Ang weird. Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko sa lugar na ito? I feel some black aura around here. But I can't explain my feelings.
Kararating lang naman ni Haru dito sa isang bodega sa ilalim ng library. May hinahanap kasi si Haru tungkol doon sa research na ginagawa namin. Hindi naman nya mahanap sa mga libro doon sa library kaya nagpaalam kami kay Miss Librarian na libro kung pwede kaming maghanap ng ibang libro dito sa bodega.
Binigyan nya lang kami ng tig-isang i.d. para makapag-access kami dito sa bodega. Ni hindi man lang nya kami sinamahan. Siguro dahil hindi siya makalabas doon sa counter dahil sa sobrang laki nya. Kasing laki nya kasi ang library. Parang pumapangalawa yata sya sa tangkad ng mga higante na nagbabantay sa may gate ng unibersidad. Pero pumapangalawa yata sya sa pagiging masungit ni Mrs. Orcio. Joke. ^_^
"Wow, ang dumi naman dito. Parang pinamumugaran ito ng alikabok ah," sabi ko kay Haru nang tuluyan kaming makapasok sa loob.
Ang pagkakaalam ko, walang sinuman ang nakakapasok dito except kung may suot silang i.d. Nagtaka nga ako kanina dahil wala akong makitang pinto kanina. Pero noong sinuot ko na ito, para bang nagkaroon ako ng third eye dahil biglang lumitaw sa paningin ko ang pinto ng bodega. Astig!
"Matagal-tagal na din kasing hindi ito nalilinisan. Wala kasing naglalakas-loob na maglinis dito," sabi ni Haru habang naghahalungkat sya ng mga libro sa isang shelf.
Naglakad-lakad naman ako papalapit sa mga shelf at tumingin-tingin sa paligid. Maganda siguro talaga dito kung nalilinisan lang. Saka, bakit kaya walang naglilinis dito?
"Eh? Bakit naman? Hindi naman kalakihan ang lugar na ito ah."
"Bali-balita kasi dito ang tungkol sa mabangis na halimaw na dito namamalagi simula nang makatakas ito sa isang gubat na pagmamay ari ng isang mangkukulam. Kaya kahit yung librarian, hindi dito basta-basta pumapasok ng walang kasama."
"You mean kapag may kasama ka, hindi ka papakialaman ng halimaw?"
"Hindi ko lang alam. Yun lang yung mga naririnig ko eh."
"Kung ganun naman pala, bakit tayo pinapasok nung librarian? Saka, para saan ba itong itlog na ito?"
May ibinigay kasi sa amin yung librarian kanina na pink na itlog habang may hati sa gitna. Tig-isa kami ni Haru. Ang sabi pa nya, just in case, gagamitin daw namin iyon kapag nagkagipitan. What does it mean?
"Ah, para ito sa-- Jannica! Huwag mong kainin yan!" sabay hablot ni Haru sa itlog nang makit niyang isusubo ko ito. Oo nga pala, ang itlog dito sa Hailome, pwede mong kainin kahit may balat pa. Ang astig noh?
"Ha? Bakit naman? At saka nagugutom na ako e," nakasimangot kong sabi kay Haru.
"Gagamitin natin ito sa halimaw kapag nakita natin iyon. Saka, huwag kanh mag alala. Papakainin kita mamaya kapag natapos na tayo dito," sabi sa akin ni Haru bago nya muling ibinalik sa akin ang itlog. Lumayo sya sa akin at naghanap ng libro sa kabilang shelf. Hm? Ano 'yun?
"Jannica, huwag kang basta-basta manggagalaw ng gamit dyan okay? Baka mapansin tayo nung halimaw."
"Ano bang itsura nung halimaw, Haru?"
"Itsura nung halimaw? Ang pagkakaalam ko, kulay pula ito. Mabalahibo, may isang sungay, may bagsak na mahabang tenga, may bigote, kaya nitong gumawa ng apoy, at saka-"
"May singkit na matang parang natutulog at may apat na paa?"
"Oo, ganun nga."
"Parang ganito?" at ipinakita ko kay Haru ang kulay pula na stuff toy na nakita ko sa ibabaw ng shelf. Nanlaki ang mga mata ni Haru nang makita niya ito at mabilis na binato ang halimaw ng libro na hawak nya bago nya ako hinila palapit sa kanya. Nanakbo naman palayo ang halimaw. Aw, kawawa naman sya.
BINABASA MO ANG
EXO Hearthrobs in Hailome University
FanfictionHailome University ~ Unibersidad para sa mga estudyanteng may mga kakaibang kakayahan at kapangyarihan. Ako si Jannica, isang normal na estudyante na pumasok dito at ito ang kwento ko kasama ang 12 makapangyarihang lal...