Jannica's Pov:
Gosh!! Buti na lang mabilis akong tumakbo! Wooo!!
Pinagpawisan ako doon ah, grabe!
Huminga muna ako ng malalim bago naglakad papunta sa pinto ng room ko. Nagulat ako ng biglang magsalita yung painting na nakadikit sa gilid ng pinto.
"Hey, your a new student?" boses babae na sabi ng painting. Lumingon-lingon pa ako sa paligid bago sumagot.
"Me?" sabi ko sabay turo sa sarili.
"Of course, i'm talking to you," sabi pa niya sabay roll ng eyeballs niya.
Tinitigan ko ang poster at nakita kong may babae sa loob ng painting. Maganda siya at mukhang barbie.
"I'm sorry, i never expect that you're talking to me."
"It's alright. Hey, where are you from?"
"Wait a second, can we speak in filipino?" sabi ko.
Haler, limited lang kaya english ko! Isang tabo lang ng english ang dala ko! (>_<)
"Haha! Pasensya na, kala ko kasi inglesera ka," natatawa niyang sabi. Napakunot naman ang noo ko.
"Paano mo naman nasabi?"
"Haler, mukha ka kayang foreigner."
Saka ko naalala na kulay blonde nga pala ang buhok ko. May pagkabilugan ang mga mata ko, mataas na cheekbone, may pagka-pouty lips ang labi ko at siyempre ipagmamalaki ko ang ilong ko noh! Ang taas kaya, hehe!!
"Ganun? Teka, sino ka ba?" tanong ko sa kanya. Bago niya sinagot ang tanong ko ay bigla siyang nag-pose na parang model.
"Wilma Chestre, 22 yrs. old and the guardian of this room!" sabi niya sabay bow.
Nakangiting tinitigan ko siya.
Isa lamang siyang maliit na babae na may pulang buhok at manipis na labi. Nakamake-up siya at naka-dress na pula.
"Ako naman si Jannica, please to meet you."
"Haha, alam mo ang cute mo Jannica."
"Haha, salamat. Sige, pasok na ako."
"Sige, kitakits mamaya!" sabay kaway niya. Kumaway na lang din ako bago pumasok.
Kitang-kita ko mula dito sa may pinto na nasa loob na ang mga kaklase ko. Parehas lang kami ng mga uniform pero pakiramdam ko ay iba ako sa kanila. Haist, buhay nga naman..
Nagsimula na akong maglakad papunta sa isang bakanteng upuan sa harap at naupo doon. Inilapag ko ang bag ko sa ibabaw ng lamesa nang may tumayo sa harap ko.
"Amm, may problema ba?" nakangiti kong sabi sa kanila.
Tatlo silang mga babae at ang gaganda nila. Yung nasa kanan, mahaba ang buhok niya at nakalugay lang. Kulay brown lang ang buhok niya. Yung nasa kaliwa naman ay maiksi ang buhok hanggang sa may balikat at nakatirintas ang gilid nito. Ang nasa gitna naman ay mahaba din ang buhok pero kulay black at nakapuyod ng mataas.
Bigla silang nameywang ng sabay-sabay.
"Who told you that you can sit there?" mataray na sabi nung nasa gitna.
Tumingin-tingin ako sa paligid at nakita kong nakatingin sa amin ang lahat.
"Amm, wala namang ibang nakaupo dito ah," sagot ko sa kanila. Nag-gasp pa yung tatlo bago tumingin ng masama sakin.
"Hindi mo ba alam na upuan yan ni Prince Sehun?" sabi nung nasa kaliwa. Napakamot ako sa may batok ko.
"Prince Sehun? Kailan pa nagkaroon ng prinsipe dito?"
"OhMyGOSH!! Halatang freshmen ka pa lang dito para hindi mo makilala si Prince Sehun!"
"Narinig ko na ang tungkol sa kanya kanina pero hindi ko siya kilala."
"Gosh, ang tanga-tanga mo naman para hindi siya makilala! Siya lang naman ang future husband ni Princess Betrice!" sabi nung nasa kanan sabay pose nung dalawang nasa gilig at itinuro ang nasa gitna.
So, siya pala yung Betrice.
"Then?"
*GASP*
"Anong then ang sinasabi mo?"
"Eh wala naman akong kinalaman sa kasal nila eh."
"Meron. Inuupuan mo lang naman ang upuan ng future husband niya!"
Doon na ako napipi. Kaya pala nila ako inaaway, tsk! Ang slow ko talaga minsan! (<>__<)
"Ganun ba? sorry," sabi ko sabay tayo. Lumingon-lingon ako at humanap ng upuan pero nakita kong walang bakanteng upuan.
"Amm, wala ng ibang bakante?" tanong ko sa kanila.
Imbes na sagutin ay inirapan nila ako at iniwang nakatayo sa gitna ng klasroom. Nakatingin ang lahat ng estudyante sakin kaya feeling ko hihimatayin na ako sa hiya.
"Hello guys!!"
Napalingon ako ng marinig ko ang boses na iyon. Nakita ko ulit yung lalaking nakabangga ko. Nung tumingin siya sa akin ay umiwas ako ng tingin at nagsimulang lumabas kaso..
"Uy, kamusta?"
Napatingin ako sa kanya nang walang kakurap-kurap. Rinig na rinig ko ang pag-gasp ng mga maldita.
"H-Ha?"
"Sabi ko kamusta. Hindi mo man lang ako kinausap kanina," sabi niya sabay pout.
EH?? Nag-pout siya!?
"Ah eh.. "
"Ako nga pala si Kai. Ikaw?"
"J-Jannica."
"Wow, kasing cute mo yung name mo. Bago ka lang ba dito sa school?"
"O-Oo."
"Eh di hindi ka pa nakakalibot sa buong University."
"H-HIndi pa."
"Kung ganun, hayaan mong ilibot kita," sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Palabas na kami ng pinigilan ko siya.
"T-Teka, may klase pa ako."
"Ok lang yan, ako bahala sayo," nakangiti niyang sabi.
"Eh! Pagod na pati ako."
"Umm.. Ganun ba? Eh di mag-teleport na lang tayo."
"Ha?!"
Bigla niya akong nilapit sa katawan niya then suddenly ...
BINABASA MO ANG
EXO Hearthrobs in Hailome University
FanfictionHailome University ~ Unibersidad para sa mga estudyanteng may mga kakaibang kakayahan at kapangyarihan. Ako si Jannica, isang normal na estudyante na pumasok dito at ito ang kwento ko kasama ang 12 makapangyarihang lal...