Entry 29 (Start of Activity)

27 1 0
                                    

Jannica's Pov:

Sa dami ng pwedeng mangyari ngayon, bakit eto pa?

"We were about to start our game this semester. Are you ready?" Nakangiting tanong ni Miss Erika sa amin habang nasa may gitna kami ng Hailome Dome kung saan gaganapin ang larong ito. At ang worst, ang daming taong manonood!!!

"Haru, b-bakit ang daming tao?" Tanong ko kay Haru na tahimik na nakikinig kay Miss Erika.

"Lahat ng activity na ginagawa dito sa Hailome, talagang pinapanood ng lahat. Lalo na't si Miss Erika ang nagpapalaro," seryosong sabi ni Haru habang nakatitig pa din kay Miss Erika.

"Pinapanood? Bakit? I mean, simpleng palaro lang ito di ba? Saka isang seksiyon lang tayo na maglalaro tapos ganito kagarbo ang activity?"

Sa wakas ay lumingon na din si Haru sa akin bago niya inayos ang suto niyang salamin. Feeling ko gwapo naman itong si Haru. Pero feeling ko lang yun. Ayaw niya kasing tanggaling yung salamin at bangs niya e. Parang pang-emo.

"Wala ka ba talagang kaide-ideya sa pinasok mong school?"

"Wala. Malay ko ba?"

"Lahat ng mga activities na ginagawa sa school na ito ay ginagawa dito sa Hailome Dome. Binibigyan ang bawat estudyante ng access na makapanood kung may gaganaping activity. Bakit sila pinapayagan ng professor nila? Kasi dito sila nagkakaroon ng pagkakataong mapanood at mapag aralan ang ilan sa mga estudyanteng may kagaya ng kapangyarihan nila. Parang nagiging extra learning ito para sa lahat. At para malaman kung sino ang pinakamalakas."

Matapos mag-explain ni Haru ay muli siyang humarap sa kanina pang nag-eexplain na si Miss Erika. Kaya naman pala madaming nanonood ngayon dito. Naku! Kinakabahan ako. Lalo na't wala si Sehun ngayon. Walang hiyang unggoy kasi iyon eh! Kapag kailangan sya saka nawawala! Anong gagawin ko ngayon?

"Bakit parang di ko yata nakita ang mga EXO?" Rinig kong tanong ng isang kaklase kong lalaki sa katabi niya.

"Ewan ko. Pero ang pagkakarinig ko, pinatawag sila ng mga matatandang nakatataas."

"Na naman?"

"Oo. At eto pa. Alam mo ba kung bakit sila pinatawag? Dahil dun sa biglang pagkawala ng mahiwagang bote."

"Ha!? Nawawala ang-"

"Shhh!! Huwag kang maingay! Baka marinig ng iba! Mapaparusahan tayo kapag kumalat yung balitang iyon"

Hindi ko na muling narinig pa ang usapan ng dalawa dahil bigla silang tumahimik. Ngunit malakas ang kutob kong may kinalaman si Pearka sa mga nangyayari.

"Jannica. Are you okay?" Biglang tanong ni Miss Erika sa akin. Nagtinginan naman ang lahat sa akin dahil sa pagiging tulala ko. Kitang-kita ko kung paano tumingin sa akin ang dalawang malditang kasama ni Betrice na sina Anna at Anne ngunit nakapagtatakang wala si Betrice?

"W-wala po Miss. Okay lang po ako," pilit ang ngiting sagot ko. Kitang-kita ko naman kung paano umirap at magsalita sina Anna at Anne ng, "Ang arte!". Ano na naman bang problema nila? Wala nga ang isa, di pa sila magpakabait kahit ngayon lang. (-_-)

"Are you worried about your partner? Don't worry. Since wala din si Kai at Betrice, you can choose among their partners kung sino ang gusto mong makapartner."

Nang tignan ko ang maskuladong partner ni Kai na abot-tenga ang ngiti while matching kindat pa sa akin, mabilis akong napailing. Kumapit agad ako sa braso ni Haru at pilit na ngumiti.

"Si Haru na lang po, Miss."

"Jannica, ano bang-"

"Tumahimik ka na lang," bulong ko kay Haru.

"If that's what you want, then we can continue this game," nakangiting sabi ni Miss Erika bago bumaling sa partner ni Kai na sobrang lagkit pa din ng tingin sakin. Nyemas naman oh! Bakit ba mukhang manyak iyon? T_T

"Mister Conward, I would like to ask your assistance today since wala ka namang partner, okay?" Nakangiting sabi ni Miss Erika. Tumango naman agad si Conward at tumabi kay Miss Erika. Binigyan kami ni Miss Erika ng 15 minutes break at warm-up before daw niya simulan at sabihin ang rules ng laro. Agad akong hinila ni Haru sa isang tabi.

"Ano bang kabaliwan ang ginawa mo, Jannica? Bakit ako ang pinili mo? Tingin mo ba mananalo tayo sa desisyon mo? Mapapahamak tayong dalawa nito eh!" Reklamo ni Haru sa akin.

"Wala akong choice eh. Alangan namang piliin ko si Conward? Tignan mo nga siya! Hanggang ngayon nakatitig pa din sakin!" At sabay kaming tumingin ni Haru sa direksyon ni Conward na agad kumindat sa amin, "Shit! Tumaas balahibo ko."

"Hindi kita mapoprotektahan, Jannica. Ang alam ko, battle of the strength ito. Hindi tayo mananalo."

"Hindi ko naman gustong manalo e. Saka makakagawa tayo ng paraan pag nalaman natin ang rules ng larong ito. Saka about sa pagprotekta sakin-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang tumunog ang bell na hudyat ng pagsisimula ng laro. Nasa iba't ibang parte kami ngayon ng Hailome Dome habang nanonood sa may taas na kung saan may bench ang mga estudyante. Worst? Nasa gitna kami ni Haru!

"It's a battle of Strength. Pwede kayong gumamit ng powers nyo but ang rules lamang ay dapat magawa ninyong ilagay ang kapangyarihan nyo sa parte ng katawan ninyo. For example, katulad nito," at gumawa na nga ng apoy si Miss Erika at nakapalibot iyon sa kamao niya! "I told you na dapat mapag-aralan nyo ang kapangyarihan nyo. Well, pwede namang di gumamit ng kapangyarihan if di nyo pa kaya but it will be a disadvantage to you guys. Sa mga nakakaalam kung paano, then congratulations. Again, it's a battle of strength. Matira ang matibay. You just need to knock down any group. The first 8 partners na matitira ang siyang makakapasok. So, goodluck guys and let the battle in Dome begin!"
Malalakas na sigawan ang naririnig ko sa buong Dome nang umalingawngaw ang mahabang Horn na di ko malaman kung saan nanggagaling. Tinitignan ko ang bawat isa na tila ba nakikiramdam din. After mawala ang tunog na horn, biglang tumahimik ang lahat. Bawat kalahok naman ay nakikiramdam. Ramdam ko ang panginginig ni Haru nang kapitan niya ko sa may braso.

"J-Jannica, anong gagawin natin? Wala tayong gawa sa kanila. Baka mabugbog tayo."

"Wag kang mag-alala. Ang rules lang naman ay first 8 partners na matitira. So, we don't need to fight. Kailangan lang nating umiwas at hayaan silang maglaban-laban."

"Paano naman natin magagawa iyon?"

"Akala ko ba matalino ka?" Takang tanong ko kay Haru. Inayos na naman niya ang salamin niya bago sumagot.

"Disguise lang ito."
"Ano ba yan. Basta. Tulungan mo ko. Di ba marunong kang makabasa ng mga iniisip ng bawat isa?" Tanong ko sa kanya at nang tumango siya ay ngumiti naman ako, "Then all you need to do is tell me what are they thinking at saka tayo gagawa ng kilos. Okay?"

"Paano kung galawin nila tayo?"

"Then we don't have a choice but to fight."

"Paanong-"

Hindi na naituloy ni Haru ang sasabihin nang biglang nagsipaggalawan na ang lahat ng kalahok. Akala ko naman ay okay na kami dahil bawat isa ay may nilalabanan na pero kitang-kita namin kung paano tumatakbong papalapit sa amin sina Anne na may tubig na nakabalot ang parehong paa habang si Anna ay may apoy sa paligid ng mga braso nito.

"We're dead," rinig kong sabi ni Haru.

EXO  Hearthrobs  in  Hailome  UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon