Entry 30 ( Jannica's.. Power? )

27 1 0
                                    

Jannica's Pov:

"We're dead," rinig kong sabi ni Haru. Napahigpit ang kumos ko sa p.e. pants namin na ewan ko ba kung bakit ang baduy tignan. -_- Alam ko na di ko dapat ipakita ito dahil siguradong mapapagalitan ako ni Mrs. Orcio but I have no choice. We have to fight. Mabilis kong kinapitan si Haru sa kamay.

"Are you ready?" Seryoso kong tanong kay Haru dahilan para mapakunot ang noo niya.

"Ready for what?"

"Run!"

Mabilis kong hinila palayo si Haru palayo sa dalawang bruha na humahabol sa amin. Kitang-kita namin kung paano maglaban-laban ang bawat isa. Ang iba ay mano-mano dahil siguro ay di pa sila natuto ng pagkontrol sa kapangyarihan nila habang ang iba naman ay walang kahirap-hirap na nagagawang dagdag lakas ang kapangyarihan nila. Katulan na nga lang ng humahabol sa amin ngayon.

"Saan tayo pupunta, Jannica? Wala tayong tatakbuhan! Umiikot lang tayo eh!" Reklamo ni Haru na halatang pagod na pagod sa kakatakbo. Nagulat na lamang ako ng makita ko sa harapan si Anne. At paglingon ko sa likod ay si Anna. Napatigil na kami sa pagtakbo. Hapong-hapo namang binitawan ko na si Haru. Na-corner na nga kami.

"Wala na kayong tatakbuhan," nakangising sabi ni Anne habang nakapamaywang.

"Sisiguraduhin naming hindi ka makakapasok ng school sa loob ng tatlong buwan. Ay hindi pala. Forever ka nang di makakapasok!" Nakangising sabi ni Anna.

"Haru, ako lang ang pupuntiryahin nila kaya gusto kong tulungan mo akong malaman ang bawat galaw nila," mahina kong bulong kay Haru.

"Anong-"

"Alam mong gamitin ang passed identity di ba?"

"O-Oo."

"Malaking tulong na yun sakin. Ipasa mo lang sa akin ang iniisip nilang galaw para makalaban ako ng patas. Kaya mo yun di ba?"

"Kaya pero di ko pa masyadong napeperfect yun. Saka paano ka lalaban?" Nag-aalalang tanong ni Haru sakin dahilan para mapangisi ako.

"Just watch me, okay?"

Tumingin ako sa dalawa. Parang mga demonyo talaga ang mga ito kapag nakangisi. Kakatakot. -_-

"Ako lang naman ang puntirya nyo di ba? You don't need to hurt Haru. Ako ang lalaban sa inyo."

Sabay pang tumawa ang dalawa. Ewan ko ba pero daig pa nila ang mangkukulan tumawa. Ang weird. Ang gagandang babae pero ganun tumawa. -_-

"Sa tingin mo ba makakaya mo kami?"

"Akala niya siguro Anna, makakaya niya tayo. Ni wala nga siyang powers eh!" Nakangising sabi ni Anne.

"Well, sige. Di namin gagalawin yang partner mo. And mabait naman kami kaya di ka namin susugurin ng sabay. One at a time. Right, Anne?" Tanong ni Anna sa kambal na agad namang tumango. Pinapunta ko si Haru sa may pinakagilid ng Dome para di siya madamay. Alam na naman niya ang gagawin kaya ang kailangan ko na lamang gawin ngayon ay matapos na ng ibang kalahok ang ilan nilang kalaban hanggang sa maging 8 na lamang kaming matira. Kailangan ko na lamang pahabain ang labang ito.

"So, who's first? Anna? Do you want?"

"My pleasure, Anne."

Unti-unting lumapit si Anna habang nilalaro sa kamao niya ang apoy. Unti-unti ko namang nararamdaman ang pagpasok ni Haru sa isipan ko. Eto ang tinatawag na passed identity. Kagaya ng kapangyarihan ni Haru, kaya niyang basahin ang iniisip ng isang tao at ipasa ito sa kung sino namang tinitignan nito. Medyo mahirap nga lamang at saglit lang na magagamit ito ni Haru dahil nga di pa niya gamay ang technique na ito pero bahala na. Kailangan ko lang ng kaunting oras.

" Hindi kita pagpapahingahin, you bitch. I'm going to burn all your blonde hair hanggang sa makalbo ka!" Gigil na sabi ni Anna sa akin. Huminga ako ng malalim saka itinaas ang parehong kamao. Unti-unti kong inalala ang mga turo ni Mrs. Orcio. Ang turo kung paano lumaban.

"Ang dami mong satsat. Inggit ka lang sa buhok ko."

Dahil sa inis, mabilis na lumapit sa akin si Anna. Sa tulong ni Haru, naiisip ko ang gagawin niya kaya agad akong nakakailag sa mga atake niya. Nang subukan nya akong sikmuraan, mabilis kong naitagilid ang katawan ko pakanan at saka binigyan ng isang malakas na sipa ang tuhod nito dahilan para mapaluhod ito. Bago pa siya makabawi ay agad ko siyang binigyan ng malakas na sampal sa mukha. Umiwas naman ako agad nang muntikan na niya akong bugahan ng apoy.

"Hep! Bawal iyan! Madidisqualified kayo," mapang-asar kong sabi. Mabilis siyang tumayo at hinawakan ang pisngi kung saan ko pinadapo ang malakas na sampal. Nang tignan niya ito at kitang-kita nya ang pagputok ng labi niya.

"You bitch! I'm gonna kill you!" Mabilis siyang lumapit sa akin at sunud-sunod na binigyan ako ng mabibilis na suntok. At dahil nga sa tulong ni Haru, nakakaiwas agad ako. Mabuti na lamang at na-master ko na ang tinurong self-defense ni Mrs. Orcio. Kaya naman nakakabawi ako sa mga binibigay niyang atake.

Nang sinubukan na naman niya akong bigyan ng naglalagablab nyang suntok, umatake na ako. Binigyan ko siya ng malakas sipa sa tagiliran at kagaya ng turo sa akin ni Mrs. Orcio, I'd turn around and given her a big kick on her face. Agad siyang natumba at iika-ikang tumayo.

"Oh, come on Anna. You can't beat that girl?" Natatawang sabi ni Anne habang iniikot-ikot ang paa. Inis namang  tumingin si Anna sa kambal.

"She's just lucky!"

"Oh, well. My turn."

Mabilis na nailipat ni Haru ang power niya kay Anne kaya naman nalaman ko agad ang gagawin niya. Nakailag ako nang binigyan niya ako ng flying kick. Masyadong mabilis si Anne. Siguro ay dahil nilagay niya lahat ng power niya sa paa nito. When I tried to kick her, nakaiwas naman din siya agad. Di lang sya basta mabilis, halatang marunong din siyang lumaban. Ngunit bago pa sya makatama sa akin ay agad kong naisip ang atake ko sa kanya. When she tried to kick me in my head, yumuko ako at binigyan ng malakas na chop ang hita nya. Napaurong sya at matalim ang tingin na bingay sa akin.

"Pinagbigyan lang kita."

"Sabi mo eh."

Sinubukan niya ulit akong atakihin but this time nakipagsabayan na ako. I kicked her ankle just like I did in her twin and give her a kick at the back. Napasubsob naman siya dahilan para tumama ang mukha niya sa sahig. Nagulat na lang ako nang bigla akong suntukin ni Anna dahilan para mapaurong ako.

"It's time! Mayron na tayong 8 contestant na papasok sa next round!" Rinig kong announce. Napangiti ako. Ring na rinig ko ang sigawan sa buong Hailome Dome. Nilingon ko si Haru.

"Ligtas na tayo!" Nakangiting sabi ko kay Haru. Nakangiti din naman si Haru ngunit nawala ang ngiti niya sabay turo sa likod ko.

"Sa likod mo!"

Bago pa ko makaiwas ay agad na tumama sa akin ang malakas na apoy ni Anne. Sumakit ang likod ko. Nang lingunin ko sila ay kitang-kita ko ang galit sa kanilang mga mata.

"Tapos man o  hindi kami papayag nang ganito!" Galit na sabi ni Anna habang tinutulungan si Anne na tumayo. Bago pa ako makabawi ay mabilis na sumugod ang dalawa. Wala akong ibang magawa kung hindi ang tanggapin ang lahat ng atake nila. It hurts. Magkahalong dugo at pagod ang nararamdaman ko ngayon. I saw Haru tried to help me but Anne kicked him dahilan para matumba ito.

"Haru!"

Hinawakan ako ni Anne sa buhok at itiningala. Itinaas niya ang kamao niyang nag aalab upang patamaan ako sa mukha ng bigla na lamang akong mawalan ng ulirat...

EXO  Hearthrobs  in  Hailome  UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon