Kai's Pov:
First Day of Hailome University.
Medyo nakakaboriing, pare-parehas na lang ang nakikita ko araw-araw. Buti na lang at may mga freshmen at mga new classmates.
(^____^)
Dito nga pala ako sa tambayan naming magkakaibigan. Nandito si Suho, Baekhyun, Chanyeol, D.O. , Xiumin, Luhan, Kris, Lay, Chen at Tao.
"Teka, Chanyeol. Nasaan si Sehun?" tanong ko kay Chanyeol. Kasalukuyan kasing naglalaro ng apoy itong lokong 'to. Mukhang sinseryoso nito masyado ang pagpa-practice ng power niya.
Ang totoo niyan, hindi naman namin kagustuhan ang pumasok dito dahil kung tutuusin ay master na namin ang mga kapangyarihan namin pero ginigiit ng mga parents namin na kailangan kami dito. Kami daw ang tagapagmana ng Hailome Universuty.
"Malay ko sa mongoloid na yun. Lagi namang nawawala yun bigla-bigla eh," sabi ni Chanyeol habang pinapaikot-ikot sa palad ang apoy. Sa lahat ng ayaw ko pa naman ay yung maglalaro na si Chanyeol ng apoy, nambabato kasi itong baliw na 'to. (=__=)
"Chen! Ikaw alam mo kung nasan si Sehun?" tanong ko kay Chen.
Itong isa namang ito, lagi na lang natutulog. Ewan ko ba, parang walang kapaguran sa kakahiga..
"Don't know," sagot niya habang walang kagalaw-galaw ka pagkakahiga.
"Tao na--"
"Hindi din," sagot agad ni Tao.
Napatingin na lang ako sa mga loko dahil ginagamit ni Luhan ang power niya para paliparin ang bench na hinihigaan ni Chen. Nagpipigil naman sa tawa ang iba. Kahit ako ay gusto ko ng matawa.
Nang mag-ring ang bell ay nagulat si Luhan dahilan para mawalan siya ng concentration at nabitawan niya ang bench. Mabuti na lamang at mabilis si Tao at pinatigil niya ang oras ni Chen. Ibinalik ni Luhan ang concentration niya kay CHen at unti-unti itong ibinaba bago pinagalaw ni Tao ang oras ni Chen.
Unti-unting bumangon si Chen na para bang walang nangyari. Haha!
Naglalakad na kami papunta ng University ng magsalita si Xiumin.
"Nakita ko si Sehun kanina, nasa may maze at nagbabasa," sabi ni Xiumin.
"May pasok siya di ba?"
"Malay ko dun, tinotoyo na naman yata."
"Haist, sige. Puntahan ko lang muna," sabi ko sabay teleport.
Mabilis naman akong nakarating sa may maze at nakita kong nakataklob sa mukha ni Sehun ang librong binabasa niya.
"Hindi ka ba papasok?" tanong ko sa kanya habang nakatayo sa may di kalayuan.
"Mamaya na lang," sagot niya habang nakataklob pa din ang libro sa mukha niya.
"Ano na naman bang problema mo?"
"Wala."
"Sehun, ano ba? Unang araw ng school oh, tapos di ka papasok."
"Mamaya ako papasok."
"Psh, bahala ka nga. Sumunod ka agad sa klasroom," sabi ko. Magkaklase kasi kaming dalawa.
Mabilis akong nagteleport papunta ng klasroom, kaso napunta ako sa hagdan. Tsk, medyo hindi ko pa din kasi kabisado itong school.
"Araykupo!"
Nauntog siya sakin habang hawak-hawak niya ang ulo niya. Napansin ko na agad ang blonde niyang buhok pero nang tumingala siya ay nakita ko ang bilig niyang mga mata.
"Hello," sabi ko sa kanya sabay ngiti.
Pero nakatitig lang siya at halos hindi na yata kumukurap at humihinga.
"Uy, bakit ka natulala?" takang sabi ko sa kanya. Mukhang natauhan naman siya kaya mabilis siyang umiwas ng tingin.
"A-Ay, sorry. Nagmamadali kasi ako," sabi niya sabay harap ko.
"Wait, 'yung notebook mo!" sigaw ko.
Tumigil naman siya at mabilis na tumakbo pabalik para kunin ang notebook niya at mabilis ding tumakbo. Napakamot na lang ako sa ulo ko, ang weird niya.
Hindi ako dumaretso ng klasroom dahil nanginain muna ako sa canteen bago pumunta ng classroom just to find out na may kinukumpulan na naman sila Betrice.
"Hello guys!!"
Napatingin pa siya sakin at nakita ko ulit siya sa pangalawang pagkakataon. Mabilis siyang naglakad palagpas sakin ng pigilan ko siya.
"Uy, kamusta?"
"H-Ha?"
"Sabi ko kamusta. Hindi mo man lang ako kinausap kanina," sabi ko sabay pout.
Ang cute ko noh? Hehe!
"Ah eh.. "
"Ako nga pala si Kai. Ikaw?"
"J-Jannica."
"Wow, kasing cute mo yung name mo. Bago ka lang ba dito sa school?"
"O-Oo."
"Eh di hindi ka pa nakakalibot sa buong University."
"H-HIndi pa."
"Kung ganun, hayaan mong ilibot kita," sabi hawak ko sa kamay niya kaso pinigilan niya ko.
"T-Teka, may klase pa ako."
"Ok lang yan, ako bahala sayo," nakangiti kong sabi.
"Eh! Pagod na pati ako."
"Umm.. Ganun ba? Eh di mag-teleport na lang tayo."
"Ha?!"
Bigla ko na lang siya niyakap at nagteleport kami. Dinala ko siya sa likod ng University at nakipagkwentuhan. Nang yayain na niya akong umuwi ay pumayag na ko. Natawa pa ako dahil parang ayaw na niyang yakapin ko siya.
Ewan ko ba, hindi naman talaga kailangan yakapin kapag nagteteleport pero .. Teka, hindi ako nanananching ha! Wala lang, yun lang kasi bigla ang pumasok sa isip ko.
Unang araw ng klase, at ito din ang unang beses na nagkagusto ako sa isang babaeng ngayon ko lang nakilala.
BINABASA MO ANG
EXO Hearthrobs in Hailome University
FanfictionHailome University ~ Unibersidad para sa mga estudyanteng may mga kakaibang kakayahan at kapangyarihan. Ako si Jannica, isang normal na estudyante na pumasok dito at ito ang kwento ko kasama ang 12 makapangyarihang lal...