Sehun's POv:
Mas masarap ang magpahinga sa isang tahimik na lugar. Mas marami ka pang magagawa kapag mag-isa ka lang at walang pupuna pa sayo.
Kaya nga mas gusto ko mapag-isa sa ngayon para maging peace ang laman ng utak ko kahit minsan. Marami na kasi akong iniisip sa ngayon kaya gusto kong mapag-isa ngayon.
Kung tutuusin, hindi naman ako pumayag na mag-aral pa dahil alam ko na naman kung paano gamitin ang power ko pero ewan ko ba kay Mama, pinag-aaral pa ako. Buti na nga lang at dito din nag-aaral sila Kai kung hindi, talagang hindi ako papayag.
Nandito ako sa favorite spot ko dito sa scholl, sa may loob ng Maze Garden. Bukod kasi sa tahimik dito ay wala namang naglalakas ng loob na pumasok dahil sa takot na hindi na makalabas.
Ako naman kasi, saulado ko na itong maze na ito at saka kaya ko namang lumabas dito everytime na gustuhin ko. Wala naman akong masyadong ginagawa dito kundi matulog at magbasa ng kung anu-ano na nakukuha ko mula sa library.
Katulad ngayon, maaga pa lang narito na ako. Boring kasi sa bahay, saka wala naman lagi si Mama. Lagi na lang siyang busy sa pagtulong sa ibang tao. Hayst ..
Nakahiga ako ngayon dito sa may isang dead end ng maze ng marinig kong may taong pumasok sa maze. Na-curious ako bigla kasi wala namang naglalakas ng loob pumasok dito lalo na't mag-isa. Sino naman kaya itong baliw na pumasok?
Naramdaman kong nasa gilid ko na siya kaso mukhang hindi naman niya ako napuna. At dahil mukhang naliligaw na siya, nagsalita na ako.
"Wrong way ka, doon ka sa kabila dumaan."
Naramdaman kong lumingon siya at halatang tinitigan ako. Ang pinakaayoko pa naman sa lahat ay tinititigan ako. Psh..
"Anong sabi mo?" sabi pa niya.
Mukhang may pagka-bingi din pala itong babaeng ito.
"Ang sabi ko sa kabila ka dumaan, dead way ulit yang dadaanan mo."
"Ganun ba? Salamat."
Saka siya nagsimulang maglakad. Hay salamat, mawawalan na din ng istorbo.
"Teka, paano mo nalamang maling daan ang dadaanan ko eh nakatakip yung libro sa mukha mo?"
Kailangan pa ba niyang itanong sakin yun?
"WInd ang power ko, Miss. Sinabi sakin ng hangin."
"Ah, ganun ba? Thank you ulit."
Nagsimula na ulit siyang maglakad ng tumigil na naman siya. Ano bang problema ng babaeng ito? Baliw yata ito eh!
"Last na tanong, naliligaw ka din ba?"
Hindi na ako nakatiis sa pagiging makulit niya. Bumangon na ako mula sa pagkaakhiga at tiningnan siya, Nagulat na lamang ako ng makita ko siya.
Maganda siya. Blonde yung buhok saka maamo ang mukha.
"Miss, alam mo ang dami mong tanong. Nandito ako para makapagpahinga hindi para naging tour guide mo at tagasabi kung saan ka dapat pumunta, ok?" sabi ko na lang sabay higa.
BINABASA MO ANG
EXO Hearthrobs in Hailome University
FanficHailome University ~ Unibersidad para sa mga estudyanteng may mga kakaibang kakayahan at kapangyarihan. Ako si Jannica, isang normal na estudyante na pumasok dito at ito ang kwento ko kasama ang 12 makapangyarihang lal...