Jannica's POV:
"She is the one who tried to detroyed the Hailome University 300 years ago. Ang sabi ni Mama, matalik nilang kaibigan ni Pearka. Ngunit dahil sa pagnananais niyang maging mas makapangyarihan, trinaydor niya ang mga Mama. Sinubukan niyang patayin sila Mama at ang pagsira sa University na ito. But she doesn't succeed. Mas makapangyarihan si Mama at tinulungan siya ng mga kaibigan niya kaya di siya nagkatagumpay. She was locked up somewhere. Forever."
"So you mean, hindi siya napatay ng mga Mama mo?" Takang tanong ko habang nakaupo at tahimik na nakikinig kay Sehun. Hinihimas-himas ko na lang din si Pichie na after kumain ay natutulog. Lagi ngang tulog ito e. Parang 'yung Unggoy na kausap ko ngayon. -_-
"No. Kaibigan pa din naman kasi nila Mama si Pearka at hindi nila gustong saktan sya kaya they decided to lock her up somewhere."
"Saan ba 'yang somewhere na 'yan? Saka paano nyo naman nalaman na babalik sya saka san nanggaling ang mga prophecy na yan?" Curious kong tanong. Nagkibit-balikat si Sehun bago tumitig sakin ng daretso.
"No one knows. Ang sabi nila, when my mother and her friends lock her up, yung place na pinagkakakulungan nya suddenly dissapear. Para bang pinlano. But alam naman nila Mama na hindi basta-basta makakalabas si Pearka sa kulungan na iyon without giving her the access to be freed. Ang makakapagpapakawala lamang dito ay someone powerful. At si Mama lang iyon. Regarding with the prophecy, ang mga matatandang nakatataas lamang ang nakapagsasabi noon dahil iyon nga ang kapangyarihan nila."
"Ahh.."
Na-speechless ako sa mga sinabi ni Sehun. Kung totoo man ang lahat ng sinabi niya, then Hailome is in danger. And.. Teka, bakit nga pala ako nadamay dito?
"Isang tanong na lang Sehun. Bakit parang nadamay ako?" takang tanong ko. He rolled his eyes. Wow, ang arte naman ng lalaking ito. Daig pa babae makairap. -_-
"Hindi ka ba nakikinig sakin kanina? Damay ka na dahil nga dyan sa pet mong di ko maintindihan ang itsura at tunog prutas ang pangalan."
"Gusto mong pabugahan ko si Pichie ng apoy sa mukha mo?"
"Seriously. Dahil ikaw ang nakapagpaamo sa halimaw na yan, your already link to this issue. Actually, siya na lang ang nag-iisang pulang halimaw sa buong mundo," sabi ni Sehun sabay tabi sa akin.
Nanlalaki ang mga mata ko nang titigan ko si Pichie. So kaya pala ganoon na lamang umiyak si Pichie noong yakapin ko sya. Dahil nga nag-iisa na lang sya sa mundong ito.
"Pichie.." Naluluha kong sabi saka ko sya niyakap. I felt sorry for him.
"Wag kang masyadong maawa sa prutas mong pet na yan. Nasa bingit ka ng kamatayan dahil sa kanya. Hindi ko nasabi sa iyo na ang mga halimaw na katulad niyan ay pagmamay-ari ng mga Kuarla."
"Kuarla?"
"Yes, Kuarla. Isa sila sa mga pinakamakapangyarihan dito sa Hailome and the most dangerous. Ginagamit nila ang mga pulang halimaw na iyan sa pamiminsala sa mga tao. But after nga noong labanan nila Mama ang mga Kuarla, wala nang natira sa kanila except kay Pearka."
"So, isang Kuarla si Pearka? Paano sila naging magkaibigan ng Mama mo?"
"Hindi rin naman alam ni Pearka noong una na isa siyang Kuarla. Sabi nila Mama, siya yung pinakamabait niyang nakilala sa buong buhay niya. But everything changes when Pearka discover her true identity. She was overwhelmed with her power and she used that against to everyone. Hindi lang sya basta isang simpleng Pearka, but she was the only royal blood of Pearka left. Kaya nga sinugod nila noon ang Hailome University. But they never succeed."
Pearka. Kuarla. Parang nahihirapan akong i-sink in lahat ng mga sinasabi ni Sehun sa akin ngayon. Pero dahil damay na din ako, gusto ko pang malaman ang iba pang detalye dala na din sa pagiging curious ko.
"Nasa bingid ako ng kamatayan dahil kay Pichie. Pero bakit naman nila kailangan si Pichie? Isa lang siyang simpleng batang halimaw," naiiyak kong tanong. Sehun hold my hand at pasimple iyong pinisil.
"I told you. Nag-iisa na lamang siya sa lahi niya at nag-iisa na lamang si Pearka sa lahi ng Kuarla. It only means na gagawin ni Pearka ang lahat makuha lang niya sayo iyang pet mo. Si Pichie ang makakapagpalabas ng tunay na lakas ni Pearka. Kaya nga bawat isa sa mga Kuarla ay nagmamay-ari ng isang pulang halimaw bilang lakaz ng mga ito. Iyon ang dahilan kung bakit gustong patayin ng mga nakatatanda ang halimaw na yan."
"No!" Sigaw ko sabay tayo. Niyakap ko ng mahigpit si Pichie dahilan para magising ito. Para itong batang napahikbi ng marinig niya ang pagsigaw ko. But naunahan na ko ng pag-aalala sa kanya kaya ko siya niyakap lalo.
"Hindi ako papayag na patayin nila si Pichie! Dadaan muna sila sa bangkay ko!" Nanginginig kong sabi.
"Mama.."
Natatawa namang tumayo din si Sehun.
"Handa kang mamatay para sa halimaw na yan?" Natatawang sabi ni Sehun sa kin.
"Oo! Di ko papayagang may manakit kay Pichie" naluluha kong sabi. Para namang natauhan si Sehun saka seryosong hinawakan ang magkabila kong pisngi at tinitigan ako sa mga mata.
"Ako din. Handa akong gawin ang lahat, maprotektahan ka lang," sabi ni Sehun bago ako niyakap. Di naman nagreklamo si Pichie at tila pinakikiramdaman ang gagawin ni Sehun sa akin, "Actually, nagbago ang isip nila na patayin yang pet mo dahil sa suggestion ko."
Napakawala ako sa yakap niya upang tignan kung seryoso nga sya.
"Seryoso?""Yes. Muntikan na nilang makalimutan na kung sino man ang unang nakapagpaamo sa mga pulang halimaw ay sila na ang susundin nito. Kaya kahit na anong gawin ni Pearka, hinding-hindi na niya makukuha yang pet mo dahil di na siya nito susundin. She was already yours. And alam nilang magiging malakas ang kapangyarihan nila Mama kung magiging kakampi namin ang pet mo. Magiging mas malakas ang pwersa namin if papayag ka na kapag dumating o nagkatotoo ang propesiya, tutulungan kami ng pet mo upang kalabanin si Pearka."
"Ngunit, bata pa si Pichie saka sobrang liit niya para lumaban."
"Hindi mo ba alam na kayang lumaki ni Pichie ng halos sampung talampakan?"
"What?!"
Napatitig ako kay Pichie na kahit nakapikit ay matiim na nakatitig sakin.
"Seryoso, Pichie? Kaya mong lumaki ng ganun?" Hindi ako makapaniwalang tanong sa kanya. As if namang masasagot niya ako.
"Opo, Mama."
(0___0) - me
(-|||-) - pichie(=_= ) -sehun
N-nagsalita ba si Pichie?!
"Nagsasalita ka Pichie?""Opo, Mama."
Sa sobrang saya ko ay nayakap ko ng mahigpit si Pichie. Wow, nagsasalita na ang baby ko!
"Sige nga, Pichie. Sabihin mo Sehun," nakangiting sabi ko kay Pichie. Pero imbes na sumagot ay nakatitig lamang sya sa akin. Narinig ko na lamang ang malakas na tawa ni Sehun na nasa likuran ko. Naiiritang tumingin ako sa kanya.
"Anong nakakatawa?" Iritadong tanong ko kay Sehun na wLang tigil sa pagtawa.
"Sino ba namang hindi matatawa sayo eh tinuturuan mo agad yang pet mong magsalita? Makakapagsalita lamang yan kapag gusto lang nya," natatawang sabi ni Sehun. Naiinis naman akong hinampas ko siya. Kakabwiset talaga!
"Ano bang pakialam mong unggoy ka! Ewan! Bakit ba ako nakikipag usap sa unggoy na Sehun," sabay irap ko kay Sehun. Tinalikuran ko na si Sehun para iwan itong tawa ng tawa. Wala na naman akong dapat malaman sa kanya kaya aalis na lang ako kaysa naman hindi ako makapagpogil at magilitan ko bigla leeg ng unggoy na ito. Umakyat naman si Pichie sa balikat ko at mukhang tinitignan niya si Sehun na walang pigil pa din sa pagtawa.
"Unggoy.."
Napatigil ako sa paglalakad ng marinig kong nagsalita si Pichie. Ramdam ko din na tumigil sa pagtawa si Sehun.
"Anong sabi mong prutas ka?" Iritadong sabi ni Sehun kay Pichie.
"Unggoy na Sehun."
"Aba't-"
Bago pa makalapit si Sehun ay binugahan ito ni Pichie ng apoy. Tuwang tuwa namang kinuha ko si Pichie at hinalikan.
"Galing talaga ng baby ko! Good boy!"
BINABASA MO ANG
EXO Hearthrobs in Hailome University
FanficHailome University ~ Unibersidad para sa mga estudyanteng may mga kakaibang kakayahan at kapangyarihan. Ako si Jannica, isang normal na estudyante na pumasok dito at ito ang kwento ko kasama ang 12 makapangyarihang lal...