Entry 22.1

118 4 1
                                    

Sehun's POV:

Kasalukuyan Kong pinagmamasdan sa pagtulog si Jannica na nasa bisig ko. Akalain mo, inosente din pala siyang tingnan kapag natutulog. Haha!

"I like you.."

Napatitig ulit ako sa mukha niya ng maalala ko ang sinabi ko sa kanya kanina.

Oo.

Gusto ko na talaga siya.

Simula pa siguro noong una. Hindi ko lang maamin sa sarili ko na marunong din pala akong magkagusto sa isang pasaway na babaeng ito.

Sa totoo lang, natakot talaga ako para sa kanya kanina. Paano kaya kung hindi ako dumating? Baka napahamak na siya.

Biglang sumikip ang dibdib ko sa naisip ko. Parang hindi ko kayang may mangyari sa kanya.

Shit! Namumuro na talaga sa akin 'tong Betrice na yun! Ang sarap pilipitin ang leeg!

Paano ko kaya maipagtatanggol si Jannica sa kanila?

Jannica's Pov:

Nagising ako dahil sa daliri na pumindot-pinto sa pisngi ko. Hindi ko sana papansin iyon ng makarinig ako ng boses.

"Hey, panty girl. Bumangon ka na dyan. Umaga na."

(0__0)

Yeah. Ganyan kalaki yung mga mata ko ng marinig ko ang boses ni Sehun. Nakaupo sya sa harap ko habang naka-cross hand.

"Sehun?!" Gulat kong sabi.

"Sino pa ba sa akala mo?" Masungit nyang sabi.

Hay naku. Balik-sungit na naman sya, aba. .

"Amm. . Nasaan tayo?"

"Nasa bahay ko."

"WHAAAATTT!!!!'

Napabangon ako bigla sa kama. Pinagmasdan ko muna ang kuwarto bago ako tumingin sa kanya.

Wow. Bagong ligo ang unggoy, basa pa yung buhok niya. At inferness.. Ang bango nya..

"Hey, ba't namumula ka? Anong iniisip mo ha?" Nanliliit ang matang tanong ni Sehun.

Bigla akong naging aware sa pagtitig ko sa Kanya. At lalo Yata akong namula ng maalala ko ang halik na nangyari kagabi!

"W-Wala," sabi ko na lang bago ako tumalikod sa kanya at lumayo sa kama.

So, ano na?

"Bakit nga pala ako nandito?"

"Hindi ko naman alam yung bahay nyo eh kaya dito na lang Kita dinala."

"Sana iniwan mo na lang ako dun sa may maze."

"Bakit, sa tingin mo makakaalis ka dun ng ganun-ganun lang?"

"Bakit ba ang sungit mo?" Iritado Kong sabi sa Kanya.

Nakakainis. Parang sinabi niyang hindi ko kakayaning lumabas doon ng mag isa. Kaya ko kaya.

Bago pa makapagsalita si Sehun ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae...

Ang Mama Ni Sehun!

Pareho kaming natigilan dahil sa nakita naming pagtataka sa mukha nito. Nakatingin lamang ito Kay Sehun.

"Sehun, why are you not-"

Natigilan ito ng maramdaman nito ang presensya ko. Dahan-dahan siyang lumingon.

Nakaramdam ako ng kaba ng manlaki ang mga mata nito.

"You -"

"She's my girlfriend," singit Ni Sehun bago ako tuluyang inakbayan.

Girlfriend? Tama ba yung narinig ko? Girlfriend daw?!

Itinikom naman ng Mama niya ang bibig nito bago ngumiti.

"Well, hi Jannica," nakangiting sabi ng Mama niya sa akin.

Paano niya ako nakilala? Hindi naman binanggit Ni Sehun ang name ko ah.

Ah. Baka isa sa mga powers Niya.

"Hello po," nahihiya Kong sabi.

Gees. Hindi ako mapakali. Patay ka talaga sakin, sehun ka!

EXO  Hearthrobs  in  Hailome  UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon