago tumabi sa kin. Halos mamula naman ang pisngi ko dahil sa ginawang halik ng unggoy na ito. At ang pinakanakakaalarma, nandito pa si Kai! Gigil!
"Oh, Kai! Nandito ka pala. Akala ko kung sinong kasama ng GIRLFRIEND ko," sabi ni Sehun na may pagdiin pa sa pagsabi ng girlfriend bago ako nginitian ng nakakaloko. Kung pwede pong pumatay, dyosmiyo. Gagawin ko po. Kahit ngayo lang. Kahit kay sehun lang please.
"So, totoo nga. Kayo na nga ni Jannica," nakangiting sabi ni Kai. Hindi ko maintindihan pero parang ang lungkot ng mga mata ni Kai ngayon. Bakit?
"Oo. I-congrats mo naman kami," nakangising sabi ni Sehun. Parang bangag naman itong si Sehun!
"Ano ba Sehun? Ano bang ginagawa mo," mahina kong bulong kay Sehun. Imbis na sagutin ako ay pinisil nya lang lalo ang balikat ko.
"Congrats, Sehun. Nahuli na pala ako," natatawang sabi ni Kai.
"H-ha?" Parang tangang nasabi ko. You mean..
"Poprotektahan ko naman sya, Kai. No need to worry," seryosong sabi ni Sehun.
"I know. She really needs you now. Lalo na ngayon."
Ha?? Proteksyon saan? Bago pa ko makapagtanong ulit kay Kai ang bigla na lamang siyang nawala. Doon na ako tumayo at seryosng tumingin kay Sehun.
"Ano bang nangyayari? Saka anong proteksyon ang sinasabi ni Kai?" Nagtatakang tanong ko kay Sehun. Nagkibit-balikat si Sehun bago presentableng sumandal sa kinauupuan nito.
"Well, dahil yun sa halimaw na yan," sabay nguso ni Sehun kay Pichie na kasalukuyang tulog sa bisig ko.
"Anong problema kay Pichie?"
"Nalaman ng matatanda na napaamo mo yan. And no one has ever done it before. Because that monster," seryosong sabi ni Sehun, "Is a curse."
"Curse? Anong pinagsasasabi mo?"
Tumayo na si Sehun bago ako tinitigan ng mataman.
"There is a prophecy. A damn prophecy. Na kung may makakapagpapa-amo sa halimaw na yan, its a sign na darating na ulit sya."
"Sinong sya?" Kinakabahan kong tanong kay Sehun.
"Si Pearka."
BINABASA MO ANG
EXO Hearthrobs in Hailome University
FanfictionHailome University ~ Unibersidad para sa mga estudyanteng may mga kakaibang kakayahan at kapangyarihan. Ako si Jannica, isang normal na estudyante na pumasok dito at ito ang kwento ko kasama ang 12 makapangyarihang lal...