Nakakainis naman oh! oh!
Hindi na talaga siya nagbago, bastos pa din pala siya kahit kailan!!
Isang buwan pa lang naman ang nakakalipas pero kahit ba minsan hindi sumagi sa utak niya ang magbago? Kahit konti lang? Gosh!
Dumaretso ako ng c.r. para sa babae. Hindi ko kasi maintindihan 'yung tibok ng puso ko. Alam kong naiinis ako kay Sehun kasi lumabas na naman sa bibig niya 'yung salitang iyon pero may side sa puso ko na.. Natutuwa??
"Nababaliw na nga yata talaga ako. Argh!!" sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin ng c.r.
"well.well.well.. Sabi na nga ba't isang malaking kamalian ang tanggapin ang isang katulad mong hampaslupa sa unibersidad na ito. Dahil bukod sa wala ka na ngang kapangyarihan, at isa pang malandi ay isa ka pang baliw!"
Nakita ko mula sa salamin kung paano pumasok ang tatlong kontrabida ng buhay ko dito sa Unibersidad.
"Ano na namang problema niyo?" medyo pagod kong sabi.
Nagsasawa na kasi akong makipag-away sa kanila. (=__=)
"Wala kaming problema. Ikaw ang may problema!"
"At bakit na naman ako?"
"Nagmamaang-maangan ka pa? Alam namin kung paano ka magpapansin kay Prince Sehun kanina sa may soccer field!"
Naiikot ko ang eyeballs ko. Grabe, ang lakas ng radar nila! Nalaman agad nila iyon?!
"Hindi ako nagpapapansin sa kanya."
"Nagpapainosente ka pa!? Alam mo, dapat talaga pinaparusahan ang katulad mo eh."
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Gagamitan na naman nila ako ng bolang apoy!?
"Oh, don't worry. Hindi ka namin sasaktan. Pero mayroon kaming bagay na gawin sayo," nakangiting sabi ni Betrice sabay senyas sa dalawang alipores niya.
Mabilis akong nilapitan ng dalawa at namalayan ko na lang na tinalian nila ang kamay at paa ko at nilagyan nila ako tape sa bibig. Itinumba nila ako sa may gilid ng banyo at dumaretso sila sa may pinto.
"Ikukulong ka na lang namin dito. Bahala na ang mga Oger ang makakita sayo dito.. At sila na ang bahala sayo, Tara na girls! Hahaha!!" sabi ni Betrice at mabilis nilang ini-lock ang pinto.
BINABASA MO ANG
EXO Hearthrobs in Hailome University
FanfictionHailome University ~ Unibersidad para sa mga estudyanteng may mga kakaibang kakayahan at kapangyarihan. Ako si Jannica, isang normal na estudyante na pumasok dito at ito ang kwento ko kasama ang 12 makapangyarihang lal...