Entry 17 (Suddenly ..)

131 1 0
                                    

Sehun's Pov:

Naglalakad na ako sa may hallway nang marinig ko ang usapan nung mga babaeng nakasalubong ko.

"Narinig mo ba ang usap-usapang nag-aaway ngayon sa Class A ang grupo ni Betrice pati yung bagong estudyante?"

"Oo nga eh. Kawawa naman yung girl, balita ko pa naman din eh normal lang siyang tao."

"Normal na tao? Paano sya nakapasok dito kung normal na tao pala sya?"

"Ang balita ko, healer ang mama niya kaya siya nakapasok dito. Ang kaso, hindi siya nabiyayaan ng kapangyarihan."

"Kawawa naman siya. Alam mo namang mapanakit sila Betrice di ba?"

"Oo nga eh. Ewan ko ba kung bakit hindi pa siya napapaalis ng University na ito."

"Hay naku, alam mo namang isa ang parents niya sa mga bumuo nito di ba?"

"Hay naku, bakit kasi hindi na lang siya naging kaugali ng parents niya."

"Sinabi mo pa.."

Hindi ko na narinig yung usapan nila dahil nagmadali na akong naglakad papunta ng klassroom. Malayo pa lang ay narinig ko na ang boses nila Betrice.

Pagpasok ko ng klasroom ay nakita ko ang paggawa ni Betrice ng bolang apoy sa kamay niya at saka ibinato niya kay Jannica.

Mabilis akong naglabas ng malakas na hangin upang protektahan si Jannica....

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Jannica's Pov:

( >_____< )

Inantay kong dumapo sa katawan ko ang mainit na bolang apoy na iyon sa katawan ko pero hindi ko ito naramdaman.

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata upang makita ang isang puting tela.

Eh?? 

Nakita ko ang nakaharang na likod ni Sehun sa mukha ko at napakurap ako. Anong nangyari?? (??)

"Sumosobra ka na, Betrice!" narinig kong sigaw ni Sehun.

Hindi ko alam ang nangyai pero ia lang ang sigurado ko.

INILIGTAS AKO NI SEHUN.

Wow, saviour ko siya ngayon?!

"P-Prince Sehun.."

"Alam mo bang labag sa rules ng University ang ginawa mo?! Hindi binuo ng mga magulang natin ang University na ito upang manakit ng ibang tao!"

Napalunok na ako. Ramdam na ramdam ko ang galit ni Sehun kahit na hindi ko pa nakikita ang mukha niya. Ngayon ko lang siya nakitang nagalit..

"P-Pero.."

"Huwag ka nang magpaliwanag, Betrice. Get out of this room, NOW!"

Mabilis namang nagsipagtakbuhan ang mga ito sa labas ng klasroom at naiwan kaming dalawa.

Biglang nagsara ang pinto ng klasroom dahil sa malakas na hangin na ginamit ni Sehun.

Unti-unti  siyang lumingon sa akin dhailan para makita ko ang galit niyang itsura.

"Alam mo ba ang ginagawa mo, ha?! Jannica?!"

Napalunok ako ng wala sa oras.

"W-Wala akong ginagawang masama."

"Wala nga! Pero bakit kailangan mo pang labanan sila?! Bakit kailangan mo pang punuin sila gayung alam mo naman sa sarili mong hindi mo sila kakayanin?!"

"Bakit hindi ako lalaban?! Kahit na normal na tao lang ako, wala silang karapatang husgahan ako at lait-laitin ako! Hindi ako pinalaki ng Mama ko na aapi-apihin lang!"

"Kung sa mundo ng mga normal na tao, pwede mong gawin iyon. Dito hindi! Hindi kami normal na tao, jannica. Kaya ka nilang tirisin ng walang kalaban-laban!"

"So hahayaan ko lang silang apihin ako, ganun?"

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!"

"Bakit ba ang pakialamero mo?!"

"Bakit mo ba akolaging kinokontra?!"

"Eh bakit mo din ako kinokontra ha?!"

Bigla niyang itinikom ang bibig niya at nakipagtitigan sa akin. Kung nakamamatay lang siguro ang tingin, baka kanina pa ako patay.

"Hindi kita maintindihan," mahinang sabi ni Sehun sa akin.

"Ikaw ang hindi ko maintindihan. Bakit kailangan mo akong iligtas?!" inis kong sabi sa kanya sabay talikod.

Nagulat na lang ako ng hawakan niya ang braso ko at iniharap ako sa kanya bilang gawaran ng ..

HALIK SA LABI..

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko para akong aatakihin sa puso.

Magaan lang ang halik na iginawad niya sa akin pero..

Parang may kuryenteng dumaloy mula sa labi niya papunta sa akin.

Isa ba yon sa kapangyarihan niya?

Humiwalay na ang labi niya sa labi ko pero nakatulala lang ako.

Walang sabi-sabing lumabas siya ng kuwarto.

Napahawak ako sa labi ko.

Anong nangyari? Para san ang halik na yun??

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Maghapon akong bangag dahil hindi ko pa din makalimutan ang first kiss ko.

At kay Sehun pa talaga!

Walanghiyang Sehun na yun! Argh!

Hindi naman siya pumasok ng sumunod na klase. 

Hanggang sa mag-uwian ay hindi ko siya nakita.

Mabuti naman dahil at least hindi ako mahihiyang harapin siya.

Argh! Ginulo niya ngayong araw ang isipan ko!

Ano bang gusto niyang ipahiwatig!?

Naguguluhan na talaga ako kay Sehun!

Nasa bahay na ako at hindi na ako kumain ng hapunan.

Nakahiga lang ako sa kama at nakatulala sa kisame.

"Para san ba yun?" wala sa sariling tinanong ko yung kisame.

Kisame: (no comment)

(==______==)

Tae, ayoko ng ganitong feeling!

Minabuti ko na lang matulog dahil nakakapagod ang buong araw na ito,  SWEAR!! (>___<)

EXO  Hearthrobs  in  Hailome  UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon